Kabanta 5

4275 Words
05. "Nasa  labas, tinutulungan ni Juan. Sige, Anak. Makipag usap ka muna sa iyong mga kaibigan. Alam 'kong sabik ka ring makipag kuwentuhan sa kanila" 'Hehehe, maaaa. Hindi 'ko alam mga pangalan nila.' Pumunta sila sa isang sulok na may lamesang kahoy. Tatlong lalaki ang kaibigan ni Juaquin— ang original na Juaquin. "Pupuntahan 'ko lamang si donya Serosa sa loob, magpasaya ka muna kasama ang iyong mga kaibigan anak. Mamaya ay kailangan na nating umalis, magagalit ang iyong ama kapag nalaman niyang muli ka nanamang nakipag kita sa mga pinag-sasanay" 'Eh? Bawal bang makipagkita sa mga kaibigan mo sa sinaunang panahon? Weird ha' "Sige po... Ina" "Kamusta kana, Kaibigan? Huling balita namin sayo ay hiwalay na kayo ni Isabel" 'And.. who's Isabel?' 'May ex si Orihinal Juaquin?' "Ah- oo" ngumiti ng pilit si Juaquin. "Wala ka ata sa iyong sarili? Ika'y tahimik ngayon, ganiyan ba ang epekto ng paghihiwalay sa kasintahan?" napangisi ang isang lalaki na matangkad. "Ah, hindi ah.. ano lang.. ine-enjoy 'ko lang 'yung view. Ang ganda kasi lalo na nung mga bundok"  Nagtinginan ang tatlong lalaki. "Ah.. madalas bang magsalita ng ingles ang mga kasamahan mo sa Bicol?"  "O-oo, na- ano lang ako.. nahawa ganun" 'Gala pala itong si Juaquin the original? Galing na sa Nueva Ecija, galing pang Bicol? Tapos ngayon nasa Tondo? Angas ha' "Kung ganoon ay dapat mo kaming turuan nila Rosco tungkol diyan. Para may ibang lenguwahe kaming malaman" sabi ng lalaking may dimple. "Espanyol nga hindi 'ko ma-paghusayan, Ingles pa? Loko ka talaga Vincento." 'Okay nice, Itong may dimple na 'to si Vincento. Tapos itong medyo maliit pa sa kaniya ay si Rosco.. Sino itong tahimik lang na tawa ng tawa?'  "O'siya, nag umagahan kana ba?" tanong ng tinutukoy ni Juaquin na tahimik lang na tawa ng tawa. "Ah ako ba? Oo." "Ganun ba? Sayang naman at hinandaan ka namin ng pagkain." nakangiti nitong sabi.  "Ah weh?" tinignan nito ang pagkain at nakitang paboritong ulam niya ito. "HALA AFRITADA BA 'TO?!". Nagtataka silang tumingin kay Juaquin "O-oo, bakit?" tanong nung Vincento. "Paborito 'ko 'to! Tara kain tayo!" nagtataka man ay sumabay nalang sila. Hindi maiwasan ni Juaquin mapamangha sa mga plato noong sinaunang panahon. Wala kang makikitang plastic, lahat ay babasagin at kakaiba ang desenyo. "Kamusta ang iyong paglalakbay sa Bicol?" "Okay lang naman" sagot nito kay Rosco. "Dinig namin, kumakalat na ang iyong pangalan sa syudad ng maynila" napalaki ang mata ni Juaquin sa narinig habang hinihintay ang tahimik na lalaking naghahanda para sa kanila. "Ano?! B-bakit daw?" "Hindi rin namin alam, hindi mo rin ba alam? Ang kuwento ng ibang sundalo ay ipinakilala kana ng Senyor Presidente sa mga heneral at nakilala ka rin ng ibang sundalo. Hindi ba totoo 'yun?" tanong nung Rosco.  Nakaupo silang tatlo sa isang maliit na upuan.  "Ah.. ano.. kagabi lang 'yun.." 'Kagabi? Bilis ng balita ha' "Marami nang kuwento kuwento sa pangalawang anak ng Presidente ha, nasabi pang kalaban ka raw?" sabi naman ng Vincento. "A-ah.. napag kamalan kasi akong kalaban kagabi. Alam mo naman ang mga humans, judgemental" napangiti at tumango ng pilit ang mga kaibigan nito.  Hindi nila mailalarawan kung gaano sila nagtataka sa mga pananalita ng bagong Juaquin na nasa harap nila, ngunit dahil ilang buwan nila itong nakita ay inisip nalang nila na nagbago ito sa pananalita dala ng palipatlipat ng probinsya na pinupuntahan nito.  "Mukhang lalo tayong malalayo nito? Paniguradong dadagsa ang lalapit sayo." napa tawa ang lalaking hindi alam ni Juaquin ang pangalan. "H-ha? Hindi naman. Hindi naman, kaibigan parin tayo kahit ganon hehe.. till death do us part ika nga nila." 'Shet, famous ba si Juaquin the original?' Nagsimula na silang kumain ng apritadang manok. Kakaiba ang lasa nito pero napaka sarap, iba sa luto ng modern cooks. "Sino nagluto nito?" "Si Joven, nakalimutan mo na bang siya lang ang magaling magluto saatin?" 'Yown! Nalaman 'ko na pangalan ng tahimik na lalaki na 'yun. Ngayon kailangan 'ko malaman mga apilyedo nila' "A-ah oo nga, nakalimutan 'ko. Ang sarap." nag thumbs up pa ito. Tumawa nalang ang magkakaibigan. "Dito kana ba sa Maynila pang matagalan?" Tanong ni Vincento. "Ahm... H-hindi 'ko alam, bakit?" "Wala lang, dito na kasi kami mananatili ni Rosco dahil sasanayin na kami dito. At dito narin mag aaral si Joven ng abogasya"  'Si Vincento at Rosco magiging sundalo? tapos itong si Joven magiging lawyer? Si Juaquin the original magiging sundalo rin.' "T-talaga?" "Oo, sana lang ay dito kana rin dahil matagal na tayong hindi nagkikita." ngumiti lang si Juaquin. "Hindi 'ko kasi alam eh, pero malay mo medyo magtatagal pa kami dito? Pero habang nanidto pa ako, let's have fun. Sulitin natin" ngumiti ito. 'Baka magtaka sila na yubg kaibigan nila parang di sila kilala' Pagkatapos kumain ay nagkuwentuhan ang mga ito sa mga bagay na hindi maka relate si Juaquin. Naguguluhan man ito ay iniintindi niya ito dahil kakailanganin niya ang bawat impormasyon na malalaman niya. Baka maka tulong ito sa kaniya sa future, sabi niya. Napag alaman niyang Rosco Torres, Vincento Fransisco at Joven Garcia ang pangalan ng mga ito nang tawagin ito ng Kapitan. Tahimik lang si Juaquin na nakakapanibago sa mga kaibigan ng orihinal na Juaquin. Pero hindi ito nagsalita.  Ang kagagaling lamang sa palikuran na si Joven ay bumulong sa nga kaibigan. "Ang sabi ng sundalo sa labas, umatake na raw ang Amerikano sa Tayabas at Cavite." Nagulat si Vincento at Rosco roon, habang si Juaquin ay kinabahan. "Anong balita tungkol roon?" Tanong ni Vincento. Umupo si Joven. "Nagsimula na ang pag papa-putok nila kaya kakailanganin ng maraming sundalo doon." Tumingin sila kay Juaquin. "Hindi ba nasabi ito sayo na iyong ama?" Umiling si Juaquin. "H-hindi 'ko alam, ang sabi lang kanina ni Ina ay may pinag uusapan ang Presidente at kasapi nito" "Baka iyon ang pinaguusapan nila" tumango ang mga ito sa sinabi ni Rosco. "Palagay 'ko, mas lalong paghihigpitan ang pagsasanay ng mga sundalo dahil kailangan ng mas maraming sundalo ngayon" sabi ni Joven. "Siyang tunay, ikaw ba Juaquin? Kailan kana magsasanay?" Tanong ni Rosco. Napatahimik si Juaquin at hindi alam ang sasabihin. Hindi niya alam ang kuwento ng orihinal na Juaquin, hindi nito batid kung naging sundalo ba ito o kailan ba ito naging sundalo. Pero iniisip nitong dahil nasa posisyon siya ng orihinal na Juaquin ay kakailanganin niya maging sundalo. At alam niya sa sariling hindi niya kakayanin at gusto ito. Hindi niya minsang inisip maging sundalo, dahil putok lang ng b***l ay natataranta na siya. At sa mga pinapanood niyang nagsasanay ngayon ay alam niya nang hindi niya kaya. Hindi niya gugustuhing mamatay. Sa isip niya ay masiyado siyang duwag para humarap sa laban. Kaya kailangan niya na matapos agad ang misyon niya para makaalis na kaagad siya dito. Nataranta si Juaquin nang nakita niyang nagkakagulo ang mga sundalo. Napatayo silang apat at tinignan ang nangyayari sa labas. Nakita nila si Kapitan Soleho na sinasabunutan palabas ng isang sundalo na palagay nila ay isang nakakataas. Nakita nito ang iba pang Heneral na dumalo kagabi sa kanilang tahanan. "Nakakaintindi ka naman ng Espanyol o Tagalog hindi ba?" Galit na sabi ng lalaking may bigote. "Pasensya na—" "Eh putangina mo! Bakit hindi ka tumugon sa aking mga sulat? Ang iyong kapwa ay pinapaslang na ng walang awa at ikaw ay narito! Nag papakasarap!" Hindi alam ni Juaquin ang mararamdaman niya, naawa siya sa kapitan ngunit hindi nito alam ang nangyayari. "Kami'y may panauhin at mga sundalong isinasanay, marami pong hanay ang pwede mong hingan ng tulong. Bakit saamin pang mahina pa-" tinulak ng lalaki si Kapitan Soleho. "Ako ay isang Heneral,  ikaw ay isang kapitan lamang. Anong karapatan mong kuwestiyonin ang aking salita?" taas kilay na sabi ng lalaking isa palang Heneral. Nakatitig lamang doon si Juaquin at kinakabahan sa mga nangyayari. Hindi niya alam ang gagawin, naawa siya sa kapitan na naluluha sa hindi malamang dahilan.  'Bakit ganito ang mga tao noon?' "Bakit umiiyak si Kapitan Soleho?" tanong ni Juaquin kay Rosco. "Dahil alam nitong galit si Heneral Jacinto at baka tagalin ito sa posisyon." "T-tanggalin agad? B-bakit naman ganun?" muli itong napatingin sa galit na Heneral. "Really? Just because he didn't response?" ngumisi ito. "Grabeng sundalo" "P-patawarin mo'ko Heneral,  hindi 'ko talaga ibig na ikaw ay suwayin. Sadiyang maraming-" "Gasgas na ang bawat palusot na iyong sasabihin, nakakatawang isipin. Kaka-angat lang saiyo ng teniente, iba-baba naman kita" sabi nito na ikinagulat ni Juaquin. "Seryoso talaga siya? tatanggalin niya talaga si Kapitan ng ganun ganun?" "Seryosong usapan kasi ang laban, Juaquin." Bumuntong hininga si Juaquin. "Ganito pala kadali mawalan ng posisyon noong sinaunang panahon" bulong nito. Naglakad si Juaquin papunta sa Kapitan nang itulak sa lupa ng Heneral si Kapitan Soleho. "Sino ang lalaking to?" tumawa ito na hindi makapaniwala sa nakikita. "Sino ka ha?" hindi ito pinansin ni Juaquin at pinunasan si Kapitan Soleho.  "Bitawan mo ang kapitan na iyan na ngayon ay tinatanggal 'ko na-" "Hinid po ba napaka bilis naman ninyong magtanggal ng posisyon sa isang tao?" tanong nito. "Ano ang iyong sinasabi?" "Hindi na ba po ito madadaan sa usapan-" "Anong alam mo sa patakaran naming mga sundalo?" tanong ng Heneral. Naiinis si Juaquin sa mukha nito. "W-wala." "Ngayon, wala ka rin karapatan tanongin ang aking desisyon." sabi nito. "Wala ka ring karapatan pagsalitaan ng ganiyan ang ginoong kaharap mo ngayon, Jacinto" napatingin ang lahat sa dumating na lalaki.  Naglakad ito papalapit habang ang kamay ay nasa likod, tsaka nito tinulungan tumayo ang matanda tsaka si Juaquin na nahihiya pang hawakan ang kamay nito. "Anong ginagawa mo dito?" "Hindi ba ako dapat ang nagtatanong niyan dito?" sagot ng Heneral Fuentes. "Narito ako dahil sa makitid na utak ng Kapitan na iyan." "Pakinggan mo ang bawat salitang iyong sinasambit, hindi nakakatuwa sa pandinig" sabi ni Heneral Fuentes. "Kailan pa nakakatuwa sa pandinig ang katotohanan? Nagsasabi lang ako ng totoo-" "Ang totoo at pang-iinsulto ay magkaiba, hindi ka-kitidan ng utak ang pag asikaso ng mga gawaing ini-atas sa iyo" sabi nito na hindi manlang nagpapakita ng kahit anong emosyon. "Kinailangan 'ko ng sundalo, Luthero. Muntik 'ko nang maisuko ang Cavite dahil sa kapitan na iyan-" "Bakit mo isusuko ang Cavite? Bakit hindi ka nalang nagpakamatay?" Biro ni Fuentes at pilit tumawa na hindi ikanatuwa ni Jacinto. Sandali lang ay sumeryoso muli ang mukha ni Fuentes. "Wala kang karapatan sabihin iyan saakin, ako'y isang-" "Huwag mo sanang kalimutang magkapantay na tayo ngayon, Jacinto. Kung kaya mo akong laitin, kaya narin kitang laitin pabalik" humakbang pa-atras ang Heneral Luthero para harapin si Juaquin. "Mananatili kang Kapitan-" "Huwag kang mange-alam, Fuentes!" "Nasa hukbo 'ko si Kapitan Soleho, kaya huwag mo siyang pake alaman" sabi nito at paalis na ngunit handa na siyang suntukin ni Jacinto nang mapunta ang kamao nito kay Juaquin.  "Juaquin!!!" Dali daling lumapit si Juan at mga kaibigan nito sa kaniya. Kakalabas lang naman ni Donya Felicidad at nagulat sa nangyari. Si Heneral Fuentes naman ay sinamaan ng tingin si Jacinto. Nagulat naman si Jacinto nang makitang ang daming nag aalala sa lalaking kaniyang sinuntok kasama na roon ang asawa ng Presidente.  "Mag-uusap tayo" sabi ni Heneral Fuentes pagkadating ng mga kabayo sakay ang iba pang nakaka-taas. UMIINIT ANG USAPAN sa pagitan ni Heneral Imergio Jacinto at Teniente Persio Vergara kasama ang mga kasapi ng gobyerno. Nasa gitna ang Presidente.  "Hindi niyo alam ang sinapit ng Cavite para pagsalitaan akong huwag magalit!" sabi ni Jacinto. "Natalo si Heneral Cabanao sa laban niya sa Tayabas, hindi naman siya nagalit at nag tanggal ng ranggo sa mga hiningan niya ng tulong. Ano mo dedepensahan ang iyong sarili?" tanong ni Teniente Vergara. "Ako'y nadala lamang ng aking pagkalumbay sa nangyari. Makita ang iyong mga sundalong unti-unting nawawalan ng hininga habang ang Kapitan na iyon ay nagpapaka sarap ay nangagalit ng aking damdamin" sabi nito.  "Bakit nga ba si Kapitan Soleho ang hiningan mo ng tulong. Hindi ang malalakas na hukbo ni Heneral Fuentes? Sinasanay pa lamang ang mga sundalo ni Kapitan." Sabi ni Major Libreto Bautista. "Anong gusto mo? Mamatay ng maaga ang mga bata?" "Dahil siya ang pinaka malapit-" "Dahil siya ang pinaka malapit o dahil siya ang pinaka mahina at gusto mong tanggalan ng posisyon?" deretsong sabi ni Heneral Fuentes. Tumawa naman si Heneral Jacinto. " Ikaw ba'y nagpapatawa? Anong dahilan 'ko para gawin iyon?" "Hindi 'ko alam, itanong mo sa iyong nobya" sagot ni Heneral Fuentes. Tumahimik ang lahat. "Pakinggan niyo ako, hindi 'ko magagawa iyon." Sabi ni Jacinto. "Hindi mo magagawa ngunit ginawa mo na nga" umirap at bumuntong hininga si Colonel Romero Vargas.   Sinamaan siya ng tingin ni Heneral Jacinto. "Ipagpaumanhin mo, Heneral ngunit hindi puwedeng tanggalan ng posisyon bilang Kapitan si Eduardo Soleho." sabi ng President. Tumango si Jacinto. "Sana'y hindi na maulit ang ganito, maging propesyonal ka Heneral. Hindi maganda ang pag uugali na ipinamalas mo kanina. Nasaktan mo pa si Senyor Juaquin" sabi ng isang negosyanteng colonel. "Hindi 'ko nagustuhan iyon, Heneral Jacinto. Sa susunod na mangyayari ito ay hindi na kita mapapatawad, sinaktan mo ang pinakamamahal 'kong hijo" tumango si Jacinto. "Pasensya na ho, hindi 'ko alam na anak mo po pala iyon" "Sana'y maging tanda ito sa ating lahat, nagkakagulo na ang lahat. Huwag naman sana kayong maki sabay sa mga nangyayari" sabi ng tagapagsalita na si Mauricio Santiago. "Ikaw rin, Heneral Fuentes." Nagtatakang itinaas ni Luthero ang kaniyang kilay. "Wala akong ginagawa." "Biniro mo kanina si Jacinto kaya lalo siyang nagalit." "Kahit naman hindi binibiro ang lalaking 'yan, nagagalit parin." sabi nito. "Hindi naman ako magagalit kung hindi ka nangengealam. At hindi ako lalong magagalit kung hindi mo sinabing magpakamatay ako." "Bakit? Takot kana ba sa kamatayan?" muling pang aasar ni Luthero Fuentes. "Kailan ako natakot sa kamatayan?" "Hindi 'ko alam, Heneral. Baka noong nakikipag laban ka kagabi at muntik mo na isuko ang Cavite." walang emosyon na sabi nito na lalong ikina-inis ni Jacinto. "Sumosobra kana-" tatayo na sana si Jacinto nang pigilan siya ng katabi nitong Negosyante. Habang si Fuentes ay nakatingin lang dito. Si Vergara at Vargas naman ay pinipigilang tumawa. "Detener!! Ustedes dos!" Stop! Both of you! sigaw ng Presidente. "Hindi 'ko naiibigan ang pinapakita ninyong dalawa." Dahil sa dami ng nanonood sa kanila ay nag-ayos nalang din ang dalawa na labag sa kalooban lalo na kay Jacinto. Hindi na gustong manatili doon ni Heneral Fuentes kaya agad na siyang lumabas. "Kung ako 'yun, pinutukan 'ko na ng b***l sa ulo ang Heneral na 'yun" bulong ni Colonel Vargas. "Heneral, pano mo nasisikmuraan tignan ang pagmumukha ng Jacinto na 'yun? Tangina napaka yabang at ang daming salita. Linilinis ang sarili"  "Sanay na akong makakita ng mga ahas"  nagtinginan si Vargas at Vergara.  Naglakad silang tatlo palabas ng campo at napatigil si Luthero nang makita ang lugar ng mga medico. "Iwan niyo muna ako" nagtinginan si Persio at Romero sa sinabi ng Heneral. "Narinig niyo ba ako?"   "Ah- tara na Vergara." Agad na iniwan ng magkaibigan si Heneral Fuentes. Agad na pumasok ang binata sa loob at sinalubong ng pag galang ng mga tao sa loob nito. "Magandang hapon, Heneral. Ano pong maipag-lilingkod namin sa iyo?" tanong ng mediko. "Wala, may.. titignan lang ako." "Sige po." Naglakad na si Fuentes at tila'y may hinahanap. Maliit lang ang lugar ng mga mediko kaya nang halughugin niya ito ay wala siyang nakitang lalaking pinangalanang 'Juaquin' "Quizás el puñetazo de Jacinto no fue tan doloroso"Maybe Jacinto's punch wasn't that painful Bulong nito sa sarili bago ngumisi. "Agh! What the freaking hell fvck!" rinig nitong sigaw mula sa bintana. Pamilyar sa kaniya ang boses kaya tinignan niya ito. Mataas ang lugar ng mediko kaya kung tatalon ka ay masasaktan ka talaga. Idagdag mo pang lupa at d**o ang babagsakan mo. Sino tatalon sa bintana?edi is Juaquin. Napakunot nalang ang noo ni Luthero sa nakitang binata na hawak ang siko. "Aray punyemas naman. Diwata, sunduin mo na kasi ako please! Nasuntok na nga nahulog pa."  Napangisi ang Heneral sa nakita. "Diwata?" "AY KALABAW!" Napa atras si Juaquin sa gulad nang magsalita ang Heneral. "A-anong ginagawa mo diyan?" "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan?" sabi ng Heneral habang nakataas ang kilay ngunit seryoso parin. Sumingkit ang mata ni Juaquin. "I ask first, so ayou should answer me."dinilaan ni Luthero ang kaniyang labi. "Tss, I asked but the answer was also a question" sabi nito. "Ano?" "Ang guwapo mo, yun 'yon" napatigil si Juaquin sa sinabi at napa kamot sa ulo. "Alam 'ko." ngumiti ang Heneral na nagpa-akward kay Juaquin. "Anong alam mo?" "Alam 'kong guwapo ako." itinaas din ni Juaquin ang kilay niya. Hinawakan nito ang baba niya. "A...ko" "Ikaw?" "Ako ang guwap-" "Juaquin?!" yumuko si Juaquin at kinagat ang labi. "Heneral Fuentes? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Donya Felicidad. "Ahh.." tumingin ito kay Juaquin at nakitang umiling ito.  "Nagpapasyal lang po, Senyora. Tinitignan ang mga sugatang sundalo, kayo ho?" halata namang nandito siya para sa anak nito ngunit tinanong parin niya. "Si Juaquin, dinala 'ko siya dito dahil nagkapasa ang labi niya sa suntok ng Heneral Jacinto na iyon. Ngunit nawawala ang bata na 'yun, tsk tsk." Natawa si Heneral Fuentes. "Ah, baka nandiyan lang po." "Hay nako, pasaway talaga." "Pasensya na po, kung hindi dahil saakin ay hindi masusuntok ni Jacinto si Senyor Juaquin." umiling si Donya Felicidad. "Ano ka ba, Heneral. Hindi mo kasalanan." ngumiti ang Senyora kay Luthero.  Tumango lang ang Heneral "O'siya, kapag nakita mo ang batang iyon ay tawagin mo ako ha? Pupuntahan 'ko lang sa kabila baka naroon" ngumiti si Heneral Fuentes. "Sige po." Nang umalis na si Donya Felicidad ay napatingin siya kay Juaquin na mukhang guilty. Kagat parin nito ang labi niya. "Bakit ka nagtatago sa iyong Ina?" tanong nito. Umiling si Juaquin. "Hindi naman ako nagtatago" "Hindi nga ba? Kasalanan ang pagsisinungaling.. Senyor" kumunot ang noo ni Juaquin. "Nagsinungaling ka rin naman kanina ah!" "Dahil kinakailangan" "Oh edi kinakailangan 'ko rin" tumawa ng hindi makapaniwala si Luthero. "Bumalik ka na dito, huwag mong pagalalahanin ang iyong Ina" "Tignan mo 'to. Ang sakit, tapos kung ano ano linalagay nila dito. Ang hapdi kaya. Kaya ayoko"  sabi ni Juaquin.  Ibinakita ni Heneral Fuentes ang kaniyang kamay. "Tignan mo 'to. Ang sakit, hindi naman ako tumakas sa pagamutan. Ang liit lang ng iyong sugat" turo nito sa sugat niya na nahiwa ng kutsilyo. Lumakit ang mata ni Juaquin. "A-anong nangyari diyan?"  Napatigil si Luthero at itinago ang kamay. "Donya Felicidad!" tawag nito sa Ina ni Juaquin. "Si Juaquin ho ay nandito" "W-what?! NO! W-wag!" Huli na dahil narinig na ni Donya Felicidad ang tawag ni Heneral Fuentes at pumuna kaagad doon. "Ah- grrr"  Tumalikod si Heneral Fuentes para hindi makita ang pagtawa nito sa mukha ni Juaquin. "Nasaan siya Heneral?" tanong ni Donya Felicidad nang siya'y dumating. "Narito ho" turo niya sa bintana. "Juaquin?Qué estás haciendo ahí? ven aquí!" What are you doing there? Come here! "E-eh?" TAHIMIK lang na kumakain si Juaquin kasama ang pamilya ng orihinal na Juaquin. "Mi'hijo, nakatitiyak ka bang ayos ka lang?" tanong ng Presidente. "A-ayos lang po talaga, salamat" Napakunot si Juaquin sa sarili niya kung bakit siya nagsabi ng salamat. "Huwag kanang mag alala, napag sabihan 'ko na ang Heneral Jacinto tungkol doon." "Mahal, hindi 'ko naibigan ang pakikitungo ni Heneral Jacinto kanina sa mga sundalo. Bakit siya ganoon?" tanong ng Donya Felicidad.  "Ayon sa kaniya ay masiyado lang sang nagdalamhati sa pagkamatay ng kaniyang mga sundalo. Huwag niyo nang isipin 'yun, mabait ang Heneral na iyon." sagot ng Heneral. "Heneral Fuentes sigue siendo mejor que él" sabi ni Juan. Hindi ito naintindihan ni Juaquin ngunit narinig niya ang pangalan ng Heneral. Ngayon.. gusto niyang alamin kung ano ibig sabihin nito. "Juan.." saway ng Presidente. "Es solo que General Fuentes es muy diferente a él."  "Magkapareho lang sila, ano ang iyong sinasabi?" tanong ni Donya Felicidad. "Nada"  Si Juaquin naman na naguguluhan dahil hindi nito maintindihan ang sinasabi ng kapatid ng orihinal na Juaquin. Iniba na ng pamilya ang usapan. Si Juaquin ay nananatiling tahimik dahil hindi naman nito alam ang sasabihin niya.  Puro tungkol sa Pilipinas lamang ang pinag uusapan nila at ibang bagay na hindi makaka-relate si Juaquin. "Anak, bakit tila tahimik ka? Hindi moba nagustuhan ang pagkain?" tanong ni Donya Felicidad. "Ah- eh.. m-masarap naman po" ngumiti ito ng pilit. "Sigurado ka?" "Opo" "Ano ang iyong plano bukas, Juaquin?" napatingin si Juaquin sa kaniyang Ina't kapatid dahil sa pagtataka. "P-po?" "Nakaligtaan mo na ba?" tanong ni Juan. "Ah.. m-magulo po ang utak 'ko nitong nakaraang araw, ano po ulit ang meron bukas?" Hindi makapaniwala ang kaniyang Ama. "Pista ng San Isidro bukas, nakalimutan mo?" "Ahh.. opo, opo" 'Anong ginagawa tuwing pista ng San Isidro? Aghhh hindi 'ko alam. Hindi 'ko pa nga narinig 'yun eh' "Anong gagawin ninyong magkapatid bukas?" tanong ng Presidente. " "Hindi 'ko po alam kay Juaquin" "Hindi 'ko po alam kay Kuya Juan" nagtinginan ang magkapatid. Si Juan ay parang may sinasabi pero hindi ito maintindihan ni Juaquin. "A-ahh.. siguro po ay mamaya na namin pag-uusapan ni Juaquin" tumango si Donya Felicidad at Presidente at pinagpatuloy ang pagkain. Hanggang sa matapos sila ay tahimik parin ang magkapatid. Aakyat na sana si Juaquin para matulog na nang tawagin siya ng Presidente  "Juaquin?" napatingin si Juaquin sa ama ng Juaquin Hernandez. "P-po?" Inilahad nito ang kamay nito kay Juaquin kaya walang nagawa si Juaquin kung hindi ay lumapit. Nagulat nalang ito nang yinakap ito ng kaniyang Ama at hinalikan sa noo. Ganoon din ang ginawa into kay Juan. Lumapit rin si Donya Felicidad at hinalikan ang mga anak. "Matulog na kayo ha? Maaga kayong aalis bukas" Ngumiti si Juan kaya ngumiti rin si Juaquin. "Opo." "Sige na, umakyat na kayo"  Sabay umakyat si Juaquin at Juan. Hindi parin maalis sa isipan ni Juaquin ang ginawa ng magulang ni Juaquin Hernandez sa kaniya. Hindi niya pa ito naranasan, malambing ang kaniyang totoong ina ngunit dahil nga puro si Allyssa ang gusto ni Juaquin ay hindi nito naranasan magoalambing dito. Isa pa ay ayaw nito, nahihiya ito sa Ina noon. Kaya kakaiba ngayon lalo pa na pati Ama nito ay yinakap siya. Ngayon, bigla siyang nakaramdam ng pinaghalong saya at lungkot.  Saya na may pamilya siya at buo ito. Hindi kagaya noon, masaya ito sa tatlo niyang kapatid pero wala silang kinilalang Ama at namatay na ang kanilang Ina. Lungkot dahil sa pagkainggit sa buhay ni Juaquin Hernandez.  Ngunit na ngayon ay siya na si Juaquin Hernandez ay wala na siyang dapat ika-inggit. Hindi niya gustong manatili dito, at ayaw niyang samantalahing nasa posisyon siya ng binatang si Juaquin Hernandez.  Ngunit sa nakikita niyang pagiging mapagmahal ng pamilya sa isa't isa, parang gusto niya nang manatili dito. Ngunit hindi maari, kailangan niya na umalis at bumalik sa panahon niya. Hindi niya gusto ang digmaan, hindi niya gusto ang paghihirap.. kailangan niya na bumalik para sa mga kapatid niya. Nang papunta na siya sa kuwarto niya ay tinawag ito ng kaniyang kapatid-kapatidan "Pst" Pagkalingon nito ay hinampas nito ang braso nito. "Ouch" agad naman kumunot ang kaniyang noo. "Dating gawi" "H-ha? Anong dating gawi?" "Anong "anong dating gawi?" Dating gawi, kailangan hindi malaman nila Ama't Ina na wala ako sa pista" ang sabi nito. "Ha? Bakit anong gagawin mo?" "Alam mo, dahil diyan sa iyong pamba-babae ay naaapektuhan ang memorya mo. Kailangan naming magkita ni Isabel bukas at panandalian kaming aalis. Kailangan hindi malaman iyon ng ating mga magulang, naiintindihan mo?" gulong g**o si Juauqin. "Ha-bakit?" "Anong bakit? Alam mo na iyon. Walang dapat makalam no'n, kaya ikaw na bahala bukas ha?" delikado ito, hindi alam ni Juaquin ang mga mangyayari bukas.. hindi niya pa kasama ang kapatid. "Ha? Paano naman ako bukas?" "Kaya mo na iyan, kinaya mo naman ito sa mga nadgaang pista. Kung gusto mo magpasama ka nalang kay Ortega" 'Feeling 'ko may connection si Ortega na 'yun at Juaquin the original, nakakahiya kung meron nga tapos hindi 'ko alam. Mawe-weirduhan siya na parang hindi 'ko siya kilala. Hindi 'ko kakayanin' "A-ah ayoko.." sinamaan siya ng tingin ni Juan. "Juaquin.. minsan lang ito, ayaw mo ba maging masaya ang kuya?" ngumiti si Juan. Hindi naman maiwasan makaramdaman ni Juaquin ng kakaiba. 'D-deja vu?' "Juaquin naman, pleaaaase! Sige na! Ayaw mo ba maging masaya ang kuya mong guwapo?" Bigla nanginig si Juaquin. "K-kuya Julius..." "Ha? Sinong Julius?" tanong ni Juan. Bumalik si Juaquin sa realidad. "Ah w-wala" "Basta ha?  Bukas.. aasahan 'ko yan" ngumiti si Juan at tinapik ang braso ng kapatid tsaka naglakad palayo habang ang kamay ay nasa bulsa.  Habang hindi mapakali si Juaquin ay lumingon ulit si Juan dito at sinabing "Bukas ha" at nakaramdam nanaman si Juaquin ng kakaiba. Naalala niya ang kaniyang panganay na kapatid kay Juan.  A kind of nostalgic. "K-kuya" Agad itong pumasok sa kuwarto nito at isinara ang pinto. Sa oras na napasandal ito sa pinto ay tumulo na ang luha nito. Nakikita nito ang mukha ni Julius sa kaniyang isipan. Nami-miss niya na ang kaniyang kapatid. "K-kuya.."  Nakita ni Juaquin ang matandang babae sa salamin katabi ng kaniyang kama. Wala ito sa kuwarto, tanging sa repleksyon lang ng salamin. "Nakakamiss hindi ba?" lalong napaluha si Juaquin sa sinabi ng matandang babae. "A-ayoko na dito, Lola.. gusto 'ko na makita ang mga kapatid 'ko.."  Ngumiti lamang ang matandang babae dito... at alam niya na ang sagot. Kahit anong sabihin niya, hindi niya na makukumbinsi ang matandang babae ibalik siya sa panahon niya. Dahil naka-hiling na ito, at kailangan niya ito harapin. Wala na talaga siyang magagawa. DISCLAIMER!! None of this story is real,  it's just a work of the writter's imagination. There is no connection between what is written in this book and what happened in real life and during 1899/Filipino-American's war. If there's something connected to real life those are just small things from my research. (Even the fiesta's/occasions)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD