"Venice, samahan mo ako sa party ni Lexa mamaya please," aya ni Cali sa'kin.
"Ayoko, 'di ako papayagan ni mama." Pagtanggi ko sa kaniya. Papayag naman si mama kaso may mga consequence pa. At saka, kailangan ko pang mag-aral.
"Alam ko, kaya magpaalam ka sa papa mo. Sigurado akong papayag 'yun. Matutuwa pa," ani ni Cali na naka cross ang daliri.
"Kung gusto mong pumunta, pumunta ka ng mag-isa. Mag-aaral pa ako." Sagot ko sa kaniya habang nagbabasa ng libro. Nasa library kami ngayon ni Cali dahil may quiz kami sa trigo.
"Ayoko. You need to live your life." Kinuha niya ang libro na binabasa ko kaya inirapan ko siya.
"Fine," sagot ko sa kaniya. Ngumiti naman siya na abot tenga na para bang nanalo sa lotto. Pagbibigyan ko na siya tutal Sabado naman bukas. I guess I need to treat myself sometimes.
"Yes!" sigaw niya. Nakalimutan niya siguro na nasa library kami kaya tiningnan siya ng mga estudyante na nasa library kaya nagpeace sign siya sa kanila at tumawa.
Paglabas namin ng library tinawagan ko na agad si papa. Para makapagpaalam ako ng maaga, baka mamaya busy na siya. Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot niya agad.
[Yalo, ano kailangan mo, Venice?] sabi ni papa sa kabilang linya.
[Papa, ano kasi, hehe] Teka lang, hindi pa ako handa. Nahihiya pa ako kay papa. Ano sasabihin ko?
[Ano? Gagala ka ba? Okay. Ingat] Pangunguna ni papa sa'kin.
"Papa! Wala pa nga akong sinasabi, e," sabi ko at tinawanan ako ni Cali. Ilang beses niya na ata itong narinig. Palagi kasi akong pinapangunahan ni papa tapos palagi pa siyang tumatama.
[Ano? Tama naman ako, a. 'Wag kang mag-alala, ako na kakausap sa mama mo.] Narinig ko pang tumawa si papa.
"Hehe, birthday kasi ni Lexa, 'yung kaklase ko dati. Thank you papa!" Masiyang sabi ko kay papa at nginitian ko si Cali kaya nagthumbs-up siya sa akin.
[Okay, ingat. Enjoy. Love you] Tugon ni papa at binaba na ang cellphone niya bago pa man ako makapagpaalam sa kaniya.
Pagkatapos ng klase namin ay pumunta kami sa mall upang bumili ng regalo kay Lexa. Buti nalang at maaga kaming pinauwi ng prof. Pagkatapos naming magquiz ay pinauwi na kami.
"Omg, pinapapunta ka talaga ni Lord sa birthday ni Alexa," masiyang ani ni Cali. Tamang tama din kasi dahil last class na 'yong trigo. It looks like heavens wanted me to come.
We strolled around the mall. Cali suggested we should eat first and it was the best idea. We had class the whole day so I'm hungry.
We decided to eat at Greenwich. Si Cali na ang umorder ng pagkain kaya umuna na ako at naghanap ng mauupuan.
Saktong sakto ay may natapos ng kumain kaya umupo ako sa kanilang upuan pagkatapos nilang umalis. Tinawag ko naman ang waiter para linisin ang mesa.
Dumating si Cali na may bitbit na number at inilagay niya ito sa mesa. Maya maya ay dumating na ang pagkain namin.
Habang kumakain ay nagkwe-kwentuhan kami ng kung ano-ano hanggang sa naubusan na kami ng topic. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami saglit at umalis na.
"Ano kaya ireregalo ko kay Lexa," hawak hawak ni Cali ang baba niya habang nagiisip. "Pumunta nalang muna tayo sa department store."
Nag-iikot kami lamang kami sa department store habang naghahanap si Cali ng regalo. Napahinto na kami sa may stationary, luggage, and dresses departments kaso ay wala pa kaming maisip na regalo kay Lexa. Kung reregaluhan namin siya ng damit ay baka hindi niya ito siza at masayang pa. Nang napadpad kami sa may bag deparment huminto si Cali at may kinuhang maliit na backpack.
"Tingnan mo, ang cute cute niya." Sabi ni Cali nang pinakita niya sa'kin ang bag na hawak niya. Tumango ako sa kaniya kaya napag-isipan niyang ito nalang ibili para kay Lexa. Pumunta na siya sa cashier at binayaran na nga ang bag.
"Magkano?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang presyo kanina kaso mukhang hindi niya napansin kaya gusto ko siyang tuksuhin.
"1k," tipid na sagot niya at sumimangot. Tinawanan ko lang siya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
Pagkatapos namin bumili ni Cali ng regalo ay nagikot-ikot muna kami sa mall. Napahinto kami sa National Bookstore kaya naalala ko na kung anong ireregalo ko kay Lexa.
Naghiwalay muna ang landas namin ni Cali dahil bibili pa raw siya ng ballpen at iba pang materials sa school. Sa labas ng bookstore na kami magkikita para makauwi at makapaghanda na agad kami.
Pumunta ako sa may romance genre na books. Nakita ko kasi 'yung deleted tweet niya dati na gusto niya raw 'nung trilogy noong movie na napanood niya. Sure naman ako na kakaunti lamang ang mga nakakita ng tweet na 'yon dahil dinelete niya kaagad. Buti nga ay nakita ko 'yon.
Iniisa-isa ko ang mga librong sa may romance genre at hindi ko 'yon nakita kaya nagtanong na ako sa saleslady. May nakasabay pa akong nagtanong, tingin pa ng tingin ang saleslady sa lalaking nagtanong sa kaniya.
Itunuro ng babae kung saan ang libro at wala nang ang book one ng trilogy. Ang natitira nalang ay 'yung book two at book three. Unfortunately, there's only one book each nalang. Nang narinig ko ang saleslady na nagtanong sa number ng lalaki napatingin ako sa kanila.
Ngumiti ang lalaki noong nagtanong ang saleslady at sinabing, " I'm sorry miss pero I don't give my number easily especially to the people I don't know, eh."
Tumango lang ang saleslady at kinilig dahil ngumiti ang lalaki sa kaniya. I didn't notice I was already spacing out.
"Miss, kunin mo nalang 'yung book 2 at akin nalang ang book 3. Ayos lang ba?" sabi ng lalaki sa'kin at tumango nalang ako para maging fair saming dalawa tutal sabay naman kaming nagtanong. Nagulat naman ako 'nung una pero ngumiti nalang ako sa kaniya.
Tumingin pa ako ng mga diary o journal para iregalo kay Lexa. Sa tingin ko naman ay magugustuhan niya ito. Nakakahiya kasi kung libro lang ang ibibgay ko sa kaniya. Bumili na rin ako mg gift bag para hindi na ako magbabalot.
Pumila na ako sa cashier at nasa harapan ko pa 'yung lalaking nakasabay ko kanina. Pagkatapos niyang nagbayad ay napansin niya ata ako dahil ngumiti siya sa akin at umalis na. Nagdadalawang isip ako kung ngingiti ba ako o hindi kaso umalis na siya bago pa man ako makapagdesisyon. Nagkibit-balikat na lang ako at binayaran na ang mga pinamili ko.
Nang nakauwi na ako sa bahay, si manang at si Zephy, kapatid ko, lamang ang nasa bahay. Mamaya pa uuwi si mama at si papa kaya makakaalis ako ng bahay nang mapayapa. Kapag kasi nandito si mama at alam niyang gagala ako, madami pa siyang sinasabi kaya minsan hindi na ako gumagala 'pag nandito si mama o dumederetso na ako galing sa school.
Susunduin daw ako ni Cali mamayang 5 pm kaya naghanda na ako. Simple lang ang suot ko, Light blue long sleeves polo, black fitted short skirts, at white rubber shoes. Nagsuot din ako ng black sling bag para may lalagyan ako ng mga gamit ko. Gumamit din ako ng kaunting cheek powder at lipstick.
Nilagay ko na din ang regalo ko sa paper bag na binili ko kanina at nilagyan ko ng pangalan ko. Pagkatapos kong magsulat ng pangalan ay nagtext na si Cali na papunta na raw siya kaya bumaba na ako at sa sala na ako naghintay.
Habang naghihintay, nagso-scroll lang ako sa social media ko. Napaurong naman ako noong biglang nagsalita si Zephy, hindi ko napansin na bumaba pala siya.
"'San ka pupunta, ate?" Biglang tanong ni Zephy habang kumukuha ng tubig sa ref.
"S-sa birthday ng kaibigan ko," gulat ko na sabi sa kaniya. Napahawak ako sa aking dibdib at tumawa.
"Ahh, kay papa ka ba nagpaalam?" tanong niya sa akin. She knows how strict mama is to me. Ibang-iba ang trato ni mama sa'kin kaya nahahalata niya iyon dahil siguro panganay ako. Apat na taon lang ang aming agwat kaya medyo naiintindihan namin ang isa't isa.
"Oo, alam mo naman kung kay mama ako magpapaalam baka mamayang 9pm pa ako makakapunta sa dami nang sasabihin niya," pagpapaliwanag ko sa kaniya at tumawa naman siya.
"Ingat." sabi ni Zephy at umakyat na.
Maya-maya ay narinig ko na ang pito ng sasakyan ni Cali kaya lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa shotgun seat ng kotse niya. She was wearing a white shirt under her black dress.
"Ganda mo, ma'am," papuri niya sa akin.
"Thanks, you too!" bawi ko naman sa kaniya.
Cali drives quite well. Good for her, her parents allow her to drive. She just started to drive last year when her parents gave her a car for her 18th birthday. Ayaw ni mama na magdrive ako dahil delikado daw, baka wala lang talaga siyang tiwala sa akin. Ever since, I always felt mama doesn't trust me that well compared to Zephy. But maybe this is just a way of her to take good care of me. I don't know.
It was just a 30 minutes drive kaya nakarating kami ng maaga. 'Di pa gaano kadami ang bisita. Sinalubong kami ni Alexa at niyakap kami.
"Thank you so much for coming! I can't believe you came, Venice." she kissed me on my cheeks and hugged me.