Almika's POV Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko, dahan-dahan akong bumangon mula sa kama. Mabilis namang tumayo si Riley sa kinauupuan niya, inalayan niya akong umupo ng tuwid, napansin ko ring kaming tatlo lang ang andito. Si Penelope, Riley at ako, where's the others? And where's my son? "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Penelope ngunit bakas sa mukha niya ang pagkairita. "Where's my son? Saan na naman dinala ni Vandeon ang anak ko, Riley?" nagtitimping tanong ko, gusto kong tumayo para hanapin ang anak ko pero mas pinili ko na lamang umupo at kumalma, wala naman sigurong nangyari sa anak ko 'diba? At kung hindi ako kakalma ngayon, siguradong gulo ang aabutin ko. Tinapik ni Riley ang likod ko, sobrang tamlay ng mga mukha nila na para bang may masam

