Gaia pov
Araw ng Sunday?
Nalalaro kami nila Kookoo at baabaa dito sa garder... Meron kaming picnic blanket... at foods para sa kanila. Habang si Kookie naman busy sa mesa sa malapit sa pool.
Pinaparoll ko ang dalawa ng biglang napatayo si Kookie kaya nagulat ako.
" f**k! I'll be there... just don't answer that asshole..."
Tumayo ako at iniwan ang dalawa para puntahan si Kookie.
" Kookie... Anong problema?"
Napatigil naman ito sa pag aayos ng gamit niya sa mesa.
" Someone came up Hon... Dito muna kayo... May mga bantay kayo sa labas kaya safe naman kayo... "
Hinalikan niya ako tsaka umalis sa harapan ko.
Bakit parang natakot ako para sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko, ang lakas ng kabog nito... hindi ko alam kung bakit... pero alam kong may mali... May mangyayari..
Naramdaman ko na ito noong araw ng accidente nila Papa.
Ipatingin ko nalang kay Manang ang dalawang aso at umakyat sa kwarto para sundan ang asawa ko.
" Kookie??..."
" Yes Hon?? Why??" nagbibihis na ito...
" kasi--paano kaya kung wag ka ng umalis?"
".. hon May problema sa office.. kaya kailangan ako doon. Uuwi nalang ako ng maaga para ako magluto para sayo.."
" Pero---"
" I have to go hon... MWUAH! " kiniss niya ulit ako.
Pinapanood ko itong bumababa ng hagdan.
Diyos ko sana po hindi mangayari ang iniisip ko... wag po ang asawa ko
Dahil ayaw tumigil ang kabog sa dibdib ko pinuntahan ko si Manang na nag luluto.
" Manang! "
Mukhanh nagulat naman siya sa pagsigaw ko..
" Jaske ka Gaia... Nagulat ako.. Bakit ba?"
" Manang... kinakabahan ako kay Kookie...Parang may hindi magandang mangyayari sa kanya... natatakot ako."
" Gaia... Walang mangyayari sa kanya...siya pa.. Hahaha malakas ang asawa mo.... kaya huminahon ka dyan.. "
Umupo ako at pinakalma ang aking sarili.
" Gusto mo ba ng chocolate?... eto may bago akong binili... " inabot naman sa akin ni Manang ang isang garapon ng bilog na chocolate.
" salamat Manang..."
Naka tatlong subo palang ako ng binalak kong magpaalam.
" Bakit saan ka pupunta?"
" Susundan ko po si Kookie... hindi po kasi ako mapakali... gusto ko pong malaman kung safe siyang nakarating sa Office niya."
" Baka pagalitan ako ng asawa mo Gaia... bilin pa man din ay bawal kang lumabas..."
" Pero Manang...."
" tawagan mo nalang ito...masermonan pa tayong dalawa pag nagkataong pumayag ako na puntahan mo siya. "
Wala akong nagawa dahil hindi ko din naman alam kung saang banda ang office niya. Kaya makaraang ng 30 minutes ay tinawagan ko ito... Nakakailang ring palang ay sinagot naman niya agad.
" Yes Hon...? " sagot nito
" Ah kasi Kookie... gusto ko lang malaman kung nakarating ka na sa office mo" kabado kong tanong
" Yes hon kararating ko lang... Hon is there something wrong?"
" ah-wala Kookie... tsinek lang naman kita kung safe ka... Hehehe"
" I'm ok Hon... don't worry about me... Hon ibababa ko na ito ok may bisita kasi ako....bye Iloveyou.."
Sasagot pa sana ako ng pinatayan na niya ako.
" I loveyou too kookie..." sagot ko nalang kahit wala na ito sa linya.
Pagabi na pero wala pa rin ito. Maya maya ay bigla akong nalarinig ng kulog kasabay ng kidlat.
Agad akong napatakbo kay Manang at yumakap.
" Takot ka ba sa Kulog at Kidlat??"
Tumango lang ako... Ayokong dumilat dahil nakikita ko ang kidlat.
Noon pa.man ay takot na ako. Kaya halos isubsub ko sa unan noon ang mukha ko.
Nagtahulan ang ang dalawa kaya napalingon kaming dalawa ni Manang.
" Umupo ka nga muna... pati mga alaga mo ay natatakot na dahil nakikita ka nilang takot."
Kumuha ito ng baso at naglagay ng tubig.
" uminom ka nga muna"
Kukunin pa palang sana ng bigla nalang itong nahulog at nabasag ang baso.
Blag!
" Sus maryosep... Gaia ano bang nangyayari sayong bata ka... wag mo ng pulutin at iwawalis ko nalang yan."
" sandali manang... Hindi ba may pamahiin pag ganyan??"
Lumingon ito....ramdam ko din na kinabahan siya.
" Diba may----"
Tumunog ang phone ni Mananng kaya hindi ko naituliy ang sasabihin ko.
" Oh Dexter bakit ka napatawag.? "
Ang kaninang kalmadong pagsagot ay napalitan ng pagka gulat.
" Ikaw ba'y hindi nagbibiro Dexter??Dios Mio!...Sige sige... susunod na kami "
Pagkababa nito ay niyakap ako ni Manang.
Nagtaka naman ako.
" Manang??? Ano pong nangyari? "
Hinarap niya ako... Umiiyak na si Manang
" Gaia.... Si Deimos naaksidente... S-sabi ni Dexter ay malubha daw ang nangyari sa kanya... kaya kailangan natin puntahan ang asawa mo.."
Sa pagkakasabi ni Manang ay halos mawalan ako ng lakas tumayo...
" Manang...----h-hindi ito t-totoo... akala ko ba M-malakas ito.?? "
" Gaia... sabi ni Dexter ay may gumawa daw ito sa kanya kaya naaksidente. "
Doon na ako umiyak ng sobra... hindi na ako nagbihis at hinila ko na si Manang para puntahan ang asawa ko.
Hospital
Sinalubong kami ni Dexter..
" Ano na lagay ni Deimos?" tanong ni Manang
" Sabi ng Doctor hintayin nalang daw itong magising... dahil mamaya pa lalabas ang mga result."
" Manang natatakot ako sa mangyayari sa kanya pag nagising siya?.. Paano nalang pag---"
Pinigilan naman ako ni Manang.
" May awa ang diyos Gaia...hindi niya pababayaan si Deimos. "
Naghintay kami ng ilang oras bago ito magising. Nakauwi at naka bili na ako ng flowers para sa kanya pero tulog pa din ito. Dalawang araw na pero hindi pa rin nagigising.
" Mam Gaia mukhang nangangayayat ka na...?"pansin ni Dexter sa akin habang nagbabalat ako ng mangga.
" Oo nga Gaia... napansin ko din. Ikaw ba'y kumakain? " Manang
" Oo naman po.. Kaso mapili po ako ngayon sa pagkain. Halos puro mangga nalang kinakain ko. Kanina nga ay gusto ko puto na may ketsup."
?? Dextee at Manang
" Gaia... magpatingin ka na kaya sa Doctor.. " Manang
" Manang wala naman akong sakit.... bakit ako magpapatingin sa Doctor.? "
Sa halip na sagutin nila ako, sabay sabay kaming napalingon sa taong pumasok.
" Doc ano na po kahalagayn ng asawa ko?" tanong ko
" Misis... Wag po kayong mabibigla... Nagkaroon ng damaged sa bandang ulo ni Mister na mau tendency na magkakaroon siya ng Amnesia.... Selected amnesia rather."
" Amnesia?? Ibig pong sabihin ay wala siyang maalala? " paniniguro ko kay Doc.
" Yes.. Selective amnesia is a type of amnesia in which he lose certain parts of his memory. Common that may be forgotten are relationships, special talents, where they live, abilities in certain areas, and events such as birthday or traumatic events... this not permanent Misis.. but we need to take a risk for a meantime . "
Sa mga sinasabi ni Doc lalo akong nahihilo... bakit ngayon pa..
" Doc---"
Blaaag!
Nagising nalang ako na nakahiga at puting kurtina ang una kong nakita. Pinilit kong bumangon...
" Jaske kang bata ka... Wag ka munang bumangon.. " pag alalay saakin ni Manang.
" Manang ano pong nangyari? Bakit po ako nandito? "
" Naku Gaia... Kaninang kausap natin si Doc ay bigla ka nalang nawalan ng malay... ikaw talaga kaya ka pala ganyan nararamdaman mo... nagdadalang tao ka. "
? Nagdadalang tao??
Bu-buntis ako???
" totoo ba yan Manang?? "may tuwa sa aking tinig.
" Oo Gaia... sinabi saakin ni Doc Quinto... 2 weeks na daw ito. Kaya kailangan ay alagaan mo ang sarili mo. "
" Manang puntahan natin si Deimos gusto kong ipaalam sa kanya... "
" Nagising na din ito kanina Gaia... pero----"
"bakit po manang?"
Pumunta kami sa room ni Deimos at totoo nga na gising na ito. May benda pa rin ang ulo nito Nakatingin ito saakin... blanko.
" Kookie gising ka na......" patakbo ko itong niyakap.
" Hey!!...." gulat nitong sabi
" Kookie pinag alala mo ako... akala ko mawawa----"
Nagulat ako ng bigla niya akong tinulak na halos napaupo ako sa sahig.
" Deimos!" sigaw ni Manang kay Deimos.
Inalalayan naman ako ni Dexter.
" Bakit mo ginawa yun sa kanya?" Manang
"Who the hell is she Manang??" galit nitong tanong.
Hindi niya ako maalala?? Bakit parang ako lang?? Bakit parang ako lang ang hindi niya kilala?
" Deimos siya si Gaia... Ang asawa mo" Manang
" You're kidding Manang... Paano ko siya naging asawa? Alam niyong ayoko ng babae sa buhay ko maliban sayo!?"
Aray! Ang sakit naman nun...
" Dexter.... Who the hell is she?? Did I remind you not to do such stupid things while I'm not around?? I don't even know her.... " sabay turo pa saakin.
" Ang totoo niyan----bagong katulong niyo ako Sir.. Nagbibiro lang po si Manang " bigla ko nalang sinabi ang walang kaisip isip na idea.
" Gaia! " Manang.
Alam kong pipigilan niya ako.
" call me Master... not Sir.. Ano ba naman Manang bakit ka pa kumuha ng katulong?? Don't tell me iiwan mo din ako gaya nila Mommy.? "
" Ah kasi---" Pinigilan ko ang sasabihin ni Manang.
" kamag anak po ako ni Manang Linda sa aming probinsya... ulila na po ako kaya humingi po ako ng tulong na makapasok sa kanya. " Kahit naiiyak na ako ay patuloy pa rin akong nagpapaliwag sa aking kasinugalingan
" kung ganun.. Sa susunod na yakapin mo pa ako... papatalsikin kita sa pamamahay ko... Manang.. Dexter gusto ko ng umuwi... I have a lot things to do. "
Palihim kong pinupunasan ang luhang bumabagsak sa aking pisngi. Kitang kita ko ang awa nila Dexter at Manang saakin.
Kinabukasan ay siyang paglabas ni Deimos. Hindi pa man pwede ay wala kaming magagawa dahil sa mga banta niya sa mga Doctor.
Bago pa makauwi si Deimos pinalipat ko ang mga gamit ko sa maids quarter... ayaw man ni Manang ay hindi ako nagpapigil.
Ayaw ni Manang ang idea na maging katulong ako. Sabi ko nga sa kanya ay kaya ko naman dahil naging alipin na din ako dati.
Dalawang araw nakalipas mula noong nakalabas ito sa hospital
" Manang! Manang!!" sigaw ni Deimos mula sa aming kwarto... ay kwarto pala niya.
" Bakit na naman bang bata ka!?" Sagot ni Manang... Magkasama kami dito sa kusina.
" Manang bakit may mga bag ng babae dito?? Sino bumili ang mga ito?"
Patay! Sa sobrang dami kasi ng bag na binili niya noon saakin hindi naibaba nila Dexter ang mga iba.
" Gaia... Anong sasabihin ko sa mga bag mo?? Wala akong alam na ipapalusot." Manang
" Manang! " sigaw na naman niya.
Ting! Alam ko na. Pumanhik ako para sabihin sa kanya.
" Ah Master... Pasyenya po...Mga Benta ko po ang mga yan...naihalo lang sa pag aayos ko noon.." palusot ko. Ako na ang sumigaw mula sa hagdan
Lumitaw ito na dala dala ang mga bag.
" Anong karapatan mong dalhin ang mga bag mo sa kwarto ko... hindi mo ba alam na restricted ang kwarto ko... si Manang lang ang pwedeng malinis dito? "
Binato niya saakin ang mga Bag na hawak niya. Apat na bag ito at puro mamahalin.. Ito ang mga bag na takot kong gamitin sa sobrang mahal ang mga ito.
Halos tumama sa tiyan ko ang bag na isa... Yung may bakal pa...
Napaipit ako sa sakit...
" Ano pang tinutunganga mo diyan??pulutin mo na ang mga yan... sa susunod wag kang papasok sa kwarto ka... Nagkakaintindihan ba tayo!?" sigaw niya saakin
"O-opo Ma-master"
Pinagpupulot ko ang bag at nilagay sa kwarto ko.
Sinundan pala ako ni Manang.
" Gaia... nasaktan ka ba? Narinig ko ang pagdaing mo kanina... ok ka lang ba?"
Pinilit kong ngumit sa harap ni manang
" Ok lang ako Manang... hindi naman na masakit."
" Gaia... Itigil mo na ito... alalahanin mo ang baby mo... Hindi siya ang Deimos na nakilala mo. "
" Ok lang ako Manang tara na po...magluluto pa tayo. " iniwan ko si Manang na nakatayo.
Tanghali ng ng nakaligo na ako. Nagpahinga muna ako pagkatapos ko dahil hinang hina na ako... may gusto kasi akong kainin pero wala dito sa bahay ang gusto ko.
Minabuti ko nalang na magpahinga... hapon na ng magising ako sa pagtahol ni Kookoo at Baabaa..
Patakbo akong pinuntahan sa kulungan ng dalawa.
" Hey! Shut up!!" sigaw niya sa dalawa.
" Master... baka po gutom na sila..."
" Kanino ba ang mga aso na ito... wala akong matandaan na kumuha ako ng aso!"
Parati nalang itong sumisigaw.
" Master pasensya na po... mga alaga ko po ang mga yan.."
" Anong karapatan mong magpatira ng mga alaga mo sa bahay ko??... hindi dahil kamag anak ka ni Manang ay gagawin mo nalang ang gusto mong gawin sa pamamahay ko.... Pwede pa patahimikin mo ang mga alaga mo.. dahil baka patayin ko ang mga yan! "
Natakot naman ako sa sinabi niya. Sa mga paraan kasi ng tingin niya sa akin ay parang gagawin nga niya.
" shhh... kookoo Baabaa... taha na.. gutom na ba kayo?? Oh eto na... shh wag na kayong maingay... papagalitan tayo ni kookie eh.. Pasensya na tayo ha... Tiis muna tayo habang wala pang maalala si kookie..." naluluha kong kausap ang dalawa.
Pinakain ko sila ng makaramdam ako ng magkalam ng sikmura ko.
Hindi pa pala ako kumakain kanina pang tanghali.
Nagpaalam ako kay Manang na pupunta ako sa Mall para doon hanapin ang gusto kong kainin.
" Ano ka ba Gaia... diba sabi niya bawal ka na sa Mall?" Manang
"wala naman siyang maalala Manang... May gusto kasi akong kainin..."
"ipapabili ko nalang kay Dexter..." Manang
" hindi ko din alam kung ano ang gusto kong kainin Manang eh.."
" Oo nga pala buntis ka... baka nagsisimula ka ng maglihi...sige.,pero ipapasunod kita sa mga bantay sa labas."
" wala na pong mga bantay sa labas Manang... sumunod po sila kay Deimos kanina nakita ko... Ok lang ako Manang sa ibang Mall naman ako pupunta. "
" Jaske kang bata ka... mag ingat ka ha... tumawag ka lang kay Dexter kapag nagkaproblema. "
" Opo manang... alis na po ako.. "
Nagtricy akong pumunta sa Kabilang Mall... dahil under construction pa din ang Mall na nangyari sa Sinehan.
Naglakad lakad ako para aliwin ang sarili ko. Ilang araw ng mainit ang ulo niya sa akin.
" sorry baby ha... hindi muna natin makakasama ang daddy mo.. tiis ganda muna tayo"
Sa mga baby Stuff ako pumasok. Natuwa ako dahil nagagandahan ako sa mga gamit ng baby.
Pagkalabas ko ay dumeretso ako sa food court para kumain.
Nakalanghap ako ng mabangong pagkain. Sinundan ko ang amoy ng biglang...
Bloogsh!!
Buto nalang nasalo ako ng nakabungo sa akin.
" Naku sorry Miss hindi ko sinasadya.." sabi ng lalaki.
Napatingin ako sa kanya...
Ang gwapo naman ng lalaking ito.