"Ilang araw kang mawawala?" Tanong ko kay Kingsley habang inaayos ko ang kanyang gamit sa maleta. "Maybe four. Five. Or a week. I need to cooperate with my other friends para mabilis naming mahuli ang gumawa nun kay Wayne." Aniya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako mula sa aking tagiliran at isiniksik ang kanyang mukha rito. Aalis bukas ng madaling araw si Kingsley papunta ng Melbourne, Australia. Nabalitaan kasi niya ang pagkakadisgrasya ng kanyang kaibigan na si Wayne sa isang car racing. Pero hindi siya naniniwala na iyon ay isang aksidente lamang. Sinadya iyon ng kung sino mang may galit dito. At sa tingin niya rin ay konektado ang nangyari sa kanyang kaibigan at sa natanggap niyang death threat noong isang araw. "Mag-iingat ka ro'n ah. Huwag mong pababayaan ang sarili mo." Maii

