From Lily,
I'm here in front of your door, Fia..
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang kanyang mga dalang nasa brown paper bag at nakasuot lamang sya ng dark green onesie. Kaya't nagtataka ako kung paano siya nakapasok dito sa taas.
"Bakit ka nandito, gabi na ah at naka onesie bodysuit kapa.." patawa kong tanong.
"kasi magwawalwal tayo ngayon ng juice," tumawa sya nang malakas.
"Parang tanga eh, paano ka nakapasok dito??" kunot noo kong tanong sa kanya.
"That handsome guy let me go up here..."
handsome guy? baka si Grey tinutukoy nito?
"hoy! Ba't natulala ka?” tumawa siya sabay hinampas ang aking balikat dahilan para matauhan ako.
"Marami pa ba ang costumers sa baba?" tanong ko kay Lily
"Oo, bakit?"
"Wala naman... so ano na ang gagawin natin ngayon at bakit andami mong dala, ano ba laman ng mga yan??"
At mabilisan niyang kinuha ang mga paper bag at saka doon inilabas niya ang mga pagkain na dala niya, sa isang bag naman ay may malamig pa kung titignan ang dalawang drinks. At nagdala pa siya ng laptop niya kaya napagtanto kong manonood kami ngayon ng movie.
Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa kwarto galing sa nakabukas na bintana at sabay kami ni Lily na naka tanaw sa mga ilaw sa labas ng building na ito.
"Nauuhaw ako Fia, teka muna." Bigla niyang sambit at tumango lamang ako sa kanya, patuloy na tinatanaw ang mga ilaw sa labas.
Hindi ko pa rin mapigilang malungkot sa mga nangyayari, at hindi ko wastong maproseso ang mga pangyayari lalo na at mag isa na lang ako para itaguyod ang pag-aaral ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang mga luha sa pagtulo dahil sa nararamdaman.
Minsan ay naiisip ko rin si mama kung nasaan siya ngayon at kung anong ginagawa niya ngayon dahil linggo na rin ang nakalipas mula noong narinig ko ang balitang nailibing na ang step father ko.
Nagulat ako sa biglang malakas na tunog na nabasag. Dali-dali kong tinakbo si Lily sa kusina at bumungad sa akin ang nagkalat na pulang likido sa sahig, hindi ko mawari at ganon na lamang ang biglang panginginig ng aking katawan at sumibaw ang takot sa aking sarili.
Napaupo ako sa sahig at nagsimulang nagsituluan ang aking mga luha nang umalingawngaw ang mga masasakit na salita na isinigaw sa akin ng aking ina noong araw na aksidenteng namatay ang aking step father...
"H-hindi po ako ang p-pumatay..."
"Aksidente lamang iyon, please Lily, help me p-please." halos pabulong kong naisambit.
"I'm sorry, Fia.. 'wag kang matakot okay. Hindi kita sisisihin sa pangyayaring iyon.." pagpapatahan niya sa akin at niyakap lamang ako nang mahigpit.
Tinulungan niya akong tumayo at saka pinaupo sa gilid kung saan may upuan. Bigla ay bumukas ang pinto at bumungad si Grey doon na halatang nagmamadali at hinihingal dahilan ng pagtakbo..
"What is happening here?" Tanong ni Grey na bakas sa mukha ang kaba at pag aalala.
"Nahulog at nabasag ang pitcher na pinagtitimplahan ko ng juice para sana inumin namin ni Fia.." sambit ni Lily at patuloy ang pag haplos sa aking likod.
Bakas rin ang pagtataka na makikita sa ekspresyon ni Grey habang nakatingin sa akin.. Patuloy ay pumasok siya at nakita ang mga nabasag na parte ng pitcher.
"Ako na maglilinis.." saad niya at nagsimulang kumuha ng mga gamit panglinis sa sahig.
Pagkatapos niyang ayusin at linisin ang kalat ay isinara niya ang bintana at lumapit kung saan kami nakaupo ni Lily.
"Bababa na ako... I just heard the loud sound coming from here that's why i headed up here, and even the costumers startled... Mas mabuti kung magpahinga na kayo." Kalmado niyang sambit at tumitig sa akin bago tumalikod at isinara ang pinto.
Iniligpit na ni Lily ang mga kalat naming pagkain sa kama at ang nakabukas niyang laptop... Tapos ay umupo siya at hinarap ako. Nagtitigan lang kami pareho nang ilang sigundo at saka siya nag salita muli.
"I'm sorry, Fia... I know it's all so hard for you to process everything that happened weeks ago, I don't know how to make you forget all about it just to feel better again. Ngunit naniniwala ako na lahat ng nangyari ay may rason, at naniniwala akong kakayanin mo lahat ng iyon kasi I witnessed the hardwork you did since you are just a little younger. I witnessed how you became a brave independent woman despite of your hard experiences.." sabay na nagsituluan ang aming luha sa kanyang sinabi at niyakap ko lang siya bilang tugon sa kanyang mga salita.
”Thank you, Lily for being here everytime na kailangan ko ng mapagsasandalan, kapag kailangan ko ng pamilya at kapag kailangan ko ng suporta andiyan ka palagi para sa akin.." i said while sobbing
...
Pababa na ako sa hagdan at nagkasalubong kami ni Grey, at nakaramdam ako ng hiya sa aking sarili.
Pagpasok ko pa lang ay kakaunti lamang ang mga staff at ganon din ang mga costumers dahil holiday ngayon.
Tanaw ko ang mga bookshelves sa gilid at ang mga librong maayos na nakalagay doon, ang mga costumers na pumapasok din dito kadalasan ay mahilig sa libro. Naisip ko na linggo na rin ang nakalipas mula noong huli akong nakapagbasa ng mga libro.
Pinapagalitan kasi ako ni mama kapag nahuhuling nagbabasa ng libro dahil lagi na lang daw akong nakaupo at walang ibang ginagawang mabuti sa bahay kahit tapos naman na ako sa mga gawain, marahil ay dahilan niya lamang iyon para magalit at maibuntong ang inis niya sa akin.
it's been 7 months ago when I first live on my own now. I can't believe I did this and I can't explain how I missed everything about my mother, ganyan ko ka mahal ang aking ina.
...
Habang naghihintay ng costumers ay binuksan ko ang phone ko at nakita ko ang notification galing kay Lily. Binasa ko ang laman non at nalaman kong may scholarship na pwedeng pag-aplayan sa school na balak naming pasokan ni Lily. Dali-dali ko iyong binuksan ang link para tignan ang mga requirements... Sa pagkakita ko ay saktong maaari kong aplayan iyon.
"We have delivery now in Santos city." napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses. Nakita ko si Grey na hinahanda ang mga receipt para sa orders at tumingin sa akin nang mabilisan.
"okay po" Pagkatapos ay inihanda ko na ang sarili ko para sa byahe dahil medjo malayo din ang Santos city.
Habang nasa byahe ay nakaramdam ako ng antok... maya't maya ay hindi ko na ito napigilan at nakatulog ako.
Nagising ako sa pag vibrate ng aking phone, pagtingin ko sa screen nito ay napagtanto kong mahigit isa at kalahating oras din akong nakatulog.
"I bought a snacks lately, you can eat those if you're hungry." malamig ang boses niya at kalmado lang ito.
"T-thank you, hindi naman ako nagugutom." Naramdaman ko rin ang pagkautal ko kaya't pakiramdam ko ay namula ako sa hiya.
Tinignan ko ang nagtext sa akin at si Lily iyon.
from Lily,
Did you check my message about the scholarship, Fia??
"yes" pagreply ko sa kanya. Habang nagrereply ay biglang tumunog ang aking sikmura dahilan para mapahinto ako sa pagta-type mula sa aking phone at naramdaman ang paglingon ni Grey sa akin kaya't napalingon din ako sa kanya.
"You said you're not hungry huh.." biglang saad nito na may kunting panunudyo sa mukha. Dahilan na mas nagpahiya sa akin.
Hininto niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada at inabot ang plastic bag sa likod na upuan ng sasakyan. Inilabas niya doon ang mga pagkaing binili niya at inabot sa akin.
“Soft drink?" sabay abot niya sa akin.
"Magtutubig lang ako, thank you." saad ko sa kanya at ngumiti nang kunti.
"do you want to eat chips, i have here.." sa tanong niyang iyon ay mas lalong nagpabilis nang t***k sa aking puso, malamyos ang tono ng kanyang boses at kahit seryuso ang kanyang ekspresyon ay may parte doon na ang cute niyang titigan.
Tumikhim siya dahilan na matauhan ako sa iniisip, nginitian ko siya at umiling.
"I don't usually eat junk foods, sorry." saad ko na nagpalabas sa kanyang ngiti, doon ko nakita ang malambot niyang mga ngiti at mas nagpagwapo iyon sa kanya.
damn that smile, that's hard to forget now...
"you seemed like my lola." saad niya sa akin habang kumakain ng sundae.
"almost everybody who knew me also told me that." Saad ko sa kanya at saka ngumiti.
"i mean because you are so conscious when it comes in your health. My lola too, kahit noong kabataan niya pa. She's always telling us stories about her that she's very careful with her foods to eat." pagkikwento niya sa akin, this is the first time I encountered him talking to me. I mean he's too quiet and busy when we are in the bakeshop.
"Maybe your lola is well discipline when it comes in her health." tugon ko sa kanya.
"then, you too." saad niya sabay ngiti habang nakatingin sa direksyon ko.
Pagkatapos kumain ay niligpit ko ang mga ito at nagsimula na ulit siyang magmaneho.
Isang oras ang nakalipas at malapit na kami sa location kung saan idedeliver ang mga orders. Nang makaabot na kami ay mapapansing may celebration ang malaking bahay at maririnig ang mga tawanan nito.
Matapos ay lumabas ang dalawang matanda na babae at lalaki na magkahawak kamay. Inabot nito ang bayad at mapapansing napakasaya nila sapagkat may mga matatamis na ngiti ang mga ito sa labi.
Nasa likod ako ng sasakyan at tinutulungang maglabas ng mga orders si Grey, matapos ay lumapit kami sa matanda para magpasalamat.
"Ijo, iyan ba ay iyong nobya?" tanong ng lalaking matanda na may ngiti sa labi. Saksi sa mukha ni Grey ang pagkagulat ganon din sa akin.
"H-hindi po sir." sagot ni Grey at nahihiya itong ngumiti.
"ay hindi ba, ijo? Kung titignan ay bagay kayong dalawa at akala ko pa nga'y magkasintahan kayo," saad din ng matandang babae at natawa ito.
"Naku'y mas mabuting bakuran mo na at baka maunahan ka pa riyan. Halatang marami ang pipila sa kanya at napakaganda naman." saad ulit ng matandang lalaki at tinapik pa sa braso ni Grey, natawa lamang si Grey sa kanilang akala.
Kapag nakikita ko si Grey na ngumingiti at natatawa ay napapako ang mga tingin ko sa kanya. Para bang napakagandang tignan nito.
"Huwag po kayong mag-alala. Mauna na po kami at maraming salamat po. Enjoy your orders po" saad ni Grey at saka tumalikod na ito sa matanda. Pagkaharap nito sa akin ay nakangiti ito at ang sarap pagmasdan.
I never expected that you're that damn more attractive when you smiles.
Pumasok na kami sa sasakyan at nagsimulang bumyahe pabalik.
"did you see it?" biglang tanong niya at mabilisang tumingin sa akin.
"ang alin?" kunot noo kung tanong sa kanya.
"the decorations in that place... It was their 50th wedding anniversary."
"Wow, kaya pala mapapansin nating ang saya nilang tignan, ano?"
"yeah, it makes me wonder how it feels..." saad niya kaya't napatingin ako sa kanya at may kaunting ngiti ito sa labi.
Hindi ko na natugunan ang kanyang sinabi hanggang sa makarating kami sa bakeshop. Simula noong delivery namin sa Santos city ay naging close kami, hindi naman sobrang close. Yong hindi na ako nakakaramdam ng kaba at awkwardness kapag nagtatanong siya o kaya'y nag-uusap kami.
Nabigla ang mga staff at maging si ate Zianna dahil napansin nila iyong pagbabago namin ni Grey. Nakaraan ang mga araw at napapansin kong tinitingnan kami ng may pang-aasar ni ate Zianna at mga staff kapag nagkikwentohan kami ni Grey, subalit binabalewala ko lang ang kanilang mga mapang-asar na tingin.
"is he courting you??" tanong niya habang mapang-asar na nakatingin.
"Hindi te ah." Maikling sagot ko.
"Asuss, maybe soon manliligaw na 'yon halata namang may pagtingin yon sa'yo, Fia" bulong niya sa'kin dahilan para matawa ako.
"Naku te, malabo naman iyan. Friends naman kami ni Grey eh at isa pa malayo pa sa bokabularyo ko ang pagkakaroon ng kasintahan." saad ko rito.
"Naku naku naku, Fia. Tatanda kang dalaga niyan. Sinasabi ko talaga sa'yo may gusto yon, wag kang bulag-bulagan..." pamimilit nito sa'kin at naiiling pa itong may ngiti sa labi.
"eh kung makapanakot naman 'to bakit may nobyo ka na ba te ha??" pang-aasar ko pabalik sa kanya.
"Ba't naman napunta sa'kin ang usapan?" panguso nitong saad, tuloy natatawa ako.
"ah basta ate, wala pong ligawang nagaganap sa amin maniwala man kayo o hindi." Malakas ang pagkasabi ko non para marinig din ng mga staff ang totoo.
"yeah, she's right. Kaya stop mocking her baka umalis yan sa trabaho, sige kayo..." pagkarinig ko sa boses na iyon ay uminit ang mukha ko at hindi ako makalingon dahil sa hiya na aking nararamdaman. Lalo na at nakikita ko ang mukha ni ate Zia na nagpipigil ng tawa.
shit... that's smile again. You're making me f-fall in l-love. aahhhh!