29 Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan at sa pagtawag ni Kia mula sa labas. Dali-dali naman akong bumangon para pagbuksan si Kia. "Anong mayroon?" tanong ko at humikab. "You slept?" she asked. Tumango naman ako habang pumasok siya sa loob. Umupo siya sa kama at tumingin sa akin. "Gabi na at hinahanap ka ng mga staffs kanina— at pati na rin pala ni Sir Zhione. Sinabi ko na lamang sa kanila na masama ang pakiramdam mo at nagpapahinga ka." I nodded and smiled at her. "Thank you." "Pero kailangan mong lumabas ngayon dahil hinahanap ka na talaga ng mga staffs at nag-aalala na sila sa 'yo. Maglalaro sila sa labas kaya sumali na tayo." Tumango ako sa kaniya bago binuksan ang aking maleta. I took out a cardigan and wore it on top of my tube top. "Tara na," saad ko. Tumayo naman

