Maganda na ang kondisyon ng katawan ko. Liban sa pag aasikasyo ni Archer sa akin para lumakas uli ang mga paa ko ay sinanay ko rin ang sarili ko na huwag masyadong umasa sa tulong ng iba. Simula nang umalis si Archer kasama sina Garran, Lora, at Alec ay ipinagpatuloy ko ang pagsasanay sa mga paa at kamay ko na rin para tuluyan na akong gumaling. Malaking tulong sa akin na kasama ko si Ivon sa templo dahil siya ang nag aalaga kay Aryana. Hindi pa ganoon kalawak ang kayang kong gawing pag aalaga sa anak ko. Nakakatuwa at nakakalungkot din dahil ang laki na ng anak ko. Pakiramdam ko napakarami kong nalagpasan sa buhay niya. Bilang isang ina ay nalulungkot ako na sa mga panahong lumipas ay wala akong alaala sa paglaki ng anak ko. Pero laking pasasalamat ko na nagising ako. Naikwento na sa

