DOUGZ’s POV Maaga pa lang ay nagtungo na ako sa boarding house ni Ivy. Bakit kasi hindi ko nakukuha ang number niya? Hindi ko tuloy siya matawagan. Sana lang ay hindi na siya galit. Pinadalhan ko siya ng bulaklak kagabi at kanina. Hindi ko lang sure kung nai-deliver na yung ngayong araw. Gusto ko rin siyang padalhan noong nasa kanila siya kaya lang baka mapagalitan siya ng parents niya. Ngayong nandito na siya sa boarding house, pwede ko nang araw—arawin ang pagpapadala dahil nakatago naman ang pangalan ko. “Tito pogi, good morning! Ang aga mo ah! May problema ba?” bati sa akin ng land lady ni Ivy. Tila bumili ito ng mainit na pandesal. “Good morning po, madam! Opo, may nakalimutan po kasi akong iabot kay Ivy,” sambit ko dito. Wala na akong mask. Natapos ko na rin ang antibiotics

