“PARA SAAN ‘TO?” nagtatakang tanong ni Trisha nang bigyan siya ni Ken ng bulaklak pagsakay niya sa kotse nito.
“Kailangan ba na laging may dahilan kapag nagbibigay ng bulaklak ang lalaki sa babae?” kunot–noong tanong ni Ken.
Tulad ng inaasahan ni Trisha ay naging mainit ang naging pagtanggap ng pamilya ni Ken sa kanya bilang girlfriend nito. At ganoon ang binata sa kanyang pamilya. Puro kantiyaw naman ang inabot nila sa barkada at katakot–takot na kurot nga ang natamo niya mula kina Kate at Jane. But Jane knew about their relationship before that dahil nagtapat na si Ken.
“Aba, malay ko ba kung may ginawa kang kasalanan kaya nagbibigay ka ng bulaklak,” kunwari ay nakaingos na sabi niya.
Napasimangot si Ken sa narinig. “Nakakainis ka, binigyan kita ng bulaklak dahil gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita at masayang–masaya ako dahil okay na uli tayo.”
“Talaga?”
“Oo naman!”
Nakangiting inilapit niya ang mukha rito. “Thanks,” aniya at siya mismo ang humalik dito. Mabilis namang pinalalim ni Ken ang halik. Tulad ng dati, kapwa sila humihingal nang magbitiw.
“Nagka-ayos na ba kayo ni Paolo?” tanong ni Trisha.
Sa kabila ng maiinit na pagtanggap ng lahat sa kanilang relasyon, nagulat na lang sila nang biglang undayan ng suntok sa mukha ng pinsan niya si Ken. Hindi naman gumanti ang binata at inunawa na lang si Paolo. Ayon kay Ken ay natural lang ang naging reaksiyon ni Paolo dahil tulad nito noon kay Kate, prinotektahan lang siya ng pinsan laban sa babaerong katulad ni Ken. Idagdag pa ang eskandalong kinasangkutan nito.
Tumango si Ken. “Finally, kinausap na niya ako sa opisina kanina. Okay na kami. Nag-set pa nga siya ng triple date sa Saturday, eh.”
“Talaga? Ano’ng sabi mo?”
“Sabi ko next time na lang dahil may lakad tayo sa weekend.”
Napakunot– noo si Trisha. “Saan naman tayo pupunta?”
“Anywhere, gusto lang kitang masolo.”
Napangiti siya. Gusto niya ang plano nito.
“So, saan tayo ngayon?” tanong ni Ken.
“Let’s have dinner at Amelia’s.”
“And?”
“Let’s watch a movie.”
“And?”
Sandali siyang nag–isip bago sumagot. “Ikaw na lang ang bahala,” aniya nang wala nang maisip na gustong puntahan.
“Sinabi mo ‘yan, ha,” pilyong sabi nito.
Nakuha ni Trisha ang ibig nitong sabihin. Gusto siyang dalhin nito sa lugar na makakapagsolo sila. Nagdala ng kiliti sa kanya ang naisip. Wala siyang tutol kung dadalhin nga siya nito roon.
MAGKASAMANG nagpunta sina Trisha at Jane sa shop ng couturier na tatahi sa susuotin nila sa kasal nina Kate at Jay–Jay.
“Are you okay? Kanina ka pa tahimik at namumutla ka rin,” concern na tanong ni Jane.
“Okay lang ako,” pagsisinungaling ni Trisha at pilit na ngumiti.
Mula nang magising siya kaninang umaga ay masama na ang kanyang pakiramdam. Nahihilo siya at nagsusuka. May ideya na siya kung bakit siya nagkakaganoon. Dalawang buwan nang delayed ang period niya. Pinipilit lang niyang umakto nang normal kahit ang totoo ay kanina pa siya kinakabahan sa magiging resulta ng gagawing eksaminasyon sa sarili mamaya.
Bago mananghali ay isa–isang nagdatingan ang mga kapatid nila at mga kaibigan sa shop, pinakahuling dumating si Ken na nanggaling sa isang meeting. Pagkatapos magpasukat, dumiretso sila sa Amelia’s para mag–lunch.
“Sigurado kang busog ka na?” kunot–noong tanong ni Ken nang mapansin nitong halos hindi niya nagalaw ang pagkaing nasa plato.
Tumango si Trisha. “Busog na ako.”
Pagkatapos kumain ay tumanggi siya nang magkayayaang manood ng sine at nagpahatid na agad kay Ken sa bahay.
“Hindi mo man lang ba ako papasukin? Dito na lang ako magdi–dinner sa inyo,” sabi ni Ken nang magpaalam kaagad siya pagdating nila sa bahay.
“Sa susunod na lang, Ken. Masama talaga ang pakiramdam ko, gusto ko nang magpahinga.”
Napabuntong–hininga ang binata. “Okay, magpahinga ka na kaagad, ha. At tawagan mo ako kahit na anong oras ka pa magising.”
Tumango siya. Pagkatapos itong halikan sa mga labi ay bumaba na siya sa kotse nito. Pagdating sa kuwarto ay dumeretso siya sa banyo. Inilabas niya ang pregnancy test kit na pasimpleng binili sa drugstore kanina at sinimulan ang procedure. .
Hinintay ni Trisha ang resulta kasabay ng kaba sa dibdib. Ilang sandali pa ay lumitaw na ang resulta. Pinanlamigan siya sa nakita.
It was positive. Buntis siya.
Hindi pa siya nakontento at inilabas ang dalawang pregnancy test at nilagyan din ng urine sample. Tulad ng nauna, positive din.
Lumabas ng banyo si Trisha at humiga sa kama. Halo–halong emosyon ang nararamdaman niya. The baby was making her ecstatic, pero naroon ang takot sa susuunging panibagong yugto ng kanyang buhay.
Naisip niya si Ken. Matutuwa kaya ito o magagalit kapag nalaman ang kanyang kalagayan?
Sigurado siyang magagalit ito. Alam niyang hindi pa ito handang maging isang ama. Napakaingat nito sa tuwing magtatalik sila at hindi nito nakakalimutang gumamit ng proteksyon. Maliban na nga lang noong unang may nangyari sa kanila, at noong nagkasakit ito at natulog siya sa bahay nito.
Bumigat ang dibdib ni Trisha sa naisip. Kasunod ay ang pagpatak ng kanyang mga luha. Sigurado siyang tulad ng ginawa nito kay Olga ay tatanggi rin itong panagutan siya.
NANG sumunod na araw, nagulat si Trisha nang pumunta siya sa dining area ay madatnan si Ken na nag-aalmusal kasama ng mga magulang niya. Agad itong tumayo nang makita siya.
“Ang aga mo rito,” aniya matapos siyang halikan sa pisngi.
“May sasabihin kasi ako sa ’yo. Okay ka na ba? Hindi mo ako tinawagan kagabi.”
Tumango siya. “Nagdere-diretso na kasi ang tulog ko,” pagdadahilan niya. Binati muna niya ang mga magulang bago dumulog sa hapag. “Ano ‘yong sasabihin mo?” tanong niya nang magsimula siyang kumain.
“Later,” sagot ni Ken. “Ako na ang maghahatid sa ’yo sa restaurant.”
Tumango si Trisha. Bago nakatulog kagabi ay napagdesisyunan na niyang sabihin kaagad kay Ken ang kalagayan. Magustuhan man nito o hindi ang kanyang ibabalita, wala siyang magagawa kundi tanggapin iyon. Magana siyang kumain ng breakfast. Nang pinuna siya ng mommy niya nang kumain siya ng kanin na hindi naman niya dating ginagawa ay nagdahilan lang siya na gutom at hindi siya kumain kagabi. Thankful siya dahil hindi siya nakaramdam ng morning sickness nang umagang iyon.
Matapos kumain ay nagpaalam na sila sa mga magulang ni Trisha. Napakunot-noo siya nang itigil ni Ken ang kotse sa park malapit sa bahay nila.
“Bakit tayo huminto?” nagtatakang tanong niya.
Hindi sumagot si Ken. Sa halip ay binuksan nito ang compartment sa dashboard at kinuha mula roon ang isang velvet box. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang buksan nito ang kahon sa kanyang harap. Isang singsing na may malaking bato na kumikislap–kislap ang nasa loob niyon.
“Mom gave this to me last night. Her engagement ring from dad. Gusto niyang ito ang ibigay ko sa ’yo kapag gusto na kitang pakasalan,” sabi pa ni Ken sa parang kinakabahan na tinig.
“Ken…”
“Hindi ko alam kung kailan ang perfect time para ibigay ko ‘to sa ’yo. You know I’m not that good in surprises. Alam ko na marami ka pang gustong gawin bago mag–settle down at ganoon din ako. But there’s nothing wrong if we gonna engaged now and get married, right?”
Naiiyak na mabilis siyang tumango. “Right.”
“You’re gonna marry me then?”
Muli siyang tumango. Lumarawan ang kaligayahan sa mukha ni Ken. “Yes, but would you listen to me first? May sasabihin din ako.”
“O-okay,” reluctant na sagot nito na parang natatakot na bawiin niya ang desisyon. Isinara nito ang hawak na velvet box at ibinaba sa kandungan ng binata.
Huminga muna nang malalim si Trisha bago nagsalita. “I… I’m pregnant.”
“What?!” gulat na gulat na bulalas ni Ken.
Tama nga ang hinala niya. Hindi nga nito magugustuhan ang kanyang kalagayan. Nag-uulap ang mga matang inilabas niya mula sa bag ang mga PT result at ibinigay sa binata.
“I can’t believe it,” hindi makapaniwalang sabi ni Ken habang nakatingin sa hawak na pregnancy tests.
Tuluyan na siyang napaiyak.
Napatingin ng tingin sa kanya ang binata. “Hey,what’s wrong?” nag–aalalang tanong nito. Hinawakan nito ang isang kamay niya at ang isa pa ay pinahid ang kanyang mga luha. “Hindi ka ba natutuwa na magkaka-baby na tayo?”
Napamaang si Trisha sa boyfriend. “Hindi ka nagagalit na buntis ako?”
“Bakit naman ako magagalit? Kagagawan ko rin naman ‘yan, eh.” Sinundan pa nito ng mahinang tawa ang sinabi.
“A–akala ko, hindi mo magugustuhan ang kalagayan ko,” relieved na sabi niya.
“Bakit naman hindi? Nagulat lang ako pero masayang–masaya ako dahil magkaka-baby na tayo.Wala ka bang tiwala sa akin na hindi kita pababayaan? Alam mo naman na mahal na mahal kita, ‘di ba?”
“Hindi mo ako masisisi. Kay Olga noon, tumanggi kang pakasalan siya at inayawan mo rin ang baby niya. Naisip ko na hindi ka pa handang maging isang ama.”
“Natural, dahil alam ko namang hindi ako ang ama ng pinagbubuntis niya at hindi ko naman mahal si Olga para pakasalan ko s’ya.”
“Pero maingat ka naman. Paano ka nakakasiguro ngayon na sa ’yo nga ang pinagbubuntis ko?”
Natawa si Ken. “Alam nating pareho na hindi one hundred percent safe ang paggamit ng proteksiyon. At disente kang babae, Trish. Kahit kalian, hindi ako magdududa sa ’yo.”
“Talaga?”
Tumango ang binata. Kinuha nito ang velvet box sa kandungan nito at muling binuksan sa harap niya. “I think this is the right time to ask you to marry me. Will you marry me, sweetie?”
Sunod–sunod ang naging pagtango niya. “Yes, with all my heart.”
Kinuha nito ang singsing sa kahita at mabilis isinuot sa kanyang daliri.
It fit perfectly. Then they sealed their engagement with a kiss.
Three days later
KINAKABAHAN si Trisha. Doon siya naghapunan sa bahay ni Ken kasama ng buong pamilya nito.Nandoon din si Jay–Jay. Ngayon nila sasabihin sa pamilya nito ang kalagayan niya at bukas ng gabi naman ay sa pamilya niya.
“Relax, kanina ka pa nanlalamig,” bulong ni Ken sa kanya habang mahigpit nitong hawak ang isang kamay niya sa ilalalim ng mesa.
Pilit siyang ngumiti.
“Kuya, ano ba ‘yong sasabihin n’yo?” tanong ni Kirsten nang kumakain na sila ng dessert.
Ngumiti si Ken. Napayuko naman siya.
“Trisha and I are getting married,” masayang anunsyo nito.
Ilang sandaling walang nakapag–react sa sinabi nito. “Well, that’s good news,” masiglang sabi ni Mr. Alegre na unang nakabawi.
“I agree,” sabi naman ni Mrs. Alegre. “Kailan n’yo ba plano? Siguro naman hindi sa taong ito dahil hindi ako papayag dahil magsusukob kayo ng taon ni Kate.”
“As soon as possible, Mom, dahil magiging lola ka na,” nakangiting sagot ni Ken. “Trish is two months pregnant.”
“What?” gulat na halos sabay–sabay na bulalas ng lahat kabilang na si Jay – Jay.
“It’s true. Magkakaroon na ng little Ken sa pamilya natin,” nakangiting dagdag pa ni Ken.
Sa pagkakataong iyon ay si Kirsten naman ang unang nakabawi. Tumayo ito at masayang binati sina Ken at Trisha. Ganoon din ang ginawa ng mag–asawa. Nanatili naman sa kinauupuan sina Jay–Jay at Kate na halatang kinakabahan sa susunod na mangyayari.
“Kailangang makasal kayo sa lalong madaling panahon,” sabi ni Mrs. Alegre habang bumabalik sa upuan nito. Binalingan nito sina Jay–Jay at Kate. “Ipo- postphone n’yo muna ang wedding n’yo.”
“What?! Pero, Mommy!” protesta ni Kate.
“Mommy, puwede naman ang double wedding, ‘di ba?” giit pa ni Jay–Jay.
“Puwede pero hindi ako papayag dahil sukob pa rin ‘yon sa taon at hindi maganda ‘yon.”
“Sang–ayon ako diyan,” sabi naman ni Mr. Alegre habang nakatingin kina Jay – Jay at Kate. “Magpaubaya na muna kayo tutal mas matanda naman si Ken kay Kate at siya talaga dapat ang unang mag–asawa.”
“Sorry, sis, bro, do it for your nephew,” sabi ni Ken habang inaalalayan si Trisha sa pagtayo. Alam ni Ken na aapela pa ang dalawa, bahala na ang mga magulang nito ang magpaliwanag.
Sa balkonahe sa loob ng kuwarto ng fiancé siya dinala nito. “Galit yata sina Kate sa atin,” nag–aalalang sabi niya.
“Huwag mo silang isipin, sweetie. Ilang buwan lang naman ang hihintayin nila at New Year na.”
Huminto si Trisha sa tabi ng rectangular box na natatakpan ng asul na tela. “Ano, ‘to?” curious na tanong niya.
“Open it,” nakangiting utos nito.
Sumunod naman si Trisha at tinanggal ang telang nakatakip doon. “Wow!” bulalas niya nang tumambad ang isang miniature house na nasa loob ng glass show box. Nagustuhan kaagad niya ang design ng bahay lalong–lalo na ang facade.
“I made that model house a day after you asked me to stay away from you. That’s my dream house, our future house. Nagustuhan mo ba?”
Speechless na tumango siya. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Hindi mansiyon tulad ng bahay n’yo ang magiging bahay natin, Trish. Pero sisiguraduhin ko sa ’yo na mapupuno iyon ng pagmamahalan at magiging masaya tayo kasama ng mga magiging anak natin. Tulad nitong bahay namin.” Iginala nito ang tingin sa paligid. “Hindi man mansiyon ang bahay namin at hindi rin kami nakatira sa exclusive subdivision, maipagmamalaki ko na nagmamahalan kami rito at masaya kami. Ganito ang dream house ko na nakatira kasama ka.”
“Oh, I love you, Ken!” nasabi na lang niya sa kawalan ng sasabihin.
“I love you more,” sagot nito at mahigpit siyang niyakap.
Mahigpit din siyang yumakap sa fiancé habang nakatingin sa miniature house. Ngayon pa lang ay hindi na siya makapaghintay na tumira sa dream house nito kasama ito.
PEACH SEVILLA
*** WAKAS***