Almika's POV Seryoso nga ang gaga sa sinabi nitong pupunta s'ya dito sa mansyon ni Riley, ang aga-aga niya pa nga, kakagising ko lang, nadatnan ko siyang kausap sina Riley at Freena, nagtatawanan pa ang mga gaga oh. Pinikit ko ang mata ko para ibalanse ang paningin ko, pero agad din naman akong nag mulat. At sa pag mulat ko mukha ni Penelope na naka ngiti ang sumalubong sa akin. "Hi!" "What the hell! Penelope!" inis na sigaw ko, tumawa lamang s'ya at hinila ako pababa ng hagdan. "Maaga dapat tayo ngayon, sasama nga pala sina Freena at Riley sa atin. Kumain kana at maligo." Pagkatapos kong kumain at maligo, sa kotse kami ni Penelope sumakay, isang kotse lang ang dinala namin dahil 'yung ibang sasakyan ay gagamitin ng mga lalaki sa pupuntahan nila. Kukuha daw sila ng invitation, ewan

