IVY’s POV Nagpapasalamat ako dahil nang malaman naming buntis ako, laging nandyan si Dougz. Tulad ng nangyari kanina. Ang bilis ng pangyayari. Alam na ng magulang ko ang tunay na kalagayan ko at isa sa nais nilang mangyari ay umalis ako sa aming tahanan. Iyak lang ako nang iyak. Kung hindi dahil kay Dougz, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kahit siya ang ama ng nasa sinapupunan ko, nakakahiya pa rin na mag-door bell ako sa bahay nila para lang may matuluyan ako. Paano kung makita ako ng aming mga kapitbahay. Dahil sa kanya ay heto ako at ramdam ko na may kakampi ako. May karamay ngayong tila ako ay pinagbagsakan ng mundo. Ang magulang ko ang buhay ko, at ng malaman kong may buhay na nasa aking sinapupunan ay nadagdagan ang rason ko para hindi bumigay. Nandiyan din si Dougz na walang

