IVY’s POV Paglabas ko buhat sa aking huling subject ay nasa parking area na si Dougz. Nag-aabang na siya. May message siya sa akin kanina. Agad ko rin siyang natanaw dahil nasa labas ito ng kotse. Kahit lumipas ang maghapon, fresh na fresh pa rin itong pagmasdan. Hindi iisipin na may asawa na ito. Kaya naman marami ang napapatingin ditong kababaihan na dumadaan dito. Humiwalay na ako kanila Darren. Sa gate sila dadaan . Mas malapit kasi ang kanilang way kapag doon. Sinalubong na ako ng aking asawa at hindi na ito nahiya ng gawaran ako ng isang halik sa labi. Mabilis lang naman pero para sa akin ay iba pa rin iyon dahil miss na miss ko ito. Ang tagal nga ng ikot ng oras. Kanina pa ako uwing—uwi para makita ko ang aking asawa. “Kumusta naman ang mag-ina ko? Hindi ka ba nahirapan, b

