DOUGZ’s POV Nasunod ang kagustuhan ni Ivy na scheduled ang lahat ng araw ng aming pagkikita. Mas naging busy ako sa trabaho at gano’n din siya sa kanyang schooling dahil matatapos na ang kanilang school year. Next pasukan ay fourth year na siya. Malapit na siyang matapos dahil mabilis na lang din naman ang araw. Nakakapagsimba kami ng Sunday at kapag gusto kong makahalik sa kanya ay tulad pa rin ng dati nagpapahuli kami ng labas at magtatago sandali sa likod ng pintuan ng chapel. Pero smack na lang dahil baka may makakita sa amin. Nabago ang pagkikita namin, kung dati ay gabi ngayon ay tuwing umaga na lang ng Monday at Wednesday. Ako pa rin ang sumusundo sa kanya every Saturday. Mas mahaba ang time namin. Pumapayag na siyang pumasok kami sa hotel para hindi sayang ang oras namin ku

