IVY’s POV Napakasarap magmahal ng asawa ko. Pakiramdam ko lagi siyang may mga surprises at may matutuklasan ako sa bawat araw. Sana noon pa lang nagtiwala na ako sa kanya. Hindi ko pinagdudahan ang pagmamahal niya. Isa ito sa ikinatakot ko noon kaya napilitan akong itago sa mga magulang ko ang tungkol sa panliligaw niya sa akin. At kahit na noong sagutin ko siya. May mga bagay na ginawa si Dougz na hindi niya pa rin inaamin. Naiintindihan ko naman siya kaya lang paano kung ang magulang ko ang makaalam na siya ang dahilan kung bakit sabay sabay na pumutok ang gulong ng sasakyan ni Papa? Iyon yung araw na inihatid niya ako sa boarding house. Alam kong ginawa niya iyon dahil gusto niya akong maihatid para makausap. Ganoon siya kasigasig noon. At ngayon, nagagawa niya akong paiyakin sa pamam

