CHAPTER 26 Nang nakaalis na ang Mama at kapatid ni Clint ay lumabas na din sila sa hospital. Dumiretso agad sila sa Naic para doon na magpagaling si Clint. Naging mapagmasid at maingat sila na hindi nasundan dahil hindi pa sila handang lumaban. Nahihirapan pa ring maglakad si Clint. Naging masaya sila sa piling ng isa’t isa. Sa umaga ay sabay silang nagigising. Nagkakape sa harap ng kubo habang magkatabing pinagmamasdan ang pagsikat ng haring araw. Pagkatapos ay aalalayan ni Errol si Clint na maglakad-kad sa tabi ng kubo para sa theraphy ng huli. “Tara, sumakay tayo sa maliit na bangka.” “Bakit? Mangingisda tayo? “May ipapakita ako sa’yo. Simulan na nating magplano dahil alam kong darating ang araw na matutunton na nila tayo. Mahirap y

