25 SPG. MATURE CONTENT AHEAD. Nagising ako sa malakas na tunog ng telepono ko. Agad ko naman iyong kinuha sa bed side table at sinagot. "Monika!!!" Napangiwi ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Kia mula sa kabilang linya. "Anong meron? Ang aga pa, Kia. Iniistorbo mo ang tulog ko." "Gaga ka! Nasaan ka ba ngayon, ha? Umuwi ako rito sa condo unit mo kagabi pero wala ka. Saan ka natulog, babae ka? Huwag mong sabihing nagpadilig ka kagabi? Diyos ko po naman, Monika. Akala ko naman ay na-depress ka na dahil sa issue mo tapos sarap na sarap ka naman pal—" "Kia, umagang-umaga 'yang bibig mo, napakabastos. Sa ibang bahay ako natulog, okay?" saad ko at bumangon na sa kama. Inilibot ko ang paningin ko sa kuwarto pero wala na si Darius at marahil ay nasa trabaho na. Nakumpirma naman ang h

