CHAPTER -3

1876 Words
CINDY POV Katatapos lang namin maligo ng pilyo kong boyfriend, aba! Aabutan pa ata kami ng ilang oras sa loob ng banyo. Dahil hindi na kami matapos tapos, pano ba naman kasi porket may nangyre na saakin ay kung saan-saan na dumadapo ang hudas niyang mga kamay, sabi niya siya ang slave ko simula sa araw na ito. At inumpisahan nanga niya sa loob ng banyo. Siya ang nag shampoo sa buhok ko at at nag sabon ng katawsn ko, kahit anong tanggi ko ay ayaw talagang paawat at kaya kanina kopa gusto pilipitin ang hudas niyang mga kamay dahil feel na feel ng loko ang pag sasabon niya sa katawan ko, hindi na kami matapos tapos dahil satwing sasabunan niya ay bubuhusan naman niya ng tubig tapos sasabunan niya ulit, parang tanga diba? Ewan koba kung anong nagustuhan ko sa lalaking 'to at sobrang mahal na mahal ko kaya kahit tsina-chansingan na niya ako sa kunwaring pag sabon sabon niya sa katawan ko ay hinayaan ko nalamang kahit sa loob loob ng isip ko ay gusto ko ng pilipitin ang hudas niyang mga kamay. Ngayon heto na naman kami nag tatalo na naman, dahil lang sa hair blower at suklay "Akin nanga 'yan Mike, aabutin na naman tayo ng ilang oras dito tsaka sabi mo diba naka pag luto kana" sabi ko sa kaniya at pilit kinukuha ang suklat at blower sa kamay niya "Yup, pero makaka pag hintay naman 'yung mga foods kaya hayaan mona akong ayusan ka, remember I'm your slave for today my Queen" sabi niya at ngumiti pa ng pagka tamis tamis 'yung bang kahit na sinong babae ay mapapatili at maka laglag panti ang karisma ng kaniyang ngiti, sabagay dahil sa mga ngiti at kakulitan niya ay kaya ako gumaling, in short siya ang Medicine ko Mula pagka bata ko at Seven years old palamang ako nuon ng malaman ng buong pamilya ko ang tungkol sa sakit ko isang sakit na kailan man ay hindi na mawawala saakin at sabi na lamang ng private doctor ko ay naka depende sa emosyon ko ang pag galing ko at pag balik ng sakit ko. Aminado akong hindi ako katulad ng ibang Tao o babae na kapag nagkaka sakit ay pwede pang sulusyunan ng gamot. Pero ang tungkol saakin wala ng paraan o kahit na anong gamot pa ang makaka tanggal sa kakaibang sakit ko. Oo kakaiba ang sakit ko dahil ito 'yung sakit na naka dipende sa emosyon ko at kapag inatake ako ay humihina ang pag t***k ng puso ko, nawawalan ako ng pakiramdam sa lahat ng Tao, kahit siguro patayin pa ang mga mahal ko sa buhay ay wala akong maramdamang sakit o kirot sa puso ko, manhid ang buong katawan at pakiramdam ko at hindi rin ako nakaka ramdam ng kahit na anong sakit, kahit saksakin ako o barilin ay hindi ko mararamdaman . kaya mamatay na lamang akong walang maramdamang sakit sa katawan. At hindi lang 'yon nakaka limutan korin ang mga tao na bagong kakilala ko palamang ang isip ko ay bumabalik sa edad kona disi otso, at sa edad na iyon ay lahat ng kakilala kong malapit saakin at napa mahal ay sila lamang ang matatandaan ng isip ko. Kaya hindi na ako mag tataka kung bakit ako ang pinili ni lolo bilang kapalit sa pwesto niya, marahil ay naisip niyang dahip matigas ang puso ko at walang pakiramdam ay hindi ako makaka ramdam ng awa sa mga tao na papatayin at sasaktan ko Kaya ko nasasabing si Mike ang medicine ko dahil siya ang kauna unahang tao na naka pag pangiti saakin at nag pabuhay sa puso ko, ang dating mahina at manhid na puso ay ngayon ay patuloy parin sa pag t***k subalit normal at mabilis na ang t***k nito at masasabi kung gumaling ako mag mula ng unang maging kami ni Mike. Sa unang beses na bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaniya ay nag patuloy ang magandang daloy ng dugo at isipan ko, sa unang pag kakataon ay firstime kong umiyak, iyak ng kaligayahan dahil masasabi kong magaling na ako, nakaka ramdam narin ako ng sakit at saya dahil hindi na manhid ang buong katawan ko at ng puso Nakaka ramdam na ako ng awa, napapangiti narin ako at napapa tawa, nakaka iyak at nakaka ramdam ng sakit sa twing may nakak bangga o nakaka palo ng hindi sinasadya kaya imbis na magalit ako ay hindi ko magawa, bagkus ay natutuwa Pa ako dahil finally hindi narin ako manhid, isa na akong normal na tao, may pakiramdam nasasaktan at nag mamahal narin at dahil iyon lahat kay Mike, hindi ko alam kung paano niya ako napa galing nuon basta namalayan ko na lamang ang sarili kong naka ngiti na ako sa kaniya. At iyon ang unang beses na gawin ko iyon dahil kahit bata pa ako ay hindi talaga ako ngumi-ngiti at laging naka simangot. FLASHBACK! "Hi may sasabihin ako sa'yo, e siShare kulang baka kasi matulungan mo ako" makulit na sabi ni Mike habang pilit hinahabol ang walang pakiramdam na babae, laging malamig kung maka tingin at kahit minsan ay hindi pa narinig ng binata ang boses ng babaeng laging kinukulit nito. Huminto si Cindy sa pag lalakad at humarap sa napaka kulit na binata at hinintay niyang mag salita ang binata Napangiti naman kaagad si Mike ng mabasa niya sa mga Mata ng dalaga ang pagka inip habang naka tingin lamang sa kaniya kaya naman ay nag salita na siya at excited itong nag kwento. "Alam moba Ms beautiful, problemado talaga ako naguguluhan kasi ako dahil nanganak na yung kalabaw namin. Tapos ang pino-problema ko ay kamukha nung kalabaw namin yung kalabaw ng kapit-bahay namin, satingin mo? Ginaya ba ng kapitbahay namin yung mukha ng kalabaw namin? At heto pa 'yung anak ng kalabaw namin katulad ko ay naguguluhan rin kung sino ba ang kamukha nung maliit na kalabaw yung tatay ba niya o yung tatay? Magkaka mukha kasi silang tatlo tapos dumagdag pa sa problema ko yung kalabaw ng kapitbahay namin, kamukha rin kasi ng kalabaw ko. Hindi kaya mag-kapatid sila tapos nagka hiwalay lang satingin mo? Sh*t 'yung mag asawang kalabaw namin magka mukha rin, hindi kaya magkapatid rin sila tapos nagka layo lang? Hala family stroke" madaldal na sabi ni Mike at kumamot pa sa ulo na animoy napaka laki ng problema Subalit ganuon na lamang ang laking gulat ni Mike dahil sa pag tingin pa lamang niya sa mukha ng babae ay naka ngiti na ito at iyon ang unang pag kakataon na makita ng binata na ngumiti ang babaeng matagal na niyang kinukulit END OF FLASHBACK pagka tapos suklayin ni Mike ang buhok ko ay magka hakbay na kaming nag tungo sa kusina "Ay malamig na ang mga niluto ko babe, mag pa deliver nalang tayo sorry I forgot it" nahihiyang wika ng magaling kong boyfriend , seriously? Halos dinner time na tapos puro itlog lang ang niluto niya at oh my god ano 'tong isa? Nag tataka ko siyang binalingan ng tingin tsaka nag tanong "Ano 'to?" "Eh soup? Dammit!, okey alam kong hindi ako marunong mag luto babe but I did my best, sinubukan kulang gayahin 'yung nasa YouTube then ayan na, hope you like it pero kung hindi naman edi itatapon ko nalang sandali manuod ka muna duon at mag papadeliver muna ako ng favorite food mo babe" sabi niya at pansin ko ang pamumula ng kaliwang tenga niya, senyales na nahihiya ito. Bakit siya nahihiya? Nahihiya ba siyang sobrang linaw ng sabaw ng soup na ginawa niya at mukhang matigas at hilaw pa ang noodles na nilagay niya, parang nag pakulo lang siya ng tubig pagka tapos nilagay nalang ang noodles, sana tinakpan man lang para naman maluto, at napa dapo naman ang tingin ko sa mga niluto niyang puro itlog, fried egg, talong na may itlog at boiled eggs, seriously? "No it's okey, huwag kanang mag order, initin mo nalang ang mga 'yan at kakainin ko, baka mag tampo kapa. kapag sinayang ko ang mga effort mo, eh himala lang na pinag luto mo ako after 9 years relationship natin so I appreciate babe thankyou" sabi ko na ikina tingin naman niya saakin at kita ko ang tuwa sa kaniyang mga Mata. We'll kahit sunog pa ang niluto nito ay kakainin ko parin, kahit hindi siya marunong mag luto sinubukan niya parin para saakin kaya na appreciate ko ang effort niya ngayon araw. Damn I love this man kahit napaka dami niyang kapalpakan at kalokohan "Babe anong oras ng flight mo bukas?" Tanong niya bago kumagat ng Burger tsaka ibinalik ang tingin saakin. Kasalukuyan na kaming magka harap sa lamesa habang kumakain, dahil malapit lang naman ang Turkish restaurant dito sa condo niya kaya mabilis lang naka rating ang in order niya. Uminom muna ako ng tubig bago ko tinugon ang taong niya, bukas na kasi ang balik ko ng france, dahil kailangan talaga na matutukan ko ang mga naiwan saakin ni Lolo "2:30pm babe" sagot ko "Kung ganon ihahatid--- "It's okey babe, kasama ko si Kesha meron siyang runaway fashion show sa Paris, hindi siya maihahatid ni Fego kaya kami nalang magka sabay" putol ko sa sasabihin niya, masyado siyang busy kaya ayaw kong ihatid paniya ako "Are you sure"paninigurado niya, Tumango naman ako bago uminom ng orange juice "Yes, by the way don't forget our anniversary next month babe, kung hindi ako makaka uwi dito ikaw nalang ang pumunta, hindi ko sure kung makaka balik ako next morning dito" sabi ko na ikina kunot nuo naman niya "Bakit may problema ba? Business or hmmm okey, matagal payun babe kaya marami kapang time para ayusin kung ano man 'yan" sabi niya at halatang napipilitan lamang. "Lagi naman tayong nag uusap on cam at kakausapin ko si Dad about sa promlem na naiwan ni lolo, ano nga pala Plano mo sa anniversary natin babe? " "I don't know, ikaw ang masusunod tungkol diyan, kung saan mo gusto" sagot niya na ikina ngiti ko naman, that's my boyfriend lahat ng disisyon at Plano lahat naka dipende saakin. Hindi siya nag paplani ng hindi ako ini-inform Habang kumakain kami ay biglang naagaw ang aming pansin sa cellphone ni Mike na biglang tumunog, bahagiyan kong nasilip kung sino ang Caller at nakita ko naman ang malditang Lola ni Mike Kinuha iyon ni Mike at sinagot tsaka naki pag usap siya sa lola niya habang magka harap kami "Okey po grandma, bye I Love you too" rinig kong sagot ni Mike bago ibinaba na ang tawag. "Si Grandma, nag papasundo siya, nasa Airport siya ngayon" sabi nito na ikina tango ko na lamang kahit anong gawin kong pag iwas sa malditang matanda na 'yon ay mukhang muli na naman kaming mag kikita, hindi ko alam kung bakit napaka init ng dugo saakin ng lola ni Mike, samantala pilit ko naman kinukuha ang loob niya para magka sundo kami at magustuhan niya ako para sa apo niya, pero sadyang ayaw niya talaga saakin kaya wala na akong magagawa kundi ang manahimik at hayaan na lamang. Dahil kahit ayaw niya saakin ay hindi ko parin iiwan si Mike, mahal na mahal ko ang boyfriend ko at hindi ako mag papaapekto sa lola niya. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD