CHAPTER -14

1621 Words
"ipa inom mo 'yan kay Cindy, kailangan mo siyang lasunin kung hindi mo siya kayang palambutin" wika ni matandang babae kay Jhomar, napa tiim bagang ang binata buhat sa narinig. Sinunod niya ang utos ni Donya Mitsin na kunin ang loob ni Cindy at pabor naman iyon sa kaniya, upang ma protektahan niya ang dalaga subalit salungat iyon sa Plano ng matanda Gusto ng matanda mapa ibig ni Jhomar si Cindy upang lumambot ulit ang puso ng dalaga at sa ganung paraan ay mapadali nila itong mapapatay at nahihirapan lamang ang mga tauhan ng matanda na patayin si Cindy dahil mas lalo itong lumakas "Hindi ko gagawin 'yan bakit hindi ka maka pag hintay na mapa lambot ko si Cindy" ani ni Jhomar Hindi niya kayang patayin si Cindy, ang Plano niya ay kapag napa ibig ito sa kaniya ay tsaka siya mag papatulong sa ama nito upang mabawi ang nanay niya. "Dahil napaka kupad mo, ang tagal tagal na hindi mo parin nagagawa o baka naman gusto mo ng tuluyan ko ang nanay mo" pananakot pa ng matanda na ikina tiim bagang naman ng binata "Subukan mo, kapag ginawa mo 'yan kasabay ng pag bagsak niyo, hindi ako b*bo tanda, oras na may gawin ka saakin o sa nanay ko, malalaman lahat ng mga Apollo at military lahat ng kabulastugan at pag papa ambush mo sa mga Apollo, malalaman nila at satingin mo ano kaya gagawin nila kapag nalaman nilang naki pag sabuwatan ka sa mga block scorpion at isa pa malalaman rin ni Cindy na hindi Pa patay si Mike, may tao ako na mag lalabas ng mga 'yan kung sakaling may gawin ka sa nanay ko" ani ng binta na ikina bahala naman ng matanda halatang natakot ito. Kapag nalaman lahat ng kasalanan niya ay mas gugustuhin ni Donya Mitsin ang mag paka-matay kaysa dalhin siya ng mga Apollo sa South Military "Ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko Tanda kaya, sumunod karin sa napag usapan, hindi mo gagalawi ang nanay ko kapalit ng pananahimik ko" wika ni Jhomar at tumalikod na. "Hi"naka ngiting sabi ng binata nang makita nito si Cindy na nakikipag laban sa hangin, may hawak itong dalawang katana samurai, hindi mapigilan ni Jhomar ang humanga sa taglay na galing ng dalaga, napaka bihasa na talaga nito gumamit katana, para itong ninja sa ayus at bilis nitong kumilos. habang naka focus lang sa pag e-ensayo, para itong sumasayaw sa hangin sa bawat pag lipad nito at tatambing sa ere, tsaka ihahagis ang hawak nitong katana sa kabilang kamay nito tsaka naman sisipa bago tumambling sa ere bago saluhin ang hinagis nitong katana. "Hey Cindy mag pahinga ka muna" tawag paniya dito. Subalit talagang hindi siya pina pakinggan nito dahil patuloy parin ito sa pakiki pag laban sa hangin. Kaya naman nilapitan na niya ito, ngunit kaagad rin siyang napa tili ng itutok sa kaniya ni Cindy ang hawak nitong katana. Bigla ay nag sisi tuloy ang binata bakit paniya naisipang lapitan ito. "Anong---what! hey Cindy ang suot ko! " natitilihang sabi ng binata ng mapansin niyang sa isang iglap lang ay nahati sa dalawa ang suot niyang T-shirt, sa sobrang bilis ay hindi niya namalayan ang pag sira ng dalaga sa kaniyang kasuotan gamit ang katana nito. Natakot rin siya na baka dumampi sa balak niya ang hawak nitong patalim at ayaw Pa naman niyang magka sugat lalo na't takot siya sa dugo. Matulin lumipas ang mga araw buwan at ngayon ay tatlong taon narin napaka dami ng nangyare at nag bago, naging malapit muli si Cindy sa mga Apollo, nag kaisa narin ang kanilang mga grupo, at nag papasalamat rin ang mga apollo lalo na si General George kay Jhomar dahil sa tulong ng binata ay unti-unti ng bumabalik ang dating Cindy. Hindi man ito ngumi-ngiti at mabait, masiyahing kagaya ng dating Cindy ay napapa natag na sila dahil hindi na ito na nanakit, pumapatay ng mga inosenteng tao, at hindi narin nito sinasaktan ang sarili. Nakiki salamuha narin ito, hindi na gaanong mainitin ang ulo, wala narin silang nababalitaang pag patay sa pangkat ng organization, anim na taon narin mag mula ng mawala sa kanila si Mike, subalit tanging sina Devin, Jessa, Vanessa at Kesha lamang ang nakaka alam na hindi pa patay si Mike Ang Pitong mga lalaki ng apollo ay wala paring ka alam-alam lalo na si Cindy, mas maingat na nilihim muna nila ang katotohanan lalo na't comatose parin si Mike, at hindi pwedeng malaman ng pitong mga lalaki ang tungkol kay Mike dahil naisip ni Vanessa na hindi matitiis ng Pito si Mike, kaya masisira ang plano kapag pinuntahan ng pito si Mike sa Canada. Kaya maingat na inilihim ng apat na babae ang tungkol kay Mike, dahil may Plano sila "Paul ako muna ang mag babantay kay Sherin, e uwi mona ang triplets para maka pag pahinga na sila" walang buhay na sabi ni Cindy sa asawa ng kaniyang kapatid. Mag mula ng pilit binabago ni Cindy ang kaniyang sarili ay natuto na siyang maki pag usap ng malumanay at lalo na ng sabihin sa kaniya ng kaniyang ama ang tungkol kay Sherin. Wala siyang maramdaman sa kaniyang puso at sarili, manhid na manhid parin siya subalit pinipilit niyang maging Normal lalo na't unti-unti ng humihina ang kaniyang Ama. Naisip niyang kapag mawala ang kaniyang ama ay si Sherin nalang ang matitirang kadugo niya. Kaya kahit wala parin siyang pakiramdam o puso ay gusto parin niyang maging malapit sa mga taong nasa paligid niya na satingin niya ay totoo sa kaniya. Malamig naman na tingin ang ipinukol sa kaniya ng lalaki at kitang kita ni Cindy ang pag tiim bagang nito. "I don't trust you Ms Willford, hanggat hindi kapa gumagaling hindi ko ipag kakatiwala sayo ang asawa ko, baka ano pa ang gawin mo sa kaniya" tiim bagang at mahinang wika ni Paul "I understand Santiban, pero huwag kang mag alala she's my sister kaya hindi ko siya sasaktan" sagot niya sa lalaki. "Kuya, sige na nandito rin naman ako mag babantay rin ako kaya huwag kang mag-alala, pagod na ang mga bata kaya e uwi mona sila para maka pag pahinga na" wika naman ni Sharina o Paula sa kapatid na halatang ayaw talaga ipag katiwala ang asawa sa kapatid nito. Kahit nag aalinlangan man ay sinunod na lamang ni Paul ang sinabi ng kaniyang kapatid kaya naiwan na lamang sina Cindy at Sharina sa loob ng ward habang parehong naka tingin sa naka ratay nilang kapatid na si Sherin "Paula, naging mabuti ba akong ate kay Sherin nuon?"basag ni Cindy sa katahimikan na namayani sa kanilang dalawa " 'yung totoo hindi ko alam, mag mula kasi ng maikasal ako kay Josef at magka anak ay minsan ko nalang nakakasama si Sherin. At hindi rin siya madalas mag kwento saakin, may kaibigan siya Elma ang pangalan mag bestfriend na sila mula pagka bata at hanggang ngayon, pero nasa ibang bansa na siya, duon palagi nag kukwento si Sherin." Ani ni Sharina "Kung ganuon hindi ako mabuting kapatid" mahinang sabi ni Cindy na ikina iling naman ng kausap "Nag kakamali ka, natatandaan kopa kung paano mo tinulungan si Sherin para lang mabuhay siya, walang nag tanong sayo nuon pero nag salita ka at nag kusang loob ka para mag donate ng dugo sa kaniya, kaya kung hindi mo 'yun ginagawa marahil matagal na siyang nawala"ani ni Sharina Napa maang naman si Cindy sa nalaman, hindi siya maka paniwala na may natulungan siyang isang buhay at kapatid paniya Kinabukasan, huwebes ng hapon kasa-lukuyang nasa loob ng Boxing ring sina Jhomar at Cindy, dahil sa kakulitan ng binata na gusto raw nitong matuto kung pano lumaban dahil aminado si Jhomar na wala siyang alam sa pakiki pag laban, dahil kahit kailan ay wala pa siyang naka away lumaki siyang naka tuon sa negosyo at sa pagiging babaero ang kaniyang pansin. At ngayon ay naisip ng binata na kailangan niyang matuto lalo na't kailangan niyang mabawi ang kaniyang ina na ilang taon ng hawak ni Donya Mitsin. Nakaka usap at nakikita naman niya ang kaniyang ina subalit hindi niya ito nahahawakan dahil hanggang video call lamang sila. At sinabi naman ng kaniyang ina na hindi rin raw umano ito sinasaktan bagkus ay naka kulong lamang sa isang kwarto. nang matapos ay tanging si Jhomar lamang ang hinihingal at pawis na pawis, samantala si Cindy naman ay parang walang ginawa dahil napaka kalmado nitong tignan "Water" ani ni Jhomar at tumabi ito sa dalaga, tinggap naman iyon ni Cindy at hindi man lang nag abalang mag pasalamat kaya ang binata na ang nag salita "Thanks to me"Ani ng binata tsaka uminom ng tubig, ilang minutong katahimihan ay si Jhomar narin ang bumasag sa nakaka binging katahimihan. "Cindy" aniya "Hmmm" tugon nito "I have something to tell you" ani ng binata at humugot muna ng malamim na hininga bago nag patuloy, habang tahimik lamang ang dalaga. "I think Im in love with you Cindy"wika ni Jhomar na nag palingon sa dalaga. "Tsss hindi mo alam pinag sasabi--- Hindi na naituloy ni Cindy ang kaniyang sasabihin ng biglang maging ang kaniyang Cellphone "Si Daddy" ani ng dalaga tsaka tumayo upang sagutin ang tawag "Dad--- "Pumunta ka dito sa Hospital anak, ang kapatid mo" wika ng daddy George niya na nasa kabilang linya. Kasabay ng malakas na pag t***k ng kaniyang puso na labis na nag pagulat sa kaniya Gulat na gulat siya dahil sa loob ng mahigit anim na taon ay ngayon palamang niya narinig ang kaniyang puso, na muling tumibok Habang sa kabilang banda naman, ang oras at araw ng muling pag t***k ng puso ni Cindy ay ang araw rin ng pag gising ni Mike mula sa mahabang pagkaka comatose //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD