Hindi ko na po sinali dito 'yung laban nina Almika at Riley sa maze, dahil iniba ko ang kwento ni Almika kayat 'wag po kayong mag taka hehe. Enjoy reading. *** Almika's POV Umatras 'yung lalaki ng marinig ang malamig na boses ni Vandeon, bumakas sa mukha nito ang takot dahil sa pinakitang tingin ni Vandeon ngunit hindi na uubra sa amin ang tinging 'yun. Kinuha ko ang kamay ni Vandish 'saka ko ito hinawakan nang mahigpit habang nakatingin kay Vandeon na ngayon ay nasa amin na ang atensyon. "There's no turning back now, Almika." malamig na simula niya at humakbang papalapit sa amin, pinagmasdan ko lamang siyang lumapit. Kung sakaling gagana man ang plano namin ni Vandish ay malaking pakinabang iyon pero paano ko pakisamahan ang demonyong 'to? Makita ko lang mukha niya natatakot na a

