Kabanata 9 Muli akong nagpalit ng damit dahil para iyon sa trabaho. Isang fitted skirt iyon na hanggang ibabaw ng tuhod ko at de-butones naman sa pang ibabaw. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok dahil iyon ang palaging bilin sa akin ni Ahmet. Habang siya naman ay naka two pieces suit na kulay grey, kagaya ng mata niya. His hair was slick brush up, naka relo na mamahalin, at sapatos na kulay itim na leather. Hindi ako nagsusuot ng heels, pero ngayon ay nagsuot ko dahil iyon lang ang nasa maletang binigay ng mga tauhan niya kanina. Nakasunod ako sa likod niya, may dalang folder na may laman na papeles. Hindi naman iyon mabigat gaya ng iasahan ko. Pumasok kami sa isang magarang sasakyan, nasa harapan ako habang si Ahmet naman ay nasa driver seat. “Wala ka bang driver?” kuryoso kon

