Chapter 1

1917 Words
Chapter 1 Gumising ng maaga. Mag-linis at mag-ayos ng kama. Mag-handa ng pagkain. Maghugas ng pinagkainan. Maglaba ng maruruming damit. Mamalantya. Magtupi ng damit. Maglinis ng buong bahay. Maghanda muli ng pagkain. Maghugas muli ng pinagkainan. Tapos matulog. At gumising muli ng maaga kinabukasan. Hindi naman Cinderella ang pangalan ko, pero bakit halos magkapareho kami ng naging buhay? Akala ko ba hindi totoo ang mga nababasa sa mga Fairy Tale Books? Noong una ko itong binasa. Natakot ako. Natakot ako na baka mangyari din ito sa akin. Na baka isang araw may mangyaring masama kay Daddy. At may biglang dumating na kamag-anak ng Daddy ko at biglang agawin iyong yaman namin. Natatakot ako. Hanggang sa nagising nalang ako, isang araw. Ang buhay na kinatatakutan kong mangyari ay naging totoo. “Hoy, Candice!” Hindi nawawalan ng ‘Hoy!’ Sa bawat tawag sa akin nang aking mahal na pinsan na si Deuteronomy. Oo pinsan ko siya, pero kung umasta siya sa akin para niya akong katulong. “Anong tinitingin-tingin mo diyan?” nakataas pa ang kilay nito. Manipis lang ang kilay niya. Mukhang iilang strands lang ata ng buhok ang naroon. Tapos mapula ang pisngi. ‘Di dahil sa mestiza siya. Kundi dahil sa makapal pa sa alikabok ang make-up sa mukha niya. Ang aga-aga, pero kung makapag-make up wagas. “Ano bang kailangan mo Deuteronomy?” tanong ko sa kaniya. Humanda ka na Candice sa pagbabagong anyo niyang pinsan mo. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag siya sa ganoong pangalan. Sa totoo lang, nasusuka talaga siya tuwing tinatawag siya sa ganoong pangalan. Ang arte niya. Hindi naman siya maganda. Oo. Hindi dahil sa insecure ako sa kaniya. Hindi talaga siya maganda! As in! walang ibang salitang babagay sa pagmumukha niya at sa ugali niya kundi ang title ng libro ni Haveyouseenthisgirl na Diary ng Panget! “Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ayaw na ayaw kong maririnig na tinatawag mo ako sa pangalan na iyan?” hala, nagtransform na siya into a monster! Oo! Naging Ogre na siya. Iyong si Fiona? Nagkukulay berde ang mukha niya kapag nagagalit. Hinila niya ang buhok ko. Tapos kinaladkad ako patungong kusina. Kumuha siya ng isang basong malamig na tubig sa loob ng Refrigerator at walang awa akong binuhusan nito. Saka pinagsasampal ang aking mukha. “Ano, Lalaban ka?” galit niyang tanong sa akin. “Pwede ba? Kung pwede sasapakin na kita ngayon din!” sabi ko sa kaniya at sinugod niyang muli ako. “Aba, Ang kapal talaga ng mukha mong hayop ka?” nahiya naman ako sa iyo Noemi. Ako pa itong mukhang hayop ah? Ano nalang ang itatawag ko sa iyo? Binigyan na naman niya ako muli ng isang malakas ng sampal. Halos gumalaw iyong panga ko sa malakas na sampal na ibinigay nito sa akin. Ganito ang buhay ko. Simula noong mamatay ang Daddy ko. Wala na kasing ibang kamag-anak sina Daddy. Sa totoo lang, iyong buhay pa si Daddy. Ang dami niyang kamag-anak. Sikat na sikat kasi si Daddy. Hindi lang dahil sa, siya ang pinaka-mayaman at bata sa business industry. He is also one of the most sought after bachelor of the Philippines. At ang nagmamay-ari ng pinakamalaking pagawaan ng Kandila sa buong mundo. Pero isang araw, nabalitaan ko nalang na namatay siya. Halos gumuho ang mundo ko. Tapos, iyong mga taong inaakala mong tutulong sa amin, sa akin. Ay isa-isang naglaho. Iyong mga akala mong kamag-anak namin, naging parang bula. At sina tita Kiya na lamang ang hindi umalis sa amin. Pero ang inaakala kong mabait na pag-uugali nila ay may iba palang masamang binabalak. Inagaw at inangkin lahat ni Tita Kiya ang buong kumpanya. Pati narin ang mga kayamanan ni Daddy Yuan. At binalak pang ipatapon ako sa malayong lugar, pero noong sinabi nitong si Noemi na kailangan niya ng isang laruan. Ay isinama na lamang ako nito sa palasyo nila. “Ano ba yang ingay na yan?” pasigaw pang sabi ni Tita Kiya habang palapit ito sa kusina. Sa tining ng boses niya mababasag lahat ng mga mababasagin kapag siya na ang nagsalita. Katulad ng Nanay niya. Panget din siya. Hays! Iba na talaga ngayon ano? Kung sino pa yung Panget. Sila pa itong masasama ang ugali. Magkita-kita nalang kayo sa impyerno kapag namatay kayo. “Oh? Anong ginagawa mo kay Candice?” tanong nito sa kaniyang anak. As if naman na concern siya sa akin. “Tinawag niya po kasi ako sa pangalan…” inis na sabi ni Noemi. “Bakit mo naman kasi tinawag sa pangalan Deuteronomy si Noemi?” sabay hinila ni Tita Kiya iyong buhok ko. At iniharap nito sa kaniyang mukhang nakakasulasok. Iyong pabango niya na amoy pampatay. Kung anong kinanipis ng kilay ng anak niya, siya namang kinakapal ng mukha niya. Para namang kasalanan ko na iyon ang itawag ko sa kaniya e, iyon naman talaga ang pangalan niya at kasalanan naman ito ni Tita Kiya kasi siya ang nagpangalan dito. “Ano, Lalaban ka?” tanong pa nito sa akin. Pero kung kinakaya-kaya ko si Noemi, itong si Tita Kiya, hindi ko kaya. Dahil natural na nakakatakot siya. Iyong parang kamag-anak talaga niya si Satanas sa sobrang sama ng ugali niya? Saka niya ako inihagis na parang basura sa gilid ng kusina. Masakit na naman iyong buo kong katawan. Daig ko pa iyong punching bag sa kanilang dalawa. Ang sama-sama talaga nila. Kinabukasan. Happy Birthday Candice! 16 years old na ako. Wow! Tumatanda na ako, tumatanda na talaga ako pero hindi parin ako makaalis sa sumpang lugar na ito. Oo! Tinuturing kong sumpa itong buhay ko ngayon. Sino ba naman ang gustong mapunta sa sitwasyon ko aber? Wala ‘diba? Himala! Himala. Hindi nila ako binulabog sa loob ng attic. Doon kasi ako natutulog, kasama ng mga kaibigan kong mga ipis at daga. Isama mo na iyong mga surot na kahit na mga kaibigan ko ay kinukuhaan parin ako ng dugo. Iyong muli kong ipinikit ang mga mata ko, may bigla nalang kumatok sa pintuan ng kwarto ko sa attic. Kaagad akong tumayo. Isinilip kung sino iyong katok ng katok sa pintuan. At noong nakita ko na kung sino… “Yass, ikaw lang pala. Ano bang mayroon. May kailangan ka ba?” tanong ko sa kaniya. Nakalock kasi ang kwarto ko. At na kay Tita Kiya iyong susi, kaya hindi ko ito mabubuksan. “Happy birthday Candice!” hinihingala pang sabi ni Yass sa akin. Si Yass ay pinsan ni Noemi. Pero, siya iyong counterpart ni Noemi. Mabait ito at sobrang ganda. Minsan siya pa itong patagong nagbibigay ng pagkain sa akin, kapag hindi ako pinapakain nila Tita Kiya. Naging close kami, kasi pareho kaming maganda. Ayaw niyang kalaro si Noemi kasi masama ang ugali nito at lagi nalang siyang binubully nito kapag nababadtrip na ito sa tuwing maglalaro sila at hindi siya nananalo. “Kailangan mo nang makaalis dito.” Sabi pa niya habang hinahabol parin nito ang hininga niya. Galing kasi siya ground floor. At sana tuktok ng bahay itong Attic. Sa ika 5 palapag, tapos siyempre alam kong patago pa itong pumunta dito, dahil walang ibang nakakapunta dito kundi silang dalawang mag-ina lang. “Bakit?” nag-aalalang kong tanong sa kaniya. “May binabalak silang masama sa iyo Candice!” wika pa ni Yass. Kinilabutan akong sa sinabi niya. “Papatayin ka na nila Candice, narinig ko. Rinig na rinig ko papatayin ka na nila. Ngayon araw na kasi nila makukuha iyong lahat ng natitirang pagmamay-ari ng Daddy mo. At sa base sa narinig ko sa kausap niyang attorney kanina. Kapag tumuntong ka ng 16 maaari mo nang makuha lahat ng yaman ng Daddy mo. Pineke nila lahat ng mga papeles at pumapayag ka raw na ilipat sa pangalan nila iyong mga kamayanan ng Daddy mo.” Halos gumuho ang mundo ko. Alam ko ang mga bagay na iyon. Pero hindi ko alam na kaya nilang gawin iyon sa akin. Sinabi pa sa akin ni Tita. Na kapag tumuntong ako ng 16 makakalaya na ako sa mundo kong ito, pero hindi. Nakuha pa nilang patayin ako. Papatayin nila ako para mapasakanila na mismo lahat ng kamayanan ng pamilya ko. Ang sama-sama nila. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak nalang ng umiyak. “Eto…” may kung anong bagay na inihagis si Yass. Saka ito lumingon sa kaniyang likuran. “Tumakas lang ako sa kanila, kanina. Alam kong palabik na sila ngayon. Tumakas ka na Candice. Kailangan mo nang tumakas.” Dagdag pa niyang sabi. Binuksan ko iyong pintuan. Gamit ng susi na nakuha ni Yass kay Tita Kiya. Kung paano niya ito nakuha? Hindi ko alam, pero malaki ang pasasalamat ko sa kaniya sa ginawa niyang ito. Hinding hindi ko siya makakalimutan. Kaagad akong tumakbo palabas ng bahay. Hindi na ako nagdala pa ng ano mang mga gamit. Sa likod ako dumaan, wala kasing gaanong bantay doon. Iyong mga guard ay nasa harapan. Mga bobo! Hindi nila alam na pwedeng makatakas… Bakit ang daming mga bantay sa bakuran? Buwisit! Paano ako makakatakas? May mga hawak-hawak pa silang malalaking aso. Mukhang mga gutom na gutom pa naman iyong mga hawak nilang aso. Baka gawin akong ulam ng mga asong ito. Pepektusan ko sila. Wala na! kailangan kong makatakas. Alam kong delikado itong gagawin ko, pero kailangan kong gawin ito. Mabilis akong tumakbo sa harapan. Kaunti lang kasi ang nagbabantay doon, pero eto na… naamoy ako ng patay gutom na aso na iyon. Hinabol ako. Pinaputukan pa ako ng isang guard. Saka nagkalasan na iyong ibang mga aso. Kaunti na lang makakalabas na ako… Kaunti na lang… “Aaaaaaaaahhhhhh!” Sigaw ko ng malakas. Pero bakit huminto ang lahat? Iyong malaking aso nakalutang. Iyong bala na malapit na sanang dumampi sa ulo ko nakahinto din. Pati iyong tuyong dahon na nakakatanggal lang sa tangkay nito nakahinto din. Pero bakit ako? Nagagalaw ko iyong katawan ko? Hanggang sa may isang lalaking lumapit sa akin. Nagtaka ako? Bakit lahat nakahinto, tapos ako hindi? Tapos siya hindi? Anong mayroon? Hala? Baka panaginip lang ito? Hindi pwede! Kailangan kong makatakas. “Tumakbo ka na!” utos pa niya sa akin. Isang lalaking medyo may katangkaran. Nakasuot na Grey na T-shirt. Tapos nakapantalon, fit sa kaniya. Iyong buhok niya nakatayo, mukhang marami siyang Gel na inilgay doon. Tapos iyong mukha niya, ang kinis. Ang kapal ng kilay niya. Iyong labi niya, medyo manipis, pero kulay pula din. May dimple siya! Oo napansin kong may dimple siya. Iyong ilong niya ang tangos. Maiilit lang iyong tenga niya. In short Gwapo siya. Pero mukhang masungit dahil sa linya sa noo niyang nakanoot. “Huh?” sabi ko. Pero nagsimula na siyang magbilang. 10...9… “Ano ba? Hindi kita maintindihan, bakit ka nagbibilang?” pasigaw kong sabi sa kaniya. Nakaupo parin ako sa lupa, pero unti-unti ko nang itinatayo ang sarili ko. Nahawi ko pa iyong mainit na bala ng baril. Pero nahulog lang ito. …8…7…. Patuloy parin siya sa pagbibilang? Ano ito? Ngayon palang siya natututo magbilang? Ngayon pa siya nagpapractice? God! Anong nangyayari? Natatakot na ako! …6…5…4 Pinunasan ko ang mukha ko. Ang pwitan ko saka ako lumapit sa kaniya na patuloy parin sa pagbibilang. …3…2… Hinila ko siya. Kung aalis ako, kailangan kasama ko siya. Kung siya man ang may gawa nito, kailangan ko siya. Kung may powers man siya o isa man siyang mangkukulam o whatsoever. Kailangan ko siya. 1.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD