Ang milagrong namayani sa paghinga at paggalaw ni Aviana na nagpako sa akin sa kinatatayuan ko. Ang bigat ng paligid na kaninang bumalot sa silid na iyon ay para bang lumipad at nawala nalang ng parang bula. Hindi ko man makita ang mga kasama ko alam kong pare-pareho kami ng nararamdaman. Ang lungkot at bigat ng mga damdamin ay naglaho nang makita naming nagmulat ng mata si Aviana. "A-Archer." Gusto ko mang magsalita at makahakbang ang nanguna sa akin ang damdamin ko. Bumuhos ang mga luha ko. Luha ng kaligayahan. Itinaas ni Aryana ang kanyang mga kamay na para bang tinatawag ako na lumapit sa kanila. Bahagya akong itinulak ni Lora dahilan upang maihakbang ko ang mga paa ko. Tumakbo ako papasok ng silid at niyakap ko ang mag ina ko. Lumuluha maging ang mga mata ni Aviana. Hindi nagtag

