Kabanata 12 Warning: Medyo SPG! Hawak hawak ni Ahmet ang beywang ko habang papalabas kami sa suite. Sinubukan ko pa sanang kunin iyon dahil nasa labas na kami ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon at matalim akong tinitigan. Wala akong magawa at hinayaan siyang makahawak sa beywang ko hanggang sa tuluyan kaming nakarating sa parking area. Umuwang ang labi ko nang pinagbuksan niya ako, napakurap kurap ako bago pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Umikot siya at pumasok sa loob ng sasakyan bago nilapag ang isang kamay sa aking hita. “Are you sure you’re okay, Georgina?” he asks again. Hindi ko na mabilang kung pang ilang tanong na niya iyon simula matapos ang meeting niya kanina. Ilang beses ko na ring sinabi na maayos lang ako at hindi naman ako gano’n na apektuha

