IVY’s POV Bakit kasi ngayon pa ako dinatnan? Ang daming babae na nakapaligid sa aking boyfriend na halos wala ng itago sa kanilang mga katawan. Itong si Eva malapit ko na talagang hilahin ang buhok. Panay dikit sa boyfriend ko. Kakain lang kami puro panlalandi. Ipinagduduldulan ang kanyang dibdib sa braso ni Dougz. “Miss Eniceo, meron ba tayong mga paper plate?” narinig kong tanong nito sa HR head na kasama namin dito sa mahabang table. “Meron naman po tayo, Sir! Kailangan po ba ninyo?” sagot naman ni HR head. “Pahingi ako ng tatlong paper plates, please.” Hindi ko alam kung bakit kailangan pa mag-paper plate? Baka ayaw niya may ibang kasalo. Kapag kami naman kumakain kami sa isang plato. Ito boodle fight kaya salo-salo talaga. “Ito po Sir!” abot ni Miss Eniceo. Inilagay niya sa h

