“You love me?” gulat na sabi ni Ninong habang nasa office niya kami. Inutusan kasi ako ni Mrs. Valdez na dalhan siya ng lunch at para na rin tingnan ang bago niyang secretary. Kung alam lang ng asawa niya na ako ang lumalandi sa kanya. Ako, na mahal na mahal na siya at ngayon nga ay nasabi ko ng hindi inaasahan. Naku naman! Bakit ba hindi ko napigilan ang bibig ko?! Dito pa talaga ako nag-confess ha?! “Sherri, tama ba ang narinig ko?” napayuko ako at nahihiya akong tumango. Hinawakan niya ang chin ko para itaas ang aking mukha at magkaharap kami. “Sorry Ninong… Hindi ko mapigilan eh. K-kalimutan mo na lang na sinabi ko yon." “Kalimutan? Bakit ko naman kakalimutan ang napakagandang sinabi mo?" binuhat niya ko at pinaupo sa kandungan niya. "You really love me?" "Yes Ninong, matagal na. A

