Natitig ako kay Aviana habang nakahiga kami sa kama. Walang naging mga pagbabago nito mga nakaraang buwan. Nanatili ang may kahinaang t***k ng puso niya. Hindi na rin nagbago ang kulay niya na may pagka putla pa rin. Tumingin ako sa kalendaryong nakasabit sa dingding. Araw araw kong minamarkahan sa oras na sumikat ang araw. Halos maubos ko na ang labing dalawang buwan. Ilang beses na akong binalaan ni Alec tungkol sa ginagawa ko. Maging ako ay hindi sigurado kung hanggang kailan ko gagawin iyon. Wala namang kaso sa akin iyon. Kahit hanggang kamatayan pa ay gagawin ko, manatiling buhay lang si Aviana. Marahan akong lumingon nang bumukas ang pinto. Dala ni Ezro ang pagkain ko na siya mismo ang nagluluto. Palaging kumpletong ang nutrisyon para mas lumakas ako. Alam kong nag aalala rin siya

