DOUGZ’s POV Nagising ako, wala na sa tabi ko si Ivy. Bumangon ako at pumunta ako ng bathroom baka naliligo siya pero walang Ivy na naliligo. Wala na rin ang mga damit na hinubad niya pati ang panty na ibinato niya sa akin ay wala rin. Hindi ko pa naillagay sa bulsa ng suot kong pants kagabi. Saan kaya siya nagpunta at hindi man lang ako ginising bago man lang siya umalis. Mag alas nueve na pala ng umaga. Wala naman kaming ginawa kagabi pero napahimbing ako ng tulog. Parang bumawi ang katawan ko sa puyat noong nga nakaraang araw kaya siguro naging tulog mantika ako. Hindi ko man lang naramdaman ang paggalaw ng kama. Kinuha ko ang aking phone at tinawagan ko ito. Hindi sinasagot ang tawag ko. Kina-cancel pa. Siya pa yata ang galit? Ako na nga ang iniwan dito. “Ang hirap palang magka-g

