Read at your own.
Please be advised that this story contains mature themes and strong language.
Warning: this story occasionally contains strong language which may be unsuitable for children, and unusual humor which may be unsuitable for adults.
"Fia." Mangiyak-ngiyak na sambit ni mama.
Pag-guho ng mga luha ang tanging masasaksihan sa loob ng masikip na kwarto, bagkos maraming dugo ang kumakalat sa sahig at tanging luhang labis na tumutulo dahilan ay galit ang aking nakikita sa mga mata ng aking ina.
"Ma, I'm s-sorry po" lumuhod ako sa sahig at nanginginig sa mga nasasaksihan.
"Tell me, Fia. Did you mean it?" Patuloy ang pagdaloy ng mga luha patungo sa dugo ng walang malay na nakahandusay.
"Ma, maniwala ka sa'kin please. Kahit ngayon lang, m-ma." Tanging hagulhol lamang naming mag-ina ang maririnig sa apat na sulok ng kwartong ito. I tried to please her but i can't see mercy in her eyes.
"Mama, hindi ko intensyon ang gawin yun, ma, please kahit ngayon lang. I'm your d-daughter ma please maniwala ka naman sa akin." I pleased but all i can see in her face was a mark of hatred and anger.
"Isa kang halimaw, Fia... at kahit kailan wala akong naging anak na halimaw. Fia, you are just a product of r**e and i would never accept you in my whole life!" I felt her words vibrated in my whole body. It seems like a knife well carved my heart.
I think it's over, i think my whole life just broke down. Parang pinipiga sa sakit at lungkot yong puso ko because she's my mother, she's my everything and the root of my life. She's the reason kung bakit ako nandito ngayon at kahit ganon nya ako tratuhin there's still a small hope inside me na maaayos lahat ng ito.
It's just an another painful moment in my life, na yung ina ko, yung nag luwal sa akin, yung naging dahilan ko kung bakit pinipilit ko ang mga bagay na masasakit dahil naniniwala ako na magiging masaya kaming dalawa. Ngunit tinaponan lamang ako ng masasakit na salita at wala nang mas sasakit pa sa pandirian at itakwil ng sariling ina.
Wala na siya, i lost the love of my life. Iniwan na ako ni papa pati ni mama, I miss the both of them... Inakala ko na sila ang makakasama ko hanggang sa pagkamit ko ng aking mga pangarap, ngunit mali ang inakala ko.
After an hour matapos ang madugong pangyayari, tumawag si Lily.
Lily is my best friend and she's the only one na pinagkakatiwalaan ko. Sa kanya lagi ang takbo ko sa tuwing may problema ako and she always gives me her shoulder whenever i cry.
[Call]
Lily: What happened, Fia. Tell me. Sunduin kita sa bahay niyo, ako na ang bahala kay mama at papa."
Fia: Thank you so much, Lily. 'Wag ka nang pumunta dito may inaayos pa kami ni mama eh, thank you. Tatawagan kita ulit, okay?"
Lily: oh okay, sure ka ha. I'll open my phone overnight, hihintayin ko tawag mo."
And then the call ended.
Nagsinungaling ako sa kanya, wala na si mama dito dahil pagkatapos ng panunumbat ay isinugod na niya sa hospital ang step father ko.
Hanggang ngayon maingay pa rin ang mga pangyayari sa utak ko, I can't stop crying while slowly wiping the floor full of bloods. I want to stop breathing and fall asleep until I can't wake up.
It's just that so painful na mas pinili ni mama ang paniwalaan ang iniisip niya kaysa ang pakinggan muna ang side ko. I killed a person but it's an accident, a person whom my mother loved the most, whom she cares the most. And i should take the consequences na pinaparanas niya sa akin...those traumatic words came from her mouth.
I unintentionally stabbed my step father.
Naliligo ako sa banyo nang may bigla akong narinig na kaluskos galing sa may pintuan, umusbong ang takot ko nang biglang nakapasok 'yong step father ko... His eyes are full of lustful desires at habang palapit ramdam ko ang pagbilis ng pintig ng aking puso.
Mangiyak-ngiyak na ako sa takot ng bigla niyang ilabas ang kustilyo sa kanyang likuran, at nang bigla niya akong hinawakan ay unti-unti akong nawawalan ng pag-asang tumakas dahil sa takot. Hindi rin ako makasigaw dahil sa kutsilyong nakatutok sa aking leeg.
He suddenly put down his knife para hubarin ang saplot na kanyang suot, bago pa man niya iyon mahubad ay dali-dali kong kinuha ang kutsilyong hawak nya kanina at itinutok iyon sa kanya. Doon nabawasan ang aking takot dahil nasa akin na ang hawak niyang kutsilyo.
I tried to scare him, pero patuloy syang naglalakad paunti-unti patungo sa akin. At sa hindi inaasahang gagawin niya ang pag agaw ng kutsilyo sa aking mga kamay, nilabanan ko iyon.
I saved myself, but I killed someone. Bigla siyang nadulas at aksidenteng natusok ang kanyang leeg sa kutsilyong hawak ko.
Kalat pa rin ang dugo sa sahig at unti-unti ko iyong nililinis habang hindi pa rin humihinto sa pagtulo ang aking mga luha dahil sa sari-saring emosyun na nararamdaman. Kasabay ng takot at hindi malamang galit na aking nararamdaman
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at dahan dahan ko iyong nilingon... Nakita ko si Lily na nakatayo lamang sa may pintuan, wari ay hindi maproseso ang mga nakikita niya sa sariling mga mata.
Mas umiyak lamang ako dahil sa takot na baka lalayuan na niya ako pagkatapos malaman niya ang nagawa ko. Kahit saang banda sa sarili ko ay takot ang nangingibabaw sa aking nararamdaman.
Unti-unti ay lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking mukha paharap sa kanya. Nakita kong namuo ang mga luha sa kanyang mga mata...
"A-anong nangyari, Fia?"
Kahit ako ay hindi makasagot sa tanong niya, paulit ulit lamang ang pag-iling ko habang nakatingin sa kumakalat na dugo sa sahig.
I can't tell her the truth... I just can't now
Bigla ay niyakap niya ako at inakay patayo. Nakita niya ang kumot sa gilid ng aking kama at ipinulupot iyon sa basa kong katawan pagkatapos ay pinaupo niya ako sa gilid kung saan walang dugo ang sahig.
I can't utter some words, yung bakas ng pangyayari ay nagbilin sa akin ng malaking trauma. Takot at hindi ko alam ang dapat gawin.
Ipinalinis niya iyon, pagkatapos ay dinala niya ako sa bahay nila. Habang nasa sasakyan niya ay tahimik lang siya at pansin kong panay ang tingin niya sa akin minuminuto. She's like a sister to me, and I am always glad having her.
Pagdating namin sa bahay nila ay tahimik na iyon. Tulog na ang kanyang mga magulang.
it is 1 o'clock midnight...
Matapos niya akong ipinaghanda ng masusuot ay itinuro niya sa akin ang kanyang cr para doon makapaglinis ako ng aking katawan.
Isang oras ako nagkulong sa cr kaya't kinatok niya iyon at sinabing magpahinga na ako. Lumabas ako sa banyo at lumabas siya ng kwarto dahil sinabi niya sa akin na ipaghahanda niya ako ng pagkain ngunit umiling lang ako dahil wala akong ganang kumain.
Pagkatapos makapagbihis ay humiga na ako sa kama kung saan niya itinuro na doon ako matutulog. Minsa'y tumutulo pa rin ang aking luha, gusto kong malaman ang sitwasyun ni mama ngayon at gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Mabilis ang pangyayari at nakatulog ako sa pag-iyak.
Pagkagising ko ay lumabas ako ng kwarto para silipin sa sala si Lily. Nakita ako ng kanyang mama at matamis itong ngumiti at saka ako pinababa para kumain. Sinalubong ako ni Lily sa hagdan at sabay kaming umupo sa hapagkainan kung saan hinanda nilang pamilya ang maraming uri ng pagkain at sama-samang kumain.
I feel envy, dahil ninais ko rin ang gantong sitwasyun simula pa noong bata ako.
Wala akong naririnig na mga tanong mula sa kanila tungkol sa nangyari kagabi sa pamilya namin. Tanging naririnig ko lang ang tawanan at plano nilang pamilya na isama akong magbeach. Nahihiya ako sa kanila, bagkos ay nginingitian ko lamang sila.
"Aalis kami ngayon ng mommy mo at kayong dalawa lang ni Fia ang maiiwan sa bahay. Mas makabubuti siguro kung hindi muna kayo lalabas sa ngayon, parang hindi pa rin maayos ang pakiramdam ni Fia kaya sasamahan mo lang muna si Fia ngayon sa bahay, nak ha." Bilin ng kanyang ama.
They are so good to me, I can't explain how they treated me so well, and I can't stop thinking why my parents didn't even treat me this way.
Nakaalis na ang parents ni Lily, at tinutulungan ko siyang magligpit ng aming mga pinagkainan.
Buong araw ay tinulungan lang ako ni Lily na maglibang matapos nung gabing ikinwento ko sa kanya ang nangyari. Hanggang ngayon ay unti-unti kong pinoproseso ang mga pangyayari.
Lumipas na rin ang isang linggo and I want to go back home, nahihiya na rin ako sa parents ni Lily kahit pinapakita nila na mas maayos kapag nasa kanila ako. Hindi ko rin naman gusto ang maging pabigat na lamang sa kanila, may sarili akong pamilya at susubukan kong hanapin iyon at isa pa labing-anim na taong gulang na rin ako. Kakayanin ko na ang mag-isa sa bahay.
...
Naglakad ako papunta sa bakuran at ramdam ko ang kaba at takot kung makakaharap ko si mama, ngunit napapansin kong walang tao dahil napakatahimik ng paligid.
Dahan-dahan kong nilakad patungo sa pinto nang may lumabas na lalaki kaya napaatras ako sa gulat. Kumunot ang kilay nito dahil siguro sa gulat at pagkalito.
but who is this man...
Napagtatanto ko na baka kasama ito ni mama, kaya nagtanong ako. Pero napakabata ng itsura nito para mapagkamalan kong bagong kasama ni mama. Ngunit dahil sa bukas na pinto ay nasilip ko sa loob ang mga malalaking karton at bagahe sa sala kaya nalito ako kung bakit nandito ang lalaking ito.
May katangkaran ang lalaki at malinis kung titignan, mukhang mayamanin pa nga sa suot nito. Hindi na madedeny na may angking kagwapohan ang lalaki. Maging ang bawat parte ng mukha at katawan nito ay mapapansing napakaganda.
"Sino po kayo, at bakit kayo nandito?" tanong ko sa lalaki.
Biglang lumabas si mama kaya hindi na nasagot ng lalaki ang aking tanong. Sa tingin pa lang ni mama ay ramdam ko na ang galit namumuo sa kanyang mata habang nakatingin sa akin.
Bigla ay hinawakan ni mama ang aking buhok at pasimpleng kinaladkad ako palabas ng aming bakuran.
"ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin!" sigaw ni mama kaya't nakayuko lamang ako at sabay sabay nagsituluan ang aking mga luha.
"m-ma, kaya po ako nandito kasi gusto ko po humingi ng tawad at mama please hindi ko po gustong mahiwalay tayo, ma tayong dalawa na lang ang natitira dito." hikbi kong sinabi pero sarkastikong tinawanan niya lamang ako.
"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na wala akong anak, Fia. Tandaan mo yan. At sa tingin mo tatanggapin pa kita pagkatapos ng ginawa mo?" diin niyang sinabi dahilan na mas nagpaiyak sa akin.
"Ma, ilang beses ko po bang sabihin sa'yo na aksedente po yong nangyari." sa sinabi ko ay mas namuo ang kanyang galit at sinampal ako nang malakas.
"Napakawalang hiya mo talaga, Fia. Talagang nababaliw kana, ni nagawa mo ngang patayin ang asawa ko. Lumayas ka sa buhay ko at kapag sinubukan mo pang magpakita sa akin ako na mismo magdadala sa iyo sa mental hospital!"
Pagkatapos ng sinabi niya ay iniwan niya ako sa labas at pumasok na muli sa bahay namin. Ilang minuto kong naproseso ang kanyang mga masasakit na salita.
Hindi ko na alam kung saan ako titira, wala naman akong mga kamag-anak na nakatira dito sa lugar namin. Ilang buwan na lang din ay magpapasokan na ulit sa klase. Mag isa na lang ako kaya't bubuhayin at kakayanin ko ito mag isa dahil gusto kong makapagtapos ng pag-aaral.
Hindi ko mawari kung gaano kalaki ang pagmamahal ni mama sa lalaking iyon at nagawa niyang itakwil ang sarili niyang anak.
Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa kanyang sinabi na bunga lamang ako ng r**e. Napakagulo na ng utak ko para makapag isip nang maayos.
Naglakad ako palayo sa aming bahay at napag-isipan kong maghanap na lamang ng trabahong pwede akong makapagstay in nang sa gayun ay mas makakatipid ako.
Huminto ako sa harap ng bakery kung saan may nakalagay na read&dream bakeshop is looking for employee! .
Pumasok ako sa loob at lumapit sa may counter, nakatayo dito ang isang magandang dalaga na nakauniporme ng puting polo shirt nakalagay ay read&dream service.
"Good morning po, nakita ko ang karatola ninyo sa labas, gusto ko pong mag apply kahit anong bakanteng posisyon lang po tatanggapin ko."
"yes ma'am, good morning din po. ah, upo na lang muna kayo at pag-uusapan natin ang tungkol sa trabaho." pagkatapos ay ngumiti sya sa akin at itinuro ang upuan malapit sa bintana.
she looks kind... I hope she is
They had many bookshelves here... and there's plenty books over there.
Naglakad siya palapit sa akin na may dalang tray ng bread at umuusok na kape. Kung titingnan ang kanilang mga ginawang foods and drinks masasabi nating masarap at mukhang mamahalin ito. Inilapag niya iyon sa mesa at umupo sa kabilang upuan harap sa akin.
"May mga kailangang requirements po ba kayo dito? Estudyante pa lang po kasi ako."
"I'm Zianna Mendez... ang you are?"
"Fia Isla Davis, po. I'm 16 years old"
"Do you have some valid ID? Yun lang ang kailangan namin at kunting details tungkol sa'yo para makapasok ka sa trabaho, at kailangan din kasi namin ng stay in dito..."
"ah okay po sa akin, tangtanggapin ko po kapag stay in. Mas maayos po kasi yon sa akin dahil mas makakatipid po ako." inilabas ko ang aking ID at ibinigay iyon sa kanya. Tiningnan niya iyon at nagsimula nang magtanong ng mga detalye.
"Thank you, Fia. Mukhang may makukuha na talaga akong stay in dito." ngumiti ulit sya sa akin at itinuro ang pagkain senyas niya na para kainin ko.
Pagkatapos ng aming pag-uusap ay sinabi niyang bumalik ako bukas dahil mayroon pang kakausap sa akin pagkatapos ay matatanggap na ako.
There I saw this beautiful man. He is reading and elegantly sipping his coffee.
He looks quite good... aristocratic and has a mature posture. Elegance were seen in his face, bluish eyes, pointed nose and well shaped face that made him more attractive... I can see now female costumers flirty staring at him. Ang lantod ko na, let's get out of here.