Sa halu-halong emosyong nararamdaman ay hindi na muna ako umuwi sa amin. Ewan ko, ayaw ko pa silang makita at baka magsumbatan na naman kami ni Dad. Hanggang ngayon kasi ay mabigat pa rin ang loob ko sa kaniya. Siya sana itong mas nakakaintindi sa sarili niyang anak but it turns out the other way. Nakakalungkot lang. He's like a manipulative psycho, na kapag sinuway siya sa kagustuhan ay kung anu-ano ang sinasabi na wala namang katotohanan. It really hurts knowing they don't even care about my feelings. Pati si Mommy na pilit kinakampihan ang kamalian ni Dad. I don't know, maybe that's her definition of her true love towards Daddy— parang nakakasuka. Mabuti pala at hindi ko namana kay Mommy ang pagiging martyr. Mapait akong napangiti habang tinatahak ang daan sa makipot na eskinitang i

