Gaia pov
Limang araw na hindi kami napapansinan ni Deimos... kapah nagkakasalubong naman kami ay nakayuko ako para hindi ko makita ang mukha niyang galit na galit.
Nasa Kusina na kami ng pinagbabalatan ako ni Dexter ng apple at pakwan.
" Kailan pala ang check up mo Mam Gaia?" Tanong niya saakin.
" Mamaya na Dexter... alam mo may nakilala akong kaibigan.. magaan ang loob ko sa kanya kapag kausap ko siya."
Napatingin naman sila saakin ni Manang.
" Lalaki?" sabay pa nila.
Tumango ako.
" Hindi kaya magalit si Master Mam. Gaia... Kasi lalaki ang nakilala mo... " Dexter
" Bakit naman siya magagalit? Ni ako nga hindi niya makilala eh... "
" Gaia...nahihirapan ka na ba sa mangyayari sayo?..."
" kaya ko pa naman Manang...Gusto ko lang naman may iba akong kaibigan maliban sa inyo....never pa ako nagkaroon ng kaibigan. Natutuwa ako dahil may isang tao na may handang pakinggan ang mga kwento ko. "
" Nag aalala lang kami sayo Gaia... "
" Mam Gaia... maraming kalaban si Master. Hindi natin alam kung pinapasakay ka lang niya para mapaikot at isunod ka nila gaya ng ginawa nila kay Master. "
" Nakikita ko namann sa mata niya na totoo siya Dexter.... sana payagan niyo akong maging kaibigan siya. " nakaramdam ako ng lungkot.
Napatahimik naman sila.
" Oh siya....pumapayag na kami pero mag iingat ka ha... " Manang
" Manang! Dexter! " sigaw na naman ni Deimos mula sa kanyang kwarto.
" tumatawag na naman ang loko... Sige na Dexter ikaw na pumunta doon baka makita na naman niya si Gaia ay mag iinit na naman ulo niya. "
" Sige po Manang... Ah Mam Gaia... Ano pa gusto mong kainin... para mabili ko mamaya?"
" Ice cream sana kung pupwede Dexter.. cookies and cream.. "
" Sige Mam Gaia... copy! "
Pagkaakyat ni Dexter tinignan ako ni Manang.
" Gaia... ito bang lalaki na nakilala mo ay gwapo? "
" super Manang...Mas gwapo nga yun kesa kay Kookie eh.."
" Mag ingat ka lang Gaia sa mga kinakaibigan mo... ay Oo nga pala... sasamahan ba kita mamaya?"
" Manang...may ipag uutos ako sayo." tinig na nagmula sa aking likod.
Alam kong siya yun kaya hindi na ako lumingon pa.
" Ano yun? "
" Aattend tayo sa Celebration sa Nueva Ecija sa Princess Orphan... hindi makakasama si Dexter dahil luluwas ito papuntang Visaya ngayon.. mag ayos ka na Manang..."
" Ngunit papaano si Gaia? "
" Di dito siya sa bahay... alangan naman isama ko pa siya... tsk sige na Manang gagayak na ako para makaauwi din tayo mamayang gabi."
" Gaia... Ok lang ba na---"
" Ayos lang Manang sanay na ako na naiiwan mag isa sa bahay.. tsaka magpapacheck up ako mamaya... "
" Sa susunod na check up mo ay sasama na ako... "
Tumango lang ako at pinagpatuloy ang kinakain ko.
Hindi ko alam parang nararamdaman kong hindi na ako welcome sa bahay na ito. Pakiramdam isa akong hangin sa harapan niya.
" Gaia aalis na kami... mag ingat ka ha.. "
" Opo Manang... aalis na din ako pagkaalis niyo.."
" Gaia... mas mabuti na atang sabihin natin sa kanya ang kalagayan mo... para hindi ka na niya masaktan.."
" wag manang... ayokong mabigla siya.. makapaghihintay naman ako... titiisin ko nalang ang mga masasakit na salita mula sa kanya. "
" Let's go Manang... "
Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Ayoko ng umiyak.. dahil nakakasama ito sa baby ko
Naagpumilit si Angelo na samahan ako magpacheck up sa Obgyne ko.
" Misis... hindi masyadong makapit si baby kaya kelangan mong itake ang irereseta ko sayo. Hindi ka pwedeng magbuhat ng mabibigat. Iwasan din mastress lalo na... iyak ng iyak nakakasama sa baby.. Tinatake mo pa ba yung una mong vitamins na nireseta sayo?" Dra Valdez
" Yes po Doc.. "
" Kumain ka ng mga fruits lalo na ang Orange... wag masyado sa Ice cream o ano mang matatamis lalo na ang chocolate. "
" Mister... wag niyo pong bigyan ng sama ng loob si. Misis ha... " baling niya kay Angelo.
" Naku. Dra. Hindi po siya ang asawa ko hehehe"
" Naku pa sensya ka na..akala ko ay ikaw ang asawa.. Ang ganda kasi kayong tignan..." ngumiti pa ito.
Nagkatinginan naman kami ni Angelo sabay tawa.
Pagkalabas namin todo tukso niya saakin.
" Sayang ano ako sana ang ama ng baby mo... Pati si Dra. kasi boto sa atin hahaha sabihin ba namang bagay tao hahaha"
" Paano para kang aso buntot ng buntot napagkamalan ka tuloy."
Speaking of aso. Bigla akong naluha ng maalala sina Kookoo at Baabaa
" Hala bakit ka umiiyak... Hindi na ako magbibiro... Ito naman.."
"Hindi naman yun ang iniiyakan ko eh.. Namimiss ko na sina Kookoo at Baabaa... pinatapon ng amo ko ang mga aso ko..."
" mga Aso mo?"
" Oo kasi si kookoo aso ko na siya noon pa man siya kasi nagbibigay saya kapag nalulungkot ako... gusto ko siyang mahanap. "
" Eh si Baabaa? "
" Napulot ko lang siya..."
" may picture ka ba sa kanila.. Magpaskil tayo ng picture nila at hanapin natin pag day off mo. "
" Yun sana ang plano ko pero hindi ko magawa dahil wala naman akong alam Angelo... "
"hayaan mo tutulungan kita., Gusto mo sa bahay ko nalang tayo kumain,..?"
" Ayos lang saakin..sakto gutom na ako hahaha ..."
Tinungo nga namin ang way ng condo nito. Noong una ay nagtataka ako dahil gaya ni Deimos ay may mga gamit itong mamahalin.
" Wow ang linis at ang ganda ng bahay mo. Bakit naman kasi di ka pa maghanap ng asawa? "
" Hindi naman ako nagmamadali, gusto ko din naman in proper way ko siya ligawan, maging kasintahan kumbaga kilalanin ko muna siya bago ko siya pakasalan."
Nalatahimik ako, Hindi sila pareho ni Deimos. Si Deimos yung taong dinadaan sa pera at kapangyarihan meron siya sa lipunan.
" oh napatahimik ka? Gutom na kayo ni baby? " natawa naman ako., kaya sinundan ko nalang ito sa kusina niya.
" Wow..as in wow sa sobrang linis ng kusina mo." naaamaze talaga ako sa bahay niya.
" Umupo ka na nga diyan babalantan kita ng apple para kainin mo habang nagluluto ako. "
" sige Salamat Gelo.."
Gaya nga ng sinabi niya ay pinagbalatan nga niya ako, hindi lang apple pati oranges.
Habang nagluluto iniinterview ko siya. Parang cooking show with tsikahan.
" Gelo, nagka girlfriend ka na ba? "
Naghihiwa ito ng carrots
" Oo naman naka tatlo na din ako."
" ikaw nagloko o--"
Napatigil siya sa paghihiwa at pinagdilatan ako ng mata..
" Hey! that's observe.. ako ang niloko at ako ang iniwan. Hindi ako ang nagloko at nang iwan. Hindi lahat ng lalaki manloloko."
" defensive hahaha bakit ka naman iniwan? Nasa sayo na ang lahat..may desenteng trabaho, magaling magluto, malinis sa lahat, mabait, gwapo pa... tapos iniwan ka? "
Nginitian niya ako.
" Because they're not contented what I have.. maybe they like more aggressive man... Ganun! Haha ano ito talk show with Earth? "
Subo lang ako ng subo habang pinapanood ko ito.
" Ang tatanga naman nila para iwan ka. Kung ako sa kanila... Napakaswerte ko dahil may boyfriend akong kagaya mo. "
" Sana nga ikaw nalang sila Earth.. "
Napatigil naman ako sa pangunguya at nagkatinginan kaming dalawa sa sinabi niya.
" Sana nga ikaw unang kong nakilala kesa sa kanila Earth... Siguro mas masaya ako. " medyo nagkaroon ng awkward saamin ng ilang segundo.
" Hindi mo din ako magugustuhan kapag ako nakilala mo noon Gelo... Hindi ako yung Gaia na nakikita mo ngayon."
" Ha? What do you mean? "
Naamoy ko ang ginigisa niyang bawang kaya halos maduwal duwal na ako sa amoy niya.
" gosh Earth sorry...!" inalis niya ito tsaka tinapon sa sink ang mga bawang.
Nakatakip pa din ang kamay ko sa ilong ko.
" pasta nalang ang iluluto ko...you ok now Earth?" hinahagod niya ang likod ko.
" Ok na ako... grabe ang baho ng bawang"
" Alam mo yung ex ko ganyan siya noong naglilihi..."
" Ano? Nabuntis mo ang ex mo?"
Bumalik ito sa ginagawa niya at pinagpatuloy ang pagluluto.... ng pasta.
" Bestfriend ko ang Ex ko, kahit niloko niya ako at pinagpalit niya ako sa Adik nitong boss, hindi pa din nawala ang friendship namin. Ako ang nagluluto ng pagkain niya kapag nasa work ang asawa niya. Ironic isn't it?"
" Martir din... grabe ganun ka kabait para ipagluto mo pa ang ex mong naglilihi!? Wow! " may pa palakpak pa akong tatlo.
" Earth hindi naman ako yung taong may pasumpa sumpa pa sa mga taong nanakit saakin. Wala akong nagawang mali, doon ako nagfocus sa Facts. Hindi ako dapat yung iiwas. "
" so ang ibig mong sabihin kapag naibigay mo ang lahat at niloko ka.. kelangan andyan ka pa din para sa kanya ganun ba? "
" Like what I said Earth depends on how you treat your partner. If alam mong wala kang ginawang mali, ipaintindi mo tanungin mo kung ano ano ang kulang, Kapag nalaman mo yung sagot. Doon mo iaapply kung ok ba kayo or what. "
" so nasabi niya sayo ang kamalian mo? "
Tumango lang ito.
" Ano daw? " so ako na ang madaldal hahaha
" she wanted me to do the things she loves to do. "
" like? "
" Tito boy ikaw ba yan? " sabay tawa nito
" sagutin mo na kasi"
" she's s*x addict.. not totally but she wants to have it every time we're together kaso hindi ako ganung klaseng lalaki na magtetake advantage na kahit inrelationship pa kami. I always refuse her, Yeah! thats a need but I respect her... I wanted to have her when we're tie.."
Napangiti ako sa sinabi niya. Napakagentleman niya. The way he talks I know he's a good man.
" Come on Earth stop smiling... your freaking me out! "
" Your a good man you know that? " out of the blue kong sambit.
" All of us are good...but no one knows "
Marami pa kaming pinag usapan pero hindi talaga nawala sa isip ko ang mga salitang binitawan niya kanina.