Chapter Nine

2791 Words
NADATNAN ni Trisha si Ken na natutulog sa balkonahe sa loob ng kuwarto nito.  Nakasuot ito ng pajamas at lumang sports jacket habang nakapikit na nakasandal sa rocking chair. Haggard na haggard ang hitsura ni Ken at mukha ngang may sakit. Mabuti na lang at agad siyang nagpunta sa bahay ng boyfriend nang tawagan siya at sinabing hindi ito pumasok dahil may sakit ito. Kung nagkataon ay kawawa naman ang mahal niya. Wala pa naman ang buong pamilya ni Ken kaya walang mag–aasikaso rito. Binisita ng mga magulang ni Ken ang Papa Angelo nito sa Davao kasama si Kirsten. Si Kate naman ay nasa isang event na in-organisa ng kompanya nito.           “My goodness, Ken, ang init mo!” gulat na bulalas ni Trisha nang salatin niya ang noo ng binata. Kahapon pa masama ang pakiramdam nito, na lumala matapos nilang manood ng bastketball game ni Troy sa Araneta kasama ng mga kaibigan nila. Sa ginawa niya ay agad na nagising si Ken. “Trish…”  Ipinatong niya ang dalang prutas sa isang silya. “Bakit lumabas ka pa ng kuwarto?” nag–aalalang tanong niya. Hindi ito sumagot. Tinulungan niya itong tumayo at inalalayan sa pagpunta sa kama. Pagkahiga sa kama ay agad na namaluktot si Ken at niyakap ang sarili. Ginaw na ginaw.   Kinumutan niya ang binata, pinatay ang air-con, at isinara ang sliding door ng balkonahe bago bumaba at nagtungo sa kusina. Humiram siya ng thermometer sa maid at nagpaluto ng soup. Kumuha siya ng palanggana at nilagyan ng tubig saka nagbalik sa kuwarto ni Ken. Inilagay muna niya ang thermometer sa kilikili nito bago hinaluan ng alcohol ang tubig sa palanggana saka siya kumuha ng malinis na bimpo sa closet nito. Binasa niya ang bimpo sa tubig sa palanggana at nagsimulang punasan ang nobyo. Tumunog ang thermometer. Napailing na lang si Trisha nang makita kung gaano kataas ang lagnat ng binata. Ipinagpatuloy niya ang pagpupunas dito. Nang dalhin ng maid ang ipinaluto niyang soup ay nakasingaw na nang husto ang katawan ni Ken at bahagya na ring bumaba ang lagnat. Pinilit niya itong kumain at saka niya pinainom ng gamot. Pinagpawisan si Ken pagkatapos kumain. Pinalitan muna niya ito ng damit bago muling pinahiga. “Huwag ka munang aalis, ha,” paos na sabi ni Ken. “I’ll never leave you, babantayan kita,” masuyong sabi ni Trisha habang sinusuklay–suklay ang buhok nito. Ilang sandali pa ay nakatulog na ang binata.   Inaayos ni Trisha ang bimpo sa noo ni Ken nang biglang tumunog ang cell phone nitong nakapatong sa bedside table. Dumukwang siya at sinilip iyon. Kumunot ang noo niya nang mabasa ang pangalang "Olga Medina” sa screen. Wala siyang kilalang Olga Medina. Inisip niyang importante iyon kaya ginising niya si Ken. Pero naputol na ang tawag. Hinintay niyang tumawag uli ang babae para siya na ang kakausap pero hindi na tumawag. Dapit–hapon na nang bumaba si Trisha para mag–merienda. Pagkatapos ay nakialam na siya sa kusina at nagluto ng special beef noodle soup with herbs para sa binata. Dala ang tray na may lamang soup, sliced bread, sliced papaya, isang baso ng fresh orange juice at tubig ay nagbalik si Trisha sa silid ni Ken. Nadatnan niyang gising na ang binata, nakasandal sa headboard ng kama.           “Akala ko, umalis ka na,” ani Ken sa mahinang tinig.           “Sabi ko sa ’yo, hindi ako aalis at babantayan kita, ‘di ba?” Ipinatong ni Trisha sa bedside table ang dalang tray bago naupo sa gilid ng kama. Sinalat niya ang noo ng binata. “That’s good. Halos wala ka nang lagnat. Ano’ng nararamdaman mo?”           “Better than before.”           “Giniginaw ka pa ba?”           Umiling si Ken. “Pero mapait pa rin ang panlasa ko, I don’t think makakakain ako.”           “You need to eat, para makainom ka na uli ng gamot at tuluyan ka nang gumaling.”           “Ayokong kumain, Trish.”           Hindi siya nakinig. Kinuha niya ang tray at inayos sa gilid ng kama.  Sumandok siya ng soup, inihipan at inilapit sa bibig ng boyfriend.           “Trish…” sabi ni Ken sa halip na buksan ang bibig.           “Open your mouth, Ken. Don’t act like a kid, okay?” Napilitan itong isubo ang pagkain. Pinilit niyang ubusin nito ang pagkaing nasa tray. Muli itong pinagpawisan pagkatapos kumain. Pinainom muna niya ito ng gamot bago tinulungang magbihis.           Nonood sila ng TV habang namamapak ng grapes na dala niya kanina nang maalala niyang sabihin ang caller nito kanina.           “Did you answer her call?” tanong ni Ken. Halatang nagulat ito.           “No. Naputol na ang tawag at hindi na siya tumawag uli. Sino ba si Olga Medina, Ken?”           Nag–iwas ng tingin ang binata at tumingin sa TV. “An old… client.”           “Okay.”           “Dinner na, kumain ka na muna sa baba,” pagtataboy nito.           “Mamaya na, busog pa ako. Nag–merienda naman ako sa ‘baba kanina,” sabi ni Trisha at nihilig ang ulo sa balikat nito.           Napabuntong–hininga ito. “Bumaba ka na lang doon kapag gutom ka na, ha? O kung gusto mo magpapadala na lang ako ng food dito?”           “Bababa na lang ako mamaya.” Napatingin sila sa pinto nang biglang may kumatok. Umayos muna siya ng upo sa kama at bahagyang lumayo sa boyfriend bago sumagot. “Bukas ‘yan.”           Dala ng maid na si Seling ang cordless phone nang pumasok ito sa kuwarto. “Kakausapin daw kayo ni Ma’am Kate, Miss Trisha.”             Tinanggap ni Trisha ang telepono. “Kate?” Lumabas na ng silid si Seling.           “Trish, ikaw pala ang nag–aalaga kay Kuya.  Thank you ha?” sabi ni Kate sa kabilang linya. Sa background nito ay bahagya niyang naririnig ang ingay ng kinaroronan nitong event.           “It’s okay, Kate,” napapangiting sabi niya at sinulyapan si Ken. Nakatingin pa rin ito sa TV pero halatang nakikinig.            “Hindi ko naman kasi alam na magtutuloy–tuloy ang pagsama ng pakiramdam ni Kuya kanina. Naging busy pa ako buong maghapon kaya ngayon lang ako nakatawag,” paliwanag pa ni Kate.            “Huwag ka nang mag–alala, okay na ang kuya mo. Pero hihintayin kita bago ako umuwi.”           “Okay, kaya lang baka gabihin na ako nang uwi. Nasa Bulacan pa ako, hindi pa kasi tapos ‘tong event, eh.”           “It’s okay. Just drive carefully maulan pa naman. Hindi ka ba susunduin ni Jay–Jay?”           “Nasa Seattle pa si Jay–Jay, but I can manage. Sige na, Trish, pipilitin ko na lang na makauwi kaagad. Bye!”           “Bye!”           “Anong sabi ni Kate?” usisa ni Ken nang ibaba niya ang cordless phone sa ibabaw ng kama.           “Nag–‘thank you’ dahil nagkaroon ka raw ng instant nurse,” nakangiting sagot ni Trisha.             Napangiti ito. “Kung alam lang niya na ang pinakamamahal kong girlfriend ang nurse ko.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan. Kinilig siya sa ginawa nito. “Ano kaya’ng sasabihin nila kapag nalaman nilang tayo na?”            “I’m sure pag–uuntugin nila tayo but eventually they will like it.”           “Gusto mo bang sabihin na natin kay Kate na tayo na pag–uwi niya mamaya?” nakangiti pa ring tanong niya.           Natigilan ito. “Ken?”           “Sa tingin ko, mas maganda kung hahayaan na lang natin na matuklasan nila na tayo na. Para mas may thrill, ‘di ba?” sabi ni Ken nang makahuma.           “Okay,” pagsang–ayon ni Trisha. Gusto rin niya ang ideya nito.   NAGISING si Ken na mabuti na ang pakiramdam niya. Agad siyang bumangon at nag–ayos ng sarili. Nagdesisyon siyang hindi na muna pumasok sa trabaho.           “Si Trish?” tanong niya kay Kate na nadatnan niyang nagkakape sa kusina. “Natutulog pa sa guestroom. Hindi ko na ginising dahil mukhang napagod mag–alaga sa ’yo kahapon. Nabanggit n’ya kagabi na wala naman siyang lakad ngayon, eh.” Malalim na ang gabi nang makauwi si Kate kagabi. Dahil gabi na at umuulan, hindi na nila pinayagang umuwi si Trisha.           “Okay,” matipid na sagot niya habang tinatanggal ang takip ng inihandang breakfast ni Seling.           “Okay ka na ba, Kuya?” tanong ni Kate.           “Oo. Magaling kasi ang nurse ko, eh.”           “Sinamantala mo naman.” Natawa siya. “Pero hindi na muna ako papasok today, I’ll take a rest for the whole day.” “Dapat lang, ‘no. Tumawag pala si Mommy kanina, pauwi na sila. Susunduin ko sila sa airport mamaya.”           “Okay.”           Tumayo na si Kate at inilagay sa lababo ang ginamit na mug. “I have to go, Kuya. Ikaw na ang bahala kay Trish, ha. Tatawagan ko na lang siya mamaya,” paalam nito at lumabas na ng kusina.           Nang makaalis si Kate, naglagay si Ken ng sunny-side up, hot dogs, ham, bacon, at toasted bread sa isang malaking plato at inilagay sa isang tray. Nag-slice rin siya ng hinog na manga at nagtimpla ng kape para sa kanila ni Trisha. Pagkatapos ay nagpunta na siya sa guest room.             Gamit ang duplicate key ay pumasok sa guest room si Ken. Mahimbing pa ring natutulog si Trisha. Ipinatong niya ang dalang tray sa bedside table at naupo sa gilid ng kama. Ilang sandaling pinagsawa niya ang paningin sa kagandahang nasa harap. Napaka–sexy ni Trisha sa suot nitong itim na nighties na pag–aari ni Kate. Hindi nagtagal ay hinahagod na niya ang itim na itim na buhok nito pababa sa makinis na pisngi. He really loved this woman. He was a fool for fighting the physical attraction he felt for her for a long time. Ang tagal niyang naglaro, ang kaibigan lang pala ang kukumpleto sa kanyang buhay. Bumaba pa ang paghagod ni Ken sa makinis at maputing braso nito. Nang mapagawi ang tingin niya sa nakaawang na mga labi ng dalaga, hindi niya napigilan ang sarili. Yumuko siya at kintalan ng halik ang mga labi nito.           Doon na nagising si Trisha. “Ken…”           “Good morning, sweetie,” masuyong bati niya at muli itong kinintalan ng halik sa mga labi.           “Good morn -” Bigla itong napatakip ng bibig. “Kagigising ko lang, bakit nanghahalik ka na agad?” tanong nito at muling nagtakip ng bibig. Naaaliw na tinanggal niya ang kamay nito sa bibig. Then he claimed her lips for a deep and long kiss that almost took their breath away.           “Teka,Ken. Magaling ka na ba?”           “Yes, sweetie, I’m fine. Magaling ka kasing mag–alaga, eh.” Then he kissed her again. “Teka, Ken, si Kate baka duma –”  “Pumasok na siya sa work. Busy rin sa paglilinis sa ‘baba ang mga maid. And I locked the door,” aniya at muling siniil ng halik ang mga labi nito. Hindi na nagprotesta si Trisha. Napaungol siya nang tugunin nito ang kanyang mga halik. Nang pumaibabaw siya rito ay mas lumalim pa ang halik na pinagsasaluhan nila habang mahigpit na yakap ang isa’t–isa. Kasabay ng silakbo ng kanilang mga damdamin ay ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan sa labas.     TANGHALI na nang makalabas ng guest room sina Ken at Trisha. Alas–kuwatro ng hapon nang dumating ang buong pamilya ng binata. Labis–labis ang pasasalamat ng mag–asawang Alegre kay Trisha dahil sa ginawa niyang pag–aalaga sa unico hijo ng mga ito.           Nagkukuwentuhan sila sa sala nang makarinig ng ingay mula sa parang  nagwawalang babae sa labas ng bakuran. Kasunod niyon ang pagpasok ni Seling.           “Sir, Ma’am,may buntis pong nag–eeskadalo sa labas. Hinahanap si Sir Ken,” natatarantang sabi ni Seling.           Napatingin ang lahat kay Ken. Kapuna–puna ang biglang pagtakas ng dugo sa mukha nito. Tumayo si Mrs. Alegre at binalingan ang anak. “Ken, papasukin mo ‘yong babaeng iyon dito at sumunod kayo sa library,” walang kangiti–ngiting utos nito at nagpatiuna na sa library.           Tumalima si Ken. Tumayo rin si Mr. Alegre at sumunod sa asawa. Ilang sandali pa ay kasama na ni Ken na pumapasok sa loob ng bahay ang babaeng buntis at hawak ito sa isang braso ng binata.           “Umamin ka na kasing pinagtataguan mo na naman ako! Kung inaakala mong matatakasan mo ang pananagutan mo sa amin ng anak mo, nagkakamali ka.” Kung na–shock ang mga kapatid ni Ken sa narinig, lalo na si Trisha. Hindi siya nakakilos sa kinauupuan sa sobrang pagkabigla.           “Shut up, Olga!” bulyaw ni Ken na mahigpit ang hawak ang babae habang naglalakad ang mga ito sa hallway papunta sa library. Hinihintay ni Trisha na dumako ang tingin sa kanya ng boyfriend pero parang iniiwas talaga nito ang tingin sa kanya.           “Bakit ako mananahimik? May karapatan din kami ng anak mo rito sa bahay na ito,” patuloy pa ni Olga habang nakatingin sa mga nakaupo sa sala.           Napataas bigla ang mga kilay nina Kate at Kirsten sa narinig. Tumayo rin ang mga ito at mukhang susunod sa library.           “Stay here,” mariing utos ng binata sa mga kapatid bago lumiko sa pasilyo papunta sa library. Nanggigigil na bumalik sa kinauupuan si Kate. “Ang kapal ng mukha! Kilala mo ba ‘yon, Kirsten? ‘Yon ba ang girlfriend ni Kuya?” tanong ni Kate sa kapatid na nanatiling nakatayo. “Hindi ko alam, Ate,” salubong ang mga kilay na sagot ni Kirsten na nakatingin pa rin sa hallway papunta sa library.  Ako ang girlfriend ng kuya n’yo, piping sagot ni Trisha na gusto nang mapaiyak. Kung nagsasabi ng totoo ang babaeng tinawag ni Ken na Olga, malinaw na niloloko siya ng boyfriend. Olga? Ang babaeng iyon kaya ang Olga Medina tumatawag kay Ken kagabi? “Ma’am Kate,si Jackielyn Reyes ho ‘yong babae,” singit ni Seling. “Namumukhaan ko lang siya kanina pero ngayon po sigurado na ako.” Napatingin sila kay Seling. “Paano mo naman nalaman ang pangalan niya?” kunot–noong tanong ni Kate. “Sikat siyang artista. Magaling siyang kontrabida sa teleserye na pinapanood ko dati. Totoo pala ang tsismis sa kanya na buntis siya at si Sir Ken pa pala ang ama,” namamanghang sabi ni Seling. “Hindi ko siya kilala,” sabi ni Kirsten.    “Ako rin,” sabi naman ni Kate. “At kahit artista pa ‘yon, ayoko sa kanya!” Hindi rin kilala ni Trisha ang babae. Bukod sa wala siyang hilig manood ng TV, matagal din siyang nawala sa bansa. Maganda si Olga kahit malaki na ang tiyan nito. Hindi nakakadudang artista nga iyon tulad ng sabi ni Seling. “Hindi dapat pinatulan ni Kuya ang ganoong babae, and worse binuntis pa n’ya,” patuloy pa ni Kate. “Huwag muna nating husgahan si Kuya Ken, Ate,” mahinahong sabi ni Kirsten at naupo na sa sofa. “Hintayin na lang natin na lumabas sila para malaman natin ang totoo.” Kirsten was right. Hindi dapat niya husgahan kaagad ang boyfriend. Dapat muna niyang pakinggan ang paliwanag nito. Pero kaya ba niyang tanggapin ang masakit na sasabihin nito na hindi siya magbe–break down sa harap ng pamilya nito? Doon na nagpasyang tumayo si Trisha at nagpaalam. They had to talk in private. Kailangan din muna niyang ihanda ang sarili sa kung ano mang paliwanag na sasabihin ni Ken dahil may hinala siyang magiging masakit malaman ang katotohanan. Inihatid si Trisha ng magkapatid sa kotse. “Thank you, Trish.Tatawagan na lang kita mamaya kapag naipaliwanag na sa amin ni Kuya kung ano talaga ang relasyon niya sa babaeng iyon,” sabi ni Kate matapos nilang magbeso. Tumango siya. Nang mailagay sa backseat ang mga Davao delicacies na pasalubong ng mommy ni Ken sa kanyang pamilya, sumakay na siya ng kotse at nag–drive. Dumeretso siya ng uwi sa kanilang bahay at nagkulong sa kuwarto.    Hours later, Kate was trying to call her but she didn’t dare answer her phone. Sigurado kasi si Trisha na magkukuwento si Kate ng tungkol sa relasyon ng kuya nito kay Jackielyn Reyes. Mas gusto niyang malaman ang totoo mula sa boyfriend. Ilang minuto pa ang lumipas nang sa wakas ay tumawag si Ken sa kanya. Nagkasundo silang magkita sa park na malapit sa bahay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD