16 "Aren't you mad at me?" Umupo siya sa tabi ko at sumandal sa sofa na tila ba hindi ngayon ang unang beses niyang pumunta rito. He closed his eyes and clamped his lips. "H-Hey," pagtawag ko sa kaniya nang hindi niya sagutin ang tanong ko. Lumunok siya kaya't napalunok din ako. I have a clear view of his facial features and my heart cannot beat normally. "I am." Nag-iwas naman ako ng tingin at sumandal. Siya pa pala ang galit, ha? Inis akong umirap. Mukha namang nakita niya ang pag-irap ko dahil nang tumingin ako sa kaniya ay nakamulat na ang mga mata niya at naka-angat ang ulo para matingnan ko. He let out a soft chuckles. "Pero hindi muna ako magagalit ngayon. Sa ibang araw na lamang," dugtong niya. Kumunot noo ko at takang tumingin sa kaniya. "Why?" "I can't be mad at you b

