2

1961 Words
IVY’s POV Napabangon akong bigla. Hindi pala ito panaginip. Totoo pala ang nangyayari. Tama siya, anong ginagawa ko sa kwarto niya. Nagmadali akong tumayo. Ibinaba ko ang blouse at palda ko. “Saan ka pupunta? Ayaw mo bang ituloy natin?” hindi ako nakasagot at tuluyan na akong lumabas. Tahimik sa labas at tulog na yata ang lahat. Nagmadali akong nagtungo sa kwarto ni Thisa, bago pa ako tuluyang makapasok ay nakita ko pa si Tito Dougz na tanging boxer lang ang suot. Nakalitaw ang maganda at matipuno niyang katawan. Nagbaba ako ng tingin at diretsong pumasok na. Mabuti at hindi naka-lock ang pinto. “Saan ka galing?” nagising si Thisa. “Nakatulog ako sa restroom kanina pag-ihi ko. MUntikan pa akong mapaano. Bigla akong nagising wala pala ako sa kwarto mo. Sa bathroom mo muna ako. Magpalit na muna ako ng damit.” Nagmamadali akong nagpaalam dito. Humiga naman siyang muli. Tingin ko antok pa siya at naalimpungatan sa pagbukas ko ng pinto. Pagpasok ko ng bathroom ay pinagmasdan ko ang hitsura ko. Gulo na rin ang buhok ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Hindi ko maitatanggi na nasarapan ako sa ginawa niya. Bago iyon sa aking pakiramdam lalo na noong may lumabas sa akin dahil sa pagngudngod niya sa aking hiyas. Hindi ba siya napanghihan at talagang doon pa siya kanina nakasubsob? Napahawak ako sa aking hiyas at ngayon ko napagtanto na wala ang aking panty. Hinubad nga pala siya sa akin kanina. Alangan naman na hanapin ko pa doon baka kung ano pa ang gawin sa akin. Kung sasabihin ko rin sa kaibigan ko ay nakakahiya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang ginawa sa akin dahil ako ang may mali. Pumasok ako sa kanyang silid. Gusto kong i-untog ang sarili ko dito sa pader. Dapat hindi kasi ako uminom. Kung hindi ako nahihilo kanina hindi aki sa ibang kwarto makakapasok. Ang kamay niya ay parang nakahawak pa sa aking dibdib. Ano bai tong ginawa ko? Ano ba ang tawag sa ginawa niya sa akin? Yun bang mga babaeng kahalikan niya noon ay hinahalikan din niya ang mga hiyas? Grabe! Hindi pa ako nagkaka-boyfriend, lahat basted. Hindi ko alam pero ayokong mag-boyfriend. Si Thisa, wala pa rin pero nag-entertain na siya ng mga suitors. Sabi kasi nina Mama at Papa, saka na ako magpaligaw kapag tapos na akong mag-aral at ganoon din ang lalaki. Hindi pa ako nagka-boyfriend, hindi pa ako nahalikan sa lips pero sa aking keps nalawayan na ito. Sa keps ko siya nakipag-halikan. Anong lasa ba nito at parang sarap na sarap siya? Kung hindi pa kumatok ang isa naming kasama dito sa kwarto ay hindi pa ako babalik sa aking kamalayan. Nakapagpalit na ako ng damit at ngayon ay may suot na akong panty. Tumabi na ako kay Thisa sa higaan. Sana ay makatulog na ako. Kahit nakapikit ako ay ang gwapong mukha ni Tito Dougz ang nakikita ko. Kung physical looks ang titingnan kay Tito Dougz, panalo pero pagdating sa ugali nito, tila napakagaspang at maangas. Minsan narinig ko na nagagalit ang Mommy niya si Mrs. Martin na Mamita naman ni Thisa. Dahil madalas ay umuuwi ng lasing, may dalang babae at ayaw mag-trabaho. Puro barkada ang kanyang inaatupag. Hindi ko rin alam kung kailan ito nagsimula. Simula kasi ng nagpupunta ako dito kanila Thisa ay ganoon na siya. Minsan na rin namin siyang nakasabay sa hapag kainan, hindi pa kaming tapos magsikain ay nauuna na siyang tumayo. Pinilit kong matulog. Mas hindi ako makakatulog kung hindi ako pipikit. May yumuyugyog sa akin at naririnig ko ang pangalan ko. “Ivy, gising na.” nagmulat ako ng mata at ang magandang mukha ng kaibigan ko ang bumungad sa akin. “Breakfast na, nandoon na silang lahat tayo lang ang wala.” Dagdag pa nito kaya napabalikwas na ako ng higa. Kaklase namin ng high school at classmate niya ngayong College kaming mga natira. Malalayo ang bahay ng iba. Mag-grab na lang daw sila pag-uwi. Mayroon naman ay susunduin ng parents dahil inihatid din sila kahapon. Sabay na kaming bumaba ni Thisa. Nagkaka-ingay na dahil nagkukwentuhan sila. Akala ko ay kami lang ang nasa dining area. Puno ang 12 seaters na upuan at may bakantentg dalawa. Para sa amin ni Thisa. Nasa kabisera ang daddy niya si Tito Daxton. Nasa kanan naman ang Mamita niya at katabi nito si Tito Dougz. Iniiwas ko ang tingin dito pero ang hirap dahil siya pa ang katapat ko. Naka-slouch na upo ito. Hindi pa sila nagsisimulang kumain dahil kakaupo pa lang namin ng kaibigan ko. Kaya kahit iniiwasan kong hindi mapatingin sa kanya ay imposible. “Is your name Ivy, right?” tuluyan na akong napatingin dito. Natatakot ako baka sabihin nito ang nangyari kagabi. Marahan lang akong tumango. “Tito Dougz, huwag mong takutin ang bestfriend ko.” Paalala pa ni Thisa. “Tinakot agad? Binanggit ko lang naman ang pangalan niya. Baka gusto mo akong ipakilala sa mga kaibigan mo?” tudyo pa niya kay Thisa. “Guys, meet my Tito Dougz. Wala siya dito kahapon nang magsimula ang aking party.” Inisa isa ni Thisa ang name ng mga kaklase namin at kaklase niya. Lahat sila ay all smile sa tito nito at ganoon din naman si Tito Dougz. Syempre madaming girls kaya bigay na bigay ang kanyang magandang ngiti. “At ito po si Ivy ang bestfriend ko. Takot ito sa iyo.” Pagbibiro ni Thisa pero totoo naman iyon. “Kailan pa?” palitan kaming tiningnan ni Thisa. “Simula pa noon. Kaya huwag mo na siyang titigan at baka mas lalo pa siyang matakot sa iyo.” Ani Thisa dito. “Aabutan ko lang naman siya nitong pagkain. Lahat kayo may food na siya wala pa.” napatingin nga kami sa mga pinggan. “Ay sorry, hindi ko naiabot sa iyo.” Hinging paumanhin sa akin ng aking kaibigan na wala namang issue dahil abot ko naman ang pagkain. Papansin lang ang tito niya. “Okay lang, abot ko naman.” Sagot ko dito. “Ivy, dapat kumain ka ng marami. Mas okay ang malaman.”pinagsasabi nito. Hindi lang naman ako tabain at sakto naman ang katawan ko. Hindi ako payat. “Tito Dougz, kung anu-ano ang pinapakialaman. Okay naman katawan ng kaibigan ko.” Sasagot sana ito pero nabitawan ang tinidor kaya naman napatingin sa ilalim. Agad naman din siyang inabutan ng kanilang katulong ng bagong utensils. Kumakain na ako ng biglang nagulat ako dahil may paa na inabot ang aking paa rin. Napatingin ako sa katapat ko ngumingisi ito. Inilayo ko ang paa ko. Loko ito, anong ginnagawa niya at pati paa ko ay pinagtitripan niya. Nag-concentrate na lang ako sa aking pinggan. Hindi na ako tumingin pa dito. Nililingon ko na lang ang kaibigan ko kapag may sinabi o di kaya ay hindi na lang ako tumitingin. Kapag natapos namang kumain si Tito Dougz ay tatayo na ito. Makakahinga na ako ng maluwag. Natapos na kaming lahat ay naka-upo pa rin ito. Hindi umaalis at nakipag-kwentuhan pa sa ibang bisita ni Thisa. Pati tungkol sa boyfriend ay nagtatanong pa ito. “Kayong dalawa may boyfriend na?” si Thisa ang sumagot dito. “Wala pa po, pero ako pwede na po akong mag-entertain ng suitors. Si Ivy, hindi pa rin at bawal pang ligawan.” Totoo ang sinabi ni Thisa na siya ay tumatanggap ng suitors at may basbas ng daddy at Mamita niya. “Tama iyan, Ivy. Huwag ka munang mag-boyfriend pati ikaw pamangkin. Mag-aral muna kayo.” Ani Tito Dougz. “Tito, nasa tamang edad na kami. Okay lang na ligawan kami sa bahay at hindi sa kalsada. Si Ivy madaming manliligaw pero basted agad. Hindi na niya binibigyan ng pag-asa ang lalaki na kilalanin pa.” “Baka hindi sila ang tipo ng kaibigan mo.” makahulugan nitong wika. May ilan na nagpaalam na. Siguro ay gagamit ng CR kaya kailangan ng tumayo. Gusto ko na rin tumayo para maka-iwas ng tingin at para hindi na ako pagmasdan ni Tito Dougz. “Akyat na rin ako. Sunod na ako sa kanila.” Ang plano namin ni Thisa ay mamayang hapon pa ako uuwi. Mag mall pa kaming dalawa. “Aalis na ba tayo? Hindi pa bukas ang mall ngayon.” Kaming dalawa na lang ng kaibigan ko ang magka-usap. Nakaharap ako sa kanya dahil tatayo na sana ako sa aking upuan. “Susunod lang ako sa kanila. Masakit pa ang ulo ko. Higa lang ako sandali.” Mahinang sambit ko lang sa kanya at nagpaalam na rin akong tatayo na. Tumango naman si Mrs. Martin at si tito Daxton. Hindi ko na tiningnan pa si Tito Dougz dahil iba ang tingin kasi nito sa akin. Nahiga ako sa kama pag-akyat ko sa kwarto ng aking kaibigan. Muli akong nakatulog at ginising lang ako nito dahil tanghali na at aalis na kami. Wala na ang mga kaklase namin at mga kaklase niya. Ako na lang ang natirang bisita. Mamaya naman ay diretso na ako sa bahay after naming gumala. Nakagayak na kami at dala ko ang aking bag na nakasukbit sa aking likuran. “Iwan mo na lang ang bag mo. Ipadala ko na lang mamaya sa driver ni dad.” Ani Thisa. Um-okay naman ako kaya iniwan ko nan ga ito dito. Pagbaba naming dalawa ay naka-upo si Tito Dougz habang nakabuka ang mga hita nito. Nagtama ang aming paningin na agad ko namang binawi. “Ganyan ba talaga kayong mga babae? Matagal kumilos?” sino kausap nito? Pakialam naman niya sa amin kung matagal kami. Pero in fairness ang gwapo niya sa kanyang suot na ripped jeans at fitted black shirt. Paglilingunan ito ng mga babae kung saan man siya pupunta. “Pasensiya na po tito. Napasarap nang tulog si Ivy.” Sambit ni Thisa. Bakit siya humihingi ng pasensya? Pakialam ba nito kung bakit kami tumagal. “Let’s go!” iyon na lang narinig ko at hinila na ako ng aking kaibigan pasunod kay Tito Dougz. Bakit ito ang kasama namin? Akala ko ay ihahatid kami ng driver ni Tito Daxton. “Wala ang driver ni daddy. May biglang emergency kaya si Tito na lang. Minsan lang si Tito mag-offer kaya grab na natin.” Sambit nito habang pasakay kami. “Anong pasalamat? May kapalit ito.” Narinig ko naman na sumagot si Tito Dougz. Bahala silang mag-tito. Ako makikisakay lang. Sa unahan si Thisa at ako ay dito sa likod naupo. Tahimik lang kami kasi maingay ang stereo niya. Mahirap mag-usap kung malakas ang sounds. Gusto ko nan gang magtakip ng tainga sa ingay nito. Kaya lang ay baka maging kabastusan naman kung makita akong nakatakip sa tainga. Nagtatama ang aming mga mata sa rearview mirror. Hindi ko lang alam kung namalik-mata ako ng kindatan niya ako. Kung anu-ano na ang naiisip mo Ivy. Ang panty mo, isipin mo kung paano mo makukuha sa kwarto niya. Kung saan nito nilagay kagabi? Paano ko ba siya i-approach? “Tito Dougz, nakita mo po ba ang panty ko?” Ang pangit. “Tito Dougz, saan mo po inilagay ang panty ko pagkahubad mo po?” Mas lalong ang pangit. Paano ba? Sumasakit ulo ko sa kakaisip. Dapat ibalik na lang niya iyon dahil hindi naman niya maisusuot iyon. Hinding-hindi na talaga ako maglalasing. “Best, dito na tayo.” Ani Thisa na siya pang nagbukas ng pinto ng kotse para makalabas ako. “Masakit pa ba ulo mo?” nag-aalalang tanong nito sa akin. “Hindi naman. Tara na sa loob para lumamig naman.” Yaya ko na sa kanya. “Bakit naiinitan ka bas a sasakyan ni Tito Dougz? Sobrang lakas nga ng aircon.” Sagot nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang aking nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD