Chapter 4
Candice’s POV
“Anong ginagawa mo dito?” hindi parin talaga ako sanay. Hindi parin ako sanay na bigla-bigla nalang sumusulpot itong si Luhan sa paligid ko. Parang hihimatayin parin ako, sa tuwing bigla-bigla nalang siyang andyan sa tabi nang walang paalam. At magsasalita na para bang isang multong ewan.
“Alam mo? Magkakaroon ako ng sakit sa puso sa iyo!” sabi ko pa sa kanya, saka ko inayos yung paghinga ko habang hawak-hawak ko pa yung dibdib ko, dahil bumibilis yung t***k nito.
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa langit. Nasa veranda kasi kami ng Academia ng oras na iyon. Gabi na at kakatapos lang namin maghapunan. Ito yung kauna-unahan kong kaarawan na hindi ako umiyak. Oo. Promise! Kasi sobrang masaya ako. Umaapaw yung kaligayahan sa puso ko. Yung para bang nakalaya ka na? nakalaya na talaga ako. Malayang-malaya. Ipinikit ni Luhan ang kanyang mga mata. Saka ito nagsalita sa hangin.
“Pumikit ka!” utos pa nito sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabe niya. Bakit ko kelangang pumikit. Baka mamaay may gawin siyang masama sa akin. Wala pa naman akong powers. Hays!
“Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Basta!” utos pa nito na parang boss. Ay! Boss ko nga pala talaga siya. Dahan-dahan kong ipinkit ang mga mata saka ko sinabe sa kanya na nagawa ko na yung inutos niya sa akin.
“Now think of someone you want to talk to.” Kaagad kong naidilat ang mga mata ko sa gulat ng mga sinabe niya. At tumingin sa kanya. Napapaluha na ako. Alam niya talaga ang iniisip ko.
“Sinabe ko bang dumilat ka na?” iritable niyang sabi. Muli ko ulit ipinikit ang aking mga mata.
“Think of the place you want to go through and the person you want to talk to.” Kaagad na pumasok sa isip ko yung paborito kong kwarto. Noong 10 years old pa ako. It was a memorable day for me dahil, pinarenovate ni Daddy yung kwarto ko. Ay mali. Siya pala mismo ang nagrenovate at nag-ayos ng kwarto ko. May importante siyang meeting sa Cebu nang araw na iyon at sobrang lungkot ko kasi nga hindi ko siya makakasama sa pinaka-importanteng araw ng buhay ko. Then noong umuwi ako galing sa school. At pumasok sa kwarto ko? Halos lumuwa yung mata ko sa mga bagay na nakikita ko. Lahat kulay Pink. Ayaw na ayaw kasi ni Daddy ang kulay Pink. Masyadong masakit daw sa mata. Pero, siya pa pala yung gumawa nito. Sinurpresa niya ako sa isang malaking Cake na kulay pink din. Nakalagay sa itaas ang mukha ko, na masayang nakangiti. Halos hindi ako makapaniwala na na kasama ko ang Daddy ko ng araw na iyon. Sobrang saya ko noon.
Inisip ko iyon. Inisip ko yung bahay namin. Gaya ng dati, papasok ako sa kwarto ko na walang kabuhay-buhay. Hawak-hawak ko na yung doorknob ng pintuan ng kwarto ko. Nilakihan ko na yung pagbukas nito at saka tumulo ang luha ko sa nakita ko.
“Daddy?” gulat kong sabi sa isang matangkad na lalake sa aking harapan. Kaagad akong napatakbo sa saya sa nakikita ko. Gaya ng dati noong 10 years old ako. May hawak-hawak din si Daddy na isang malaking Cake na kulay pink parin. May mukha ko parin doon, pero medyo mature na yung mukha ko doon. At masaya din akong nakangiti sa litratong iyon.
“Happy birthday my Princess!” sabay halik ni Daddy Yuan sa aking noo. Habang ako, mahigpit ko siyang niyakap na para bang ayaw ko na siyang mawala pa sa aking piling ng oras na iyon.
“Oh? Bakit ka umiiyak?” tanong pa nito sa akin.
“Umiiyak po ako dahil kasama ko na po ulit kayo. Miss na miss ko na po kayo Daddy. Hindi niyo lang alam kung anong masasamang mga bagay ang ginagawa nila sa akin. Pinahihirapan nila ako. Halos hindi po nila ako pinapakain, tapos sinasaktan pa po nila ako, at sinisiraan pa po nila yung pangalan niyo. At gusto pa po nila kayong nakawan Daddy.” Para akong bumalik sa pagkabata ng minutong iyon. Yung bang nagsusumbong ako sa Tatay ko, sa mga nangyari ng araw na iyon. Oo parang kanina lang ang lahat ng mga nangyari. Pero sa totoo lang. halos anim na taon na akong naghihirap sa piling ng mga kamag-anak kong anak ata ni Satanas sa sama ng mga ugali.
“Tahan na okay?” then he kiss me in my forehead again. By this time, he tightly hugged me. Saying this lines to me.
Ngumiti ka. Dahil doon mo lang makikita na masaya ka. Kahit na hindi totoo.
Maging masaya ka. Sa mga taong nasa paligid mo. Dahil doon mo lang maipaparamdam sa kanila na importante sila sa iyo.
Magmahal ka. Sa isang taong karapat-dapat mahalin.
Matalinghagang sabi ni Daddy at unti-unti na siyang nawala sa aking piling.
At muli si Luhan na muli ang nakita ko noong idinilat ko na ang aking mga mata.
“Okay ka na ba?” tanong nito sa akin. Habang hinawakan ako nito sa aking balikat. At ngumiti. First time ko siyang nakitang ngumiti. Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti siya. Sana lagi nalang siyang nakangiti, pero parang imposible. Mainit pa sa kape sa umaga ang ulo nito. Daig pa ang babaeng may period.
“Okay na. thanks ah? Maraming, maraming salamat sa ginawa mo. Hindi mo lang alam kung gaaano ako kasaya ngayon. Nag-uumapaw yung kaligayahan ko sa ginawa mo. Thank you so much.” Yayakapin ko na sana siya pero ginamitan niya ako ng kapangyarihan niya. Pinahinto niya ako at nagmukha akong tanga sa harapan niya. Ngumisi itong umalis sa harapan ko, habang nakafreeze parin ako at mukhang palakang ewan.
3… 2… 1 Ching!
Blag!
Naghulog ako. Buwisit talaga.
☼ ☼ ☼
Kinabukasan.
“Anong gagawin ko?” tanong ko kay Dashniel. Kinakabahan ako, dahil pinapatawag na naman ako ni Luhan sa office nito. Kaya kahit na halos lumabas na yung kaba sa dibdib ko ay naglakas loob parin akong lumapit sa office niyang iyon. Kumatok muna ako, at automatic na bumukas ang pintuan. At automatic din itong nagsara. Tamad talagang tumayo para pagbuksan ako ng pintuan? Tsk!
“Anong…kelangan…mo….” Nanginginig kong boses habang kinakausap ko siya. Nakatalikod siya sa upuan niya at nakatingin sa may labas.
“Bilisan mo magbihis. May pupuntahan tayo!” utos pa nito sa akin.
“Saan?”
“Wag ka nang masyadong matanong. Tumatakbo ang oras, bilis!” sigaw pa nito sa akin. Kaya dali-dali akong lumabas ng kwartong iyon at kaagad na pumunta sa kwarto ko at naghanap ng mga damit. Pero? Naalala ko. Wala pala akong dalang mga damit noong umalis ako sa bahay. Itong damit na suot ko. Ibinigay pa nito ni Dashniel kahapon sa akin. Napatingin ako sa Closet. Parang may nagtutulak sa akin na pumunta dito. At pumunta naman ako. Hinawakan ko ang hawakan nito, saka ko dahan-dahang binuksan at wahhhhhhh. Ang daming damit. Ang gaganda pa ng mga kulay. Kinuha ko yung isang pumukaw sa aking masasayang mga mata. “Uy! Kulay pink!” sabi ko pa sa sarili ko habang kinuha ko yung isang damit na kulay pink nga. Isang miniskirt na kulay pink na tinernohan ko ng isang puting printed T-shirt. Sinuot ko na kaagad ito at may kulang pa. wala akong sapatos. Tumingin ako sa ibaba. May drawer doon. Binuksan ko ito at waahhhhhhh ang daming sapatos! Pumili ako ng isa. Yung itim na doll shoes ang kinuha ko. Ang ganda ko na. ang ganda- ganda ko na sa harap ng salamin.
“Inaantay ka na ni Master sa ibaba bilis!” rinig ko pang sigaw ni Dashniel sa likod ng pintuan ko.
“Andyan na!” pasigaw ko rin sagot sa kanya.
☼ ☼ ☼
“Bakit ang tagal…” napahinto si Luhan sa pagsasalita noong makita niya ako. Uy! Nagandahan siya sa akin. Inirapan niya ako at saka pumasok na sa loob ng kotse. Pumasok narin ako dahil yung ang utos ni Dashniel na galit na galit na rin sa akin. Katabi ko pa si Luhan sa likuran. At itong si Dashniel pala ang magdadrive sa aming dalawa.
“Saan ba kasi tayo pupunta at kelangan ko pang magsuot ng damit na ganito!” tanong ko sa kanya. Nakadiretso lang ang tingin nito ang hindi ako kinibo sa mga tanong ko sa kanya. Hays! Ang init na naman ng ulo. Pero ang cute niya ngayon ah? Ang gwapo pala. Haha. Sa suot niyang Red Polo Shirt. At black fitted pants at Chuck taylor na sapatos. Ang lakas maka-rockista. Kumakanta rin kaya siya?
“Sa St. Louis University tayo pupunta!” sabi pa ni Dashniel.
“Wah? Sa St. Louis University!” gulat ko pang sabi kay Dashniel. Alam ko yung paaralan na iyon. Kilala yung paaaralan na iyon, dahil isa ito sa pinaka-mahal na matrikula pero dito din nang-gagaling yung mga pinaka-magagaling na personalidad sa pilipinas ngayon. At maging sa ibang mundo. Sa paaralan ito sila nang-galing.
“Anong gagawin natin sa prestihiyosong paaralan na iyon?” tanong ko sa kanya.
“Mag-eenroll ka doon!” mahinang sabi ni Luhan at hindi parin nawawala yung konsentrasyon nito sa pagtitig sa kanyang harapan. Habang ako? Ito lutang parin sa mga naririnig ko.
Pangarap ko. At ni Daddy na makapasok ako sa paaralan iyun. Doon kasi siya nagtapos sa kursong Business Administration. At gusto din ni Daddy na kumuha ako ng kursong gusto ko. Ang Education.
“Wait lang? eh hindi ako nakapagtapos ng highschool eh. Ni hindi nga ako nakatungtong ng Grade Six eh. Dahil kinuha na kaagad ako ng Tita Kiya ko sa bahay noong namatay si Daddy.” Malungkot kong sabi.
“Ginawa na lahat ni Master Luhan ang lahat-lahat no need to worry Candice!” masayang sabi pa ni Dashniel sa akin habang busy parin ito sa pagmamaneho sa aming dalawa.
Bigla akong tumingin kay Luhan at napangiti ako. Yung ngiting abot hanggang tenga. Ang saya-saya ko.
“Wag mo akong ngitian ng ganyan Candice. Hindi ka cute!” inis na sabi nito sabay tumingin sa labas ng bintana. Gusto ko man siyang yakapin ulit, pero nagdadalawang isip ako. Baka gamitan na naman niya ako ng kapangyarihan niya at baka mapatay na niya ako ng dis-oras.
Eto na. eto na. lumalapit na ang mga pangarap ko. Hindi ko ito inaasahan, pero ang sarap pala sa pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong tumutulong sa iyo na matupad mo yung mga pangarap mo. Pagbubutihin ko ang pag-aalaga sa kanilang lahat para hindi ko, sila masira. Hindi masira yung tiwalang ibinigay nila sa akin.
Maraming maraming salamat Luhan.
St. Louis, here I come! Boom Panes!