DOUGZ’s POV Tinawagan ko si Thisa, para sa lakad namin mamaya. Wala akong number ni Ivy, kaya hindi ko maite-text o matatawagan ang dalaga. Hindi ko na rin mabuksan ang social media account ko dahil hindi ko matandaan ang password. Gagawa na lang siguro ako ng bago. Ni-remind ko lang naman si Thisa about sa lakad namin mamaya. Siya na rin ang mag-inform kay Ivy. After office ko sila susunduin sa village. Pero nagsabi na ako kay kuya na undertime ako ngayon. Dumaan muna ako sa flower shop. Gusto kong bigyan ng bulaklak si Ivy. Pinili ko ang kulay pink na roses. Nabayaran ko na ito at nalagyan ko na rin ng note. Naalala ko si Thisa, baka makahalata pala siya. Ipinili ko siya ng white roses. Para hindi obvious na may bulaklak ako para kay Ivy. Wala na siguro silang masasabi na dalawa.

