Bumungad sa harap nina Becky at Hugh si Dr. Eduardo San Victorio, ang ina ni Hugh at ang isang napakagandang maputing babae. Matalim na tumingin ang ama ni Hugh rito saka inilipat ang tingin sa kaniya. Base sa tingin ng mga magulang nito ay hindi nito nagugustuhang siya ang kasama nito. Hindi na rin naman iyon bago sa kanya dahil ganoon din naman ang ipinakitang reaksyon nito nang sumama siya sa kasal ni Celine noon. "We were looking for you," ma-awtoridad na tinig ni Dr. Eduardo kay Hugh. "Galing lang ako sa taas to make some rounds. What brought you here?" tila walang emosyong wika ni Hugh. Sa totoo lang ay sobrang nararamdaman niya rin naman ang tensiyon at sobrang kinakabahan siya lalo pa at hindi naaalis ang mapangmatang tingin sa kanya ni Dr. Eduardo na maya't maya na lan

