DOUGZ’s POV Napauwi ako ng bahay dahil tumawag si Manang at hindi makabangon ang aking asawa sa sakit ng katawan. Umiiyak na rai to kaya nagmadali akong nagmaneho pabalik ng bahay. Iniwan ko siya na natutulog pa kanina. At dahil sa ginawa namin kagabi – napasarap ito ng tulog. Akala ko ay natural na iyon dahil ganoon naman kadalasan. Pero ‘yung umiiyak ito sa sakit ng katawan lalo na ng balakang ay natakot ako. Kailangan ko siyang dalhin sa kanyang OB-Gyne dahil ngayon lang ito nangyari. Six months pa lang ang tiyan niya kaya hindi pwedeng manganak ito ng wala sa oras. Mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho. Pina-ready ko na rin si Tolits para sa sasakyan na isa kami sasakay pagdating ko. Kailangan kong alalayan siya. Napaisip tuloy ako – baka nasobrahan kami kagabi kaya nagkag

