Two weeks na ang nakalipas simula nong lumabas na ako ng hospital. Dahil sa nangyari sakin sa restroom nong araw na yon, nawala ang baby ko at muntik na ring mapahamak ang buhay ko dahil sa labis na pagdurugo. Wala akong alam na buntis na pala ako. Sinabi ko sa doctor na nagte-take ako ng contraceptive pills pero meron daw talagang mga pills na hindi nage-effect o hindi compatible sakin kaya ganon. Wala akong kaalam-alam at kakaibang nararamdaman hanggang sa naisip ko na nag-missed pala ako ng aking period. Ang tanga-tanga ko kasi at nawala sa isip ko yon. Kasalanan ko talaga kung bakit nawala ang baby namin. Kung hindi ko pinatulan si Eunice, malamang hindi niya ko masasaktan. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Napakahirap pang magmove on sa lahat ng nangyari dahil wala sa tabi ko ang mga la

