IVY’s POV Matagal kong pinag-isipan ang gagawin ko ngayong anniversary namin ni Dougz. Hindi na naman niya ako kinukulit. Sarili kong desisyon ito. Kaya maka-ilan kong beses tinanong ang aking sarili kung handa na ba ako talaga? Mas lalong tumibay pa ang desisyon na ginawa ko ng mag-proposed pa siya sa akin. Anuman ang mangyari, kung iwanan man niya ako pagkatapos niyang makuha ang aking pagkababa e ay nasa sa kanya na iyon. Gagawin ko iyon, dahil gusto ko at mapatunayan ko rin sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kahit hindi pa araw ng anniversary namin ay balak ko na pero siya ang lumalayo sa akin. Parang ayaw niya. At ngayon ako na ang nagsabi sa kanya. Walang pagdadalawang isip. “Ayaw mo ba, baby? Ito ang regalo ko sa iyo ngayong anniversary natin. Gusto kong malaman mo na mahal

