Kinagabihan ay agad akong nag-ayos ng mga gamit dahil kinabukasan pagkatapos ng trabaho ko ay lilipat na ako sa condo ni Kingsley. Gusto ko nga sana sa Sabado na lamang ngunit panay ang pilit sa akin ng mga bata at wala rin akong nagawa kung 'di ang pumayag. Hindi ko talaga kayang tapatan ang kakulitan ng mga ito. Si Kingsley na rin ang susundo sa akin kasama rin ang dalawang paslit. Sasama sila sa ama dahil baka magbago raw ang isip ko. Nakabitiw na ako ng pangako sa kanila kaya hindi na pwedeng baliin pa iyon. Takot ko lang sa kanila. Paniguradong iiyakan ako ng dalawa kapag hindi ako tutuloy sa bahay nila. Pagkatapos ng trabaho ko sa araw ay agad akong umalis sa kompanya. Dumaan muna ako ng flowershop upang magcheck ng mga sales. Kahit hindi pa gaanong nakakabawi, naging mabilis nam

