DOUGZ’s POV Nag-desisyon na akong sabihin sa pamilya ko ang tungkol sa amin ni Ivy. Plano ko siyang pakasalan muna sa huwes lalo na ngayong hindi pa kami okay ng kanyang family. Bago pa mahalata ang kanyang tiyan at mag-resulta ng kanyang pagkatanggal sa school ay dapat ikasal na muna kaming dalawa. Nagmamahalan kami at nasa tamang edad na rin kami kaya pwede na kaming maikasal kahit walang consent ng mga magulang namin lalo na sa part ko. Ngunit bago ko gawin iyon ay kailangan kong sabihin muna kanila mommy at kuya para sa kanilang basbas. Alam kong matutuwa sila, ang iniisip ko lang na magiging reaction nila ay magugulat sila kung sino ang babaeng mahal ko. Inihatid ko sa kanyang boarding house si Ivy. Magpapaalam muna siya kay Madam at aayusin niya ang mga gamit niya. Ipapasundo ko

