DOUGZ's POV She said yes! We're now engaged! She's my fiancee! Walang pagsidlan ang tuwa ko nang sumagot si Ivy. Hindi ko maitago ang galak ng aking puso kaya agad ko itong siniil ng halik na tumugon naman siya kahit nasa may di kalayuan lang ang banda. Tulad dati wala kaming pakialam sa mga taong nasa paligid namin kapag gusto namin iparamdam sa isa't isa ang aming nararamdaman. Hindi ko lang pwedeng gawin ang angkinin siya sa lugar na ito ngayon. Ganoon pala ang pakiramdam kapag pumayag ang iyong mahal na magpakasal sa iyo, hindi man ngayon pero mangyayari ito. Kumain muna kami para i-celebrate ang dalawang importanteng okasyon. Una anniversary namin at pangalawa ang pagpayag niya na pakasal kaming dalawa. "Baby, I can't believe na pumayag kang magpakasal sa akin. Hindi na ako ma

