ALEXANDRIA’S POV
Nasa labas palang ako ng bahay pero rinig ko na ang tawanan ng mga tao sa loob. Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang mga kaibigan ko sa sala na nagtatawanan kasama ang kambal ko. Agad silang napatingin sa akin ng marinig nila ang pagsara ng pinto.
“Tagal mo namang dumating Xandra kanina pa kami dito eh.” sabi ni Ian sakin.
“Saan kaba kasi galing Xandra?” tanong naman ni Raiven sakin. Biglang tumingin si Jade sa mga bitbit kong shopping bags.
“Nag shopping ka without me and Kyra?” nagtatampong sabi ni Jade sakin kaya agad kong binigay ang binili ko para sa kanila nii Kyra.
“Hindi ko naman kinalimutan na bilhan kayo ni Kyra eh.” dipensa ko kay Jade.
“How about us? Wala ka bang binili para samin?” tanong ni Adam kaya binigay ko na din yung binili ko para sa boys.
“Meron kayong lahat pati mga kapatid ko meron. Hindi ko yun kinalimutan kasi alam kong magtatampo na naman kayo sakin.” sagot ko kay Adam. Pagkabigay ko sa mga pinamili ko na para sa kanila ay nagpaalam na ako na magpapalit muna ako ng damit. After ko magpalit ng damit ay kinuha ko ang phone ko saka ako lumabas ng kwarto para pumunta sa mga kaibigan ko. Pagdating ko dun ay nag memerienda na sila.
Agad akong umupo sa tabi ni Thunder kasi dun na lang ang may space. Nakikinig lang ako sa kanilang mga usapan ng biglang magsalita si Kyra.
“I heard type ka daw ng isa sa kaibigan ni Asher Xandra.”
“Asher? You mean friend of Ashton’s brother?” tanong naman Charlie.
“Yes. Siya nga. What’s his name again Ashton?” tanong naman ni Kyra kay Ashton na tahimik lang habang kumakain.
“Si Tyler.” maikling sagot naman ni Ashton kay Kyra.
“You mean the great Tyler James Ramirez?” gulat na tanong ni Jade.
“Yeah, the one and only Tyler James Ramirez.” sagot sa kanya ni Kaiser.
“OMG girl ang swerte mo pag naging jowa mo yun.” kinikilig na sabi ni Jade na may paghampas pa kay Raiven kaya agad lumayo si Raiven sa kanya.
“Paano naman ako naging swerte Jade?” takang tanong ko sakanya.
“Sa kwarto natutulog na.” sagot ko bago kumuha ng baso sa cabinet.
“Aga naman matulog nun.” ani ni kuya
“Pagod siguro kuya kaya nakatulog na.” sabi ko sabay inom ng tubig. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay nagpaalam na ako kay kuya at bumalik sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong humiga at natulog.
“Duhh swerte mo because he’s handsome, matalino, hot, mayaman and mabait.” maarteng wika ni Kyra sakin.
“Hindi yan magugustuhan ni Xandra HAHAHA.” tumatawang sabi ni Ian
“Why not naman ha Ian?” taas kilay na tanong ni Kyra
“Ang taas kaya ng standards ni Xandra sa mga lalake.” nakangiting sagot ni Ian sa kanya.
“Why don’t you shut your mouth Ian and eat.” inis na sabi ko kay Ian para tumahimik na sila.
After naming kumain ay nagpaalam na sila at umalis. Pagkaalis ng mga kaibigan namin ay agad akong bumalik sa aking kwarto. Humiga ako sa kama at hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako.
ALEXANDER’S POV
Pumasok ako sa kwarto ng kambal ko para tignan sya pero nadatnan ko syang natutulog kaya agad din akong lumabas. Pagkalabas ko sa kwarto ng kambal ko ay bumaba ako para pumunta sa kusina. Pagdating ko dun ay nadatnan ko si kuya na umiinom ng tubig.
“Asan si Lia?” tanong sa akin ni kuya nang makita nya ako.
“Natutulog na kuya.” sagot ko habang kumukuha ng baso.
“Aga naman nun matulog?” nagtatakang tanong sa akin ni kuya.
“Pagod siguro kaka shopping kuya.”
“San ba yun pumunta kanina?” tanong ulit ni kuya.
“Nag mall kuya.” sagot ko pagkatapos ay uminom na ng tubig.
“Una na ako kuya. Matutulog na din ako.” paalam ko sa kanya. Pagkatapos ko magpaalam kay kuya ay agad akong bumalik sa kwarto ko upang matulog. Pagdating ko sa kwarto ko ay agad akong nahiga at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
ANDREI’S POV
Pagkatapos ko uminom ng tubig ay agad akong bumalik sa kwarto ko. Nasa kwarto ko kasi ang mga kaibigan ko. Dito daw sila matutulog. Yung iba ay nasa kwarto ni Axel at yung mga iba naman ay nasa guest room natutulog na. Pagdating ko sa kwarto ko ay natagpuan ko ang mga kaibigan ko na naguusap-usap sa may balcony ng kwarto ko na nagkukwentuhan kaya agad ko silang pinuntahan.
“ Ano ang pinag-uusapan nyo?” tanong ko sa mga kaibigan ko pagdating ko sa pwesto nila.
“Ito kasing si Tyler ayaw pa aminin na may gusto sya sa kapatid mo.” sagot ni Asher sakin.
“Why don’t you court her? Wala naman siyang boyfriend.” sabi ko sa kanya kaya agad siyang napatingin sakin.
“Are you sure na wala syang boyfriend?” tanong ni Tyler sakin.
“Oo naman kapatid ko yun. Kung meron man edi sana may ipinakilala na sya samin.” sagot ko naman.
“Wala pa talaga siyang boyfriend bro. Nasabi na din yun sakin ng kapatid ko. Remember kaibigan ng kapatid ko si Eliana.” sabi naman ni Asher sa kanya.
“Galaw galaw din bro. Baka maunahan ka ng iba maganda pa naman yun daming naghahabol HAHAHAHA.” nangiinis na sabi ni Kiel sa kanya.
“Shut up!” inis na sabi ni Tyler kay Kiel. Tinawanan lang sya ni Kiel at humiga na sa sofa bed. Pumasok na din kaming tatlo at humiga na. After how many minutes ay nakatulog na kami.
******Kinabukasan******
ALEXANDRIA’S POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Pagkamulat ko ay agad kong hinanap ang phone ko at tinignan kung anong oras na. Pagtingin ko ay 8am na pala. Buti nalang at wala akong pupuntahan ngayon na importante kaya kahit late na ako nagising ay ayos lang. Agad akong bumangon at pumunta sa cr para maligo. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagsuot ng damit. Nagsuot lang ako ng shorts at oversized shirt. Sinuot ko ang aking tsinelas at lumabas sa kwarto. Papunta ako ngayon sa kusina dahil nagugutom ako pero may narinig akong nagtatawanan sa sala kaya agad akong pumunta doon at sumilip para tignan kung sino ang mga nandoon. Nakita ko sila kuya Andrei kasama ang mga kaibigan nya. Lumapit ako kay kuya at hinalikan siya sa pisngi.
“Good morning kuya.” bati ko sa kanya. Agad ko din tinignan ang mga kaibigan ni kuya at binati sila. Hindi naman ako bastos para hindi sila batiin.
“Good morning princess. How’s your sleep?” tanong ni kuya sakin.
“Ayos naman kuya. Medyo pagod kahapon kakashopping kuya eh kaya nakatulog agad ako.” sagot ko sa tanong ni kuya.
“Thank you sa mga binigay mo sakin princess.” sabi ni kuya sabay yakap sakin at hinalikan pa ako sa noo.
“You’re welcome kuya.”
“Nag Breakfast kana ba princess?” tanong sakin ni kuya.
“Hindi pa kuya. Papunta palang po ako sa kusina kaso narinig ko kayo kaya pumunta ako dito.” sagot ko kay kuya.
“Eliana si Tyler oh kanina kapa nya tinitignan. Pansinin mo naman HAHAHA.” nangiinis na sabi ni kuya Asher sakin.
“Kain kana princess. Huwag mong pansinin ang pinagsasasabi ng kuya Asher mo.” ani naman ni kuya.
“Opo kuya.” Agad akong umalis dun at pumunta na sa kusina. Tinignan ko kung anong ulam at nakita kong favorite ko ang niluto ni nana. Nakahanda na ang lahat kaya umupo ako at kumuha ng kanin at ulam at kaagad kumain. After how many minutes ay natapos na akong kumain. Agad akong bumalik sa kwarto ko upang magpalit ng swimsuit dahil gusto kong magbabad sa pool ngayon kahit nakaligo na ako.