"Goodmorning!” masaya kong bati kay Gideon mula sa sala habang nanonood ako ng cooking show at naghihintay na maluto ang apple pie na nasa oven. Bumaba na siya after an hour na umalis si daddy para mag-golf kasama ang business partner niya. Sana nga lang wala silang mga babae na kasama at lumalandi sa kanya. I trust him, I do, pero hindi sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Isa ka sa mga babaeng yon di ba? May asawa na nga siya pero nilandi mo pa rin! Sabi ng bwisit kong utak na gusto kong hampasin ng malakas... Ngumiti ako kay Gideon at pupungas-pungas pa siyang humarap sakin at nag-inat pa kaya kitang-kita ang pag-bulge ng kanyang mga muscles. Yummy! Natigilan ito nang makita siya at gaya ng dati, humagod ang tingin niya sa buong katawan ko na kakaligo lang, suot ang isang mini skirt at

