Kabanata 15 Nakabalik ako sa pilipinas sa tulong ni Peter. Medyo nakakailang lamang siya habang nasa loob kami ng eroplano dahil sa kanyang pagtiningin sa akin. Hindi ko inasahan na tahimik kaming dalawa roon, ang inakala ko kasi ay magsisigawan kamo o 'di kaya ay mag aaway dahil sa away nila ni Ahmet, ngunit hindi. Parang ibang tao siya sa harapan ko ngayon, ibang iba sa huli naming pagkikita. Nang makalapag kami ay agad kong tinawagan si Dane ngunit hindi sumasagot dahil siguro ay ma trabaho pa siya. Dumeritso kaagad kami ng mga araw na ‘yon sa hospital. Hindi talaga ako tinantanan ni Peter hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya kung bakit kami dumiretso sa hospital. Ayaw niyang mag pa iwat at mag pa iwan kaya dahilan kung bakit niya nalaman ang tungkol kay Gianet. Hindi naman siy

