Chapter 23: The Wishing Dolls 5 - Narrator's POV - "Keira!" Sigaw nila ng biglang malakas na sampalin at itulak si Keira ni Yuina. Muhkang may kakaiba sa bata dahil sobrang lakas ng pagtulak nya ay tumalsik talaga si Keira. "Layuan nyo kami!! Layuan nyo kami!!" Sigaw pa ni Yuina tapos biglang syang nawalan ng malay. Tumayo na si Keira at inalog si Yuina para magising. "Yuina, gising, gising." Saad ni Keira. "Ate..." Saad ni Yuina. Tapos naupo ito at humarap kay Keira. "Ano pong nangyari?" Tanong ni Yuina. "Naglaro tayo. Bigla ka lang kasing nakatulog. Tara na, magtanghalian na tayo." Saad ni Keira at pinatayo na si Yuina. Nang makaalis si Yuina sa sala ay biglang nagsalita si Kalen. "Bakit ka nagsinungaling kay Yuina?" Tanong ni Kalen. "Hindi nya pa alam yon, kuya. Bata pa

