Ilang araw akong nakahiga lang at halos hindi ko man lang magalaw ang katawan ko. Inaalagaan lang ako ni Ezro at tinutulungan sa pagkain ni Lora. Habang sina Garran at Alec ay inaayos ang mga kailangan para sa organisasyon. Simula nang matanggap ko ang pribadong liham ay magkaka sunod sunod pang liham ang dumating. Bagamat nagpapadala na ng mga liham si Garran ay mukhang nagmamadali si Goro sa pakikipag kita sa akin. Mabuti nalang at mabisa ang mga halamang gamot ni Ezro. Nabawasan na rin ang mga gawain niya dahil sa tulong ni Lora. Lahat ginagawa nila para sa templo at para sa akin na rin. May mga pagkakataon na bumabalik sa isip ko ang mga nagawa pero sa tuwing mapapansin nila ay agad nilang palalakasin ang loob. Utang ko ang buhay ko sa kanila. Sa mga ipinapakita nila, lalong lumakas

