14 "Ano ba? Tumigil ka nga sabi!" sigaw ko nang makalabas kami sa mall. Pinigilan ko talagang sumigaw sa loob dahil ayaw ko namang mapahiya. Kahit papaano ay publif figure pa rin ako at baka mamaya ay maka-apekto pa iyon sa career ko. Tiningnan ko siya nang masama nang tumigil siya sa paglalakad. "Ano? Puwede mo na ba akong bitiwan?" tanong kong muli. Sa halip na bitiwan ako ay lumingon lamang siya sa gawi ko. I met his serious gaze that made me shot my brow up. "Hindi ba't sinabi ko na huwag kang makikipagkita sa lalaking iyon? Delikado siya, Monika Chavez." I shut my lips together as I rolled my eyes. "At ano naman kung mapanganib siya?" "I am saying this for your safety—" "Ano bang pakialam mo sa kaligtasan ko?" He sighed frustratedly. Muli naman akong umirap dahil sa inasta

