45 "Do I look good?" Humarap ako sa gawi ni Darius at tumingin sa kaniya. Napatigil siya sa pagbubutones ng polo shirt para tingnan ako. He nodded upon seeing me. "You looked beautiful, cara," puri niya. I smiled at him before looking back at the mirror. Nagsuot ako ng hikaw sa magkabilang tainga habang lumapit naman sa gawi ko si Darius at kinuha ang kuwintas. "My wife is too pretty," mahinang sambit niya bago isinuot sa aking leeg ang kuwintas. "And my husband is too handsome," saad ko. Kita ko naman ang pagngiti niya at marahang pag-iling sa salamin habang isinusuot niya ang kuwintas sa aking leeg. Nang maikabit iyon ay saka ako tumayo at humarap sa kaniya. I rested my arms on his shoulders as I gave him a peck on his lips. "Shall we go?" bulong ko matapos maghiwalay ang aming m

